Episode 16

2129 Words
Nakahiga siya sa sofa habang nanonuod ng t.v., bukas ng madaling araw na ang uwi niya pa probinsya, nakahanda na ang lahat. Buo na ang plano niya at hindi na magbabago yun. Para ito sa pamilya ko. from Andrew: ate c papa pumunta dyan sa Manila pipick-upin daw mga order ng boss nya, makikitulog daw sa bahay mo. Basa niya sa text message galing sa kapatid niya, balak pa naman niyang i-surprise ang pamilya niya sa pag-uwi bukas, naka ready na siya. Buti nalang at ng text agad ang kapatid niya. Nag-reply siya dito at naghanda nalang siya ng lulutuin niya para sa hapunan nila ng ama. Hanggang ngayon hindi padin mapanatag si Al hangga't hindi niya naiuuwi si Margie dahil verbal agreement lang meron sila ayaw nito ng written agreement katwiran nito may ibidensya pa daw kaya hindi ito pumagay hangga't hindi niya pinupunit ang ginawa niyang agreement. Nakalagay kasi duon. "Bed Warmer Contract Agreement" The Chief Executive Officer Miss. Margarita Rio Nangiti siya ng maalala ang naging reaksyon nito ng makitang namula ang buong mukha nito sa hiya, kaya napilitan siyang punitin yun sa harapan nito, hindi pa ito nakuntento at pinunit pa ng sobrang liit yung papel kung saan may pangalan ito. Ito lang ang nag-iisang babaing nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam gusto niyang nakikita ito palagi, pero napakailap nito. Isang linggo nalang makakasama na niya ito kaya excited na siya. Sunod sunod na busina ng sasakyan ang narinig ni Margie kaya naman napabangon siya sa pagkakahiga sa couch at nagmamadalin sumilip sa bintana upang siguruhin kung ang Ama naba niya yun. Naka L300 closed van na puti ang gamit nito, kaya binuksan na niya ang gate para maipasok na nito ang sasakyan. Pagkababa nito sinalubong na niya ang Ama nagmano siya at niyaya na niya ito sa loob ng bahay upang makakain na sila dahil alam niyang pagod ito sa mahabang biyahe. "Pa musta biyahe niyo hindi ba kayo nahirapan" tanong niya dito habang kumakain sila. "Sanay nako sa maghapon biyahi anak. Ikaw kumusta dito, ano na trabaho mo ngayo di ba tapos na yun kontrata mo?" anito "Huwag kayung mag-alala Papa may trabaho na po ako uli nga lang sa abroad na po, baka po next week na alis ko" "Naku nagkausap naba kayo ng Mama mo baka hindi yun pumagay" gilalas nitong saad. "Pa mas malaki po magiging sweldo ko dun isa pa nakausap ko po yun employer ko ina-advance ko yun sweldo para may pambili po tayo ng bahay, katunayan po nakapirma na po ako sa kontrata" paliwanag niya dito, nakita niyang nanglaki ang mata ng Ama at natingil ito sa pagsubo. "Bakit naman ura-urada yata disesyon mo?" tanong ng Papa niya "Okay lang po yun nakita ko hindi naman mahirap yun magiging trabaho ko sa opisina din po" dagdag pa niya na may kaba sa dibdib kailangan niyang maglubid ng kasinungalingan para sa ikapapanatag ng kaloobang ng kanyang pamilya. "Atsaka may nakita na po akung bahay na pwede nating bilin Papa, bukas bago tayo umuwi daanan po natin para makita niyo din" nakangiti niya wika, alam niya magugustuhan ng mga magulang niyan ang bahay. Gusto pa niyang maka kwentuhan ang Ama pero alam iyang pagod ito kaya niyaya na niya itong matulog ipinaglatag niya ito ng mattress sa ibaba ng kama niya, ilang sandali lang nadinig na niya itong mahinang naghihilik. Matutulog na sana siya ng tumunong ang cellphone niya, kaya lumabas na siya ng kwarto at baka magising pa ang papa niya. "Hello sir magandang gabi po" sagot niyang pambungad. "Hhmm natutulog kana ba? pwede drop that sir tawagin mo nalang ako sa pangalan ko hindi kana nagtratrabaho sa kompanya ko soon magkakasama na tayo sa iisang bubong" anito "Okay si..Alfredo pala" aniya nadinig niyang mahinang tumawa ito dahil sa pag bigkas niya sa buong pangalan nito. "Anong oras alis mo? Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" pamimilit pa nito. Napansin niyang maingay sa background hula niya nasa bar ito. "Si..Alfred pala..maingay background mo nasa bar kaba? hindi na siya nakatiis na tanungin ito lalo't may nadinig siyang boses ng babae alam niyang malapit lang yun sa binata. Nadinig pa niya tumikhik ito. "Na..nagyaya lang kasi sila Brando at Steve kasama ko sila dito." nauutal na wika nito. Nakaramdam siya sa kirot sa dibdib alam niyang may kasamang babae ito. "Okay enjoy the night sir" aniya, idiniin pa niya ang pagkakabigkas sa "sir" dahil sa inis ibinababa na niya ang cellphone niya atsaka i-off yun. "s**t" sigaw ni Al ng bigla nalang nawala sa linya ang dalaga alam niyang pinagbabaan siya nito. Kaya masama niyang tiningnan ang babaeng kanina pa walang tingil sa kahahalik sa kanyan. Ilang beses pa niyang tinawagan ang dalaga pero hindi na niya ito makontak i-off na nito ang cellphone. Hindi na siya mapalagay gusto niyang puntahan ito pero hindi naman niya alam kung saan ito nakatira. "Papa ako na po mag-drive" pakiusap ni Margie sa ama, wala naman nagawa ito dahil hawak na niya ang susi ng sasakyan. "Daanan natin yun mga spare parts at mga gulong" ani ng Papa niya matapos niyang isaradong mabuti ng apartment niya sumakay na siya sa driver seat. Kanina kinausap nadin niya ang may ari ng apartment pinakilala niya dito ang Papa niya, anim na buwan ang binayaran niyang advanced dahil next month pa magsisimulang tumira sa apartment niya ang mga kapatid niya. Sa haba ng biyahi nila makatulog ang ama niya paminsan minsan sinisilip niya ito. Kanina nakita niya kung gaano kasaya ito pagkakita sa bahay, alam niyang marami ng nabubuong plano ito sa isip. Napapangiti nalang siya dahil magiging masaya nadin ng pamilya niya. Ihininto niya sa isang kainan ang sasakyan mag a-ala una ng hapon kailangan na nila kumain mag-ama. "Pa gising na po kayo kakain muna tayo" aniya dito kaya pupungaspungas pa ang kanyang ama ng bumababa ito ng sasakyan. Pagkakain ang Papa na niya ang nag-drive ng sasakyan nila. Tricycle na ang sinakyan nila pauwi dahil iniwan na nila ang sasakya sa bahay ng amo ng kanyang ama. Paghinto nila sa tapat ng bahay nila nakita niyang nahihintay sa Papa nila ang mga kapatid at Mama niya kaya nagulat pa ang mga ito ng makita siya. "Margie anak bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka?" tanong ng Mama niya na sabik na niyakap siya. Niyakap din siya ng dalawang kapatid. "Ma isang linggo po ako dito magbabakasyon" aniya dito. "Oh siya pumasok na tayo para makakain na." yaya ng kanyang ina. Masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng pagkain sa hapag nila kahit alas diyes na ng gabi talagang hinintay pa ng mga ito ang pagdating nila. "Ate kailan ang flight mo, mag-iingat ka duon ate" nag-aalalang tanong ni Alejandro. "Next week na huwag kayung mag-alala kaya ko naman sarili ko kayo ang mag-iingat dito, mag-aral kayong dalawang mabuti" bilin niya dito. "Ilan tao ba kontrata mo duon" tanong ng Mama niya." "Three years po Mama. Matulog na po tayo may pasok pa itong dalawa bukas" aniya "Hindi ka pala makaka attend ng graduation ko ate, malapit na kasi yun" ani Alejandro "Baka hindi na Ali di bali andito naman sila Papa, next year sa Manila na kayo mag-aaral ni Andrew dun narin kayo titira sa dati kung apartment nakausap ko yun may ari. Sila Mama't Papa duon nadin habang ginawa yun bahay sa Tagaytay." litanya niya "Talaga ate sa manila na kami mag-aaral" tanong naman ni Drew. "Oo may malapit na University duon isang sakay lang ng jeep. aniya kita naman niya ang kislap sa mga mata ng kapatid niya. Dahil hating gabi na kaya pinilit na silang matulog ng Mama nila may bukas pa naman daw, dalawa ang kwarto ng bahay nila, yun isa duon siya natutulog sa kabila naman yun dalawa niyang kapatid na lalaki samantala sa papag sa kunina naman ang mga magulang nila. Bago matulog maisipan niyang buksan ang cellphone niya kaya naman maya maya pa nagpasukan na ang mga messages, nakita niyang puro kay Al lahat ng text messages. Binasa niya yun isa isa kaya napakangat labi nalang siya. from Alfred: please answer my call. from Alfred: where are you sweetheart hindi naman ako nagtagal sa bar umuwi din ako agad. from: Alfred: nakauwi nako. matutulog nalang ako. Nangiti siya sa mga text nito, bakit ito nagpapaliwanag sa kanya, ipinagpatuloy pa niya ang pagbabasa sa mga text nito. Mainit ang ulo ni Al kinaumagahan kaya halos lahat ng empleyado niya nasisigaw niya. Maging ang secretary niya ay hindi nakaligtas ng galit niya halos maiyak ito ng pagalitan niya. Hanggang ngayon hindi parin niya makontak si Margie, kagabi sa condo unit