"Kids hurry up. Baka ma-late kayo sa school magagalit nanaman ang Mommy niyo sakin." sigaw ko na saking mga anak dahil kanina pa sinundo ni Aarush si Margie may ka-meeting daw na foreigners ang mga ito. Dahil ako na ang naghahatid sundo sa school sa mga anak ko at kung busy ako si Mommy at Daddy ang sumusundo sa mga ito. Tulad ngayon nakiusap si Calix at Klenton na sila na susundo sa mga ito para makasama naman daw nila. Pag ganitong usapan napakabait nila pero pag involved ang kapatid nilang babae pinahihirapan nila akung lahat lalo na at hindi pa kami nakakasal. Masyado din nilang ini-spoiled ang mga anak ko na ayaw na ayaw naman ni Margie. Maging ako pinagagalitan niya pagbinibigay ko lahat ng gusto nila. Sila Mommy at Daddy madalas din nilang bilhan ng kung anu-ano ang mga anak ko ka

