Kasama ang mga agent na dati kung kasamahan at naging kaibigan din ni Dustin pinasok namin ang lugar kung saan nagtatago ang apat na hinihinalang mga bumaril kay mayor. Isang maliit na barangay na halos layo layo ang mga bahay. Pasimple akung naglakad na para bang taga dito ako nakatira kasama ko ang isang secret agent din na bago sa grupo. Nasa di kalayuan naman ang ibang grupo na minu-monitor kami maging ang grupo nila Dustin. Nagpanggap pa kaming nauuhaw kaya bumili kami ng soft drink sa tindahan malapit lang sa maliit na bahay na pakay namin na mukhang nagkakatuwan pa sila base narin sa dami ng inumin at pulutan nila sa ibabaw ng lamesa may iniihaw din silang mga barbeque na amoy na amoy ko dito sa kinatatayuan namin. Alam kung marami na silang pera ngayon dahil kumita sila sa ibinaya