siya natulog inayus na niya ito para sa pagdating ng dalaga, mamaya plano na niyang mag grocery. Kagabi pa siya kinakabahan baka hindi na ito bumalik. Nag-iisip si Margie kung anung magiging buhay niya kasama sa iisang bahay si Al, natatakot siyang matuklasan nito ang lihim niya, lalo itong magagalit sa kanya at mas lalaitin siya nito. Kailangan niyang kapalan ang mukha niya. Alang alang sa pamilya lahat gagawin niya, sana lang tumupad si Al sa mga napagkasunduan nila. Inabala nalang ni Margie ang sarili sa paglilinis ng maliit nilang bahay habang wala ang Ina. Mag-isa nalang siya ngayon sa bahay. Hindi naman umuuwi ang mga kapatid niya dahil may baon ang mga ito ganun din ang Papa niya, mamaya pa ang uwi ng Mama niya mayroon pa daw pupuntahan ito bago mamalengke. Matapos niya maglinis ng bahay kinuha niya ang cellohone niya at lumabas ng bahay hahanap siya ng lugar na may signal baka may importanteng siyang message. Sunod sunod na pumasok ang mga text messages niya ng magka signal, puro galing lahat kay Al. from: Alfred: saan kana..kumusta biyahi mo?.. from: Alfred: kumusta pamilya mo okay lang ba sila, ikumusta mo naman ako sa kanila.. Nangiti siya sa nabasang text galing kay Al parang may humaplos sa puso niya. Dahil sa nabasa naisipan niyang mag-reply. to Alfred: ayus lang kami dito sunduin mo nalang ako sa central terminal kung hindi makakaabala sayo.. Atsaka niya send. Ilang minuto pa siyang naghintay kung sasagot ito pero wala kaya tumayo na siya para pumasok sa loob ng bahay, pero bago pa siya nakapasok tumunog ang cellphone niya pagkita niya si Al ang caller id, kinakabahan siyang sinagot ito. Lumipas ang ilang araw masaya siya sa piling ng pamilya. Pero naiinip na siya sa kanilang bahay wala naman siya mapuntahan malayo ang kapit bahay nila, hindi rin niya kilala ang mga iyon, wala siyang kakilala, walang makausap, nasa eskwelahan ang mga kapatid niya, ang ama niya nasa trabaho ang ina naman niya inutusan niyang magpunta sa bayan para bayaran ang inutang nitong oven. Nag-aalala siya baka mabuntis siya ni Al, hindi pa siya handa, bata pa siya at hindi sa ganuong paraan gusto niyang magka-anak, dapat may isang ama na matatawag ang kanyang anak. Kailangan niyang magpunta sa isang health center bago pa siya maiuwi ni Al. Dalawang araw nalang uuwi na siya kay Al, hindi niya mawari kung anong mararamdam, excited ba siya o natatakot. Kahapon pa hindi mapalagay si Al sinabihan siyang uma-attend sa convention sa Austria ng Daddy niya dahil hindi daw pwede ito dahil masama daw ang pakiramdam nito. Tinatawagan niya si Margie pero naka-off cellphone nito nag-sent na din siya ng mga text messages wala pa din, hindi na niya binibitawan ang cellphone niya baka mag-text yun, ayun dito mahirap daw ang signal sa lugar nila. Nag-aalala siya baka bumiyahi yun at maghintay sa terminal. Alas kwatro ng umaga ang flight niya yun din ang alis nito sa probinsya nila. Lumabas ng bahay si Margie upang itext si Al tinanong niya ito kung masusundo siya. Nabigla pa siya ng biglang nag-ring ang hawak niya selpon. "Mama next week pa daw flight ko wala daw susundo sakin, a-atttend daw sila ng convention, dapat daw kasama ako dun kaso late na daw akung nag-apply." pagsisinungaling niya matapos nilang mag-usap ni Al. "Ganun ba, makakasama ka pa pala namin" ani Mama niya. "Kung ganun matulog nalang tayo ng maaga para bukas pumunta tayo sa batis tamang tama linggo walang pasok, para makapamasyal ka naman dito bago tayu lumisan dito." suhesyun naman ng Papa niya. "Oo nga ate may mini falls dun, dun nalang tayo maghapon. ani Alejandro. "Magdala ka ng pampaligo mo ate malamig yun tubig dun" dagdag ni Andrew. "Sige huhuli nako ng manok at bibe para may baunin tayo" ani ng Papa niya at lumabas na ito ng bahay. May mga alaga silang native na manok at bibe sa likod bahay nila meron din silang isang kambi kakatayin daw yun sa graduation ni Alejandro, meron din silang anim na baboy ibebenta daw yun bago daw lumuwas ang mga ito pa Maynila. . . . ...........................................................please follow my account and add my stories in your library.... ......"Lady Lhee"..... ...thanksguys...loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD