Hindi na ako umalis sa tabi ni Margie habang kasama niya ang mga kapatid niya dahil baka kung saan nanaman sila magpunta. Lagi rin akung nakahawak sa kamay niya at baka pag nalingat ako mawala siyang bigla. At hindi ko na makita lalo na ngayon hindi pa humuhupa ang galit nila sa mga taong nagtangka sa buhay ng panganay nilang kapatid, para silang mga langgam na pagkinanti mo mangangangat. Gusto pa nilang malaman kung anung motibo ng mga ito at gusto nilang mawala sa landas nila si Mayor. Ayun sa sabi sabi wala naman daw itong nakakaaway mabait daw ito. Pero mahigpit daw itong magpatupad ng batas kaya simula daw ng ito na ang naupo bilang mayor naging tahimik na ang lungsod nila. "Dapat pinakulong nalang nyo 'yun tao." saad ko ng makasakay na kami sa kotse. "Para ano pa? Maraming illegal

