1

2119 Words
Matapos ihatid si Eve kinabukasan ay nagpasya si Daniel na dalawin ang kanilang kompanya. Ayaw niyang magpalipas ng ilang araw pa para harapin ang lalaking nagpapaikot sa kanila. He wanted to know how this man kept on putting on his act while he was here in the Philippines, knowing everything he did. Maaga naman niyang naihatid si Eve sa pad nito pero hindi talaga siya nakaiwas sa traffic. Pagdating niya kasi sa southern road kung saan ang pinakamalapit na route patungo sa kompanya nila ay huminto na ang mga sasakyan. Gusto niya tuloy mapamura sa inis dahil nasikatan na siya ng araw sa daan dahil sa traffic. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi buksan ang stereo sa loob ng kaniyang kotse at nagpatugtog ng musika. Lumipad din ang tingin ni Daniel sa isang electric billboard na nasa harap ng isang mataas na gusali dahil sa walang magawa na kahit ano. Bigla namang dumaan doon ang commercial ng isang law firm. Hindi niya maintindihan ang sarili pero tila nabato-balani siya sa nakita. Isang babae ang naroon. She has a shoulder-length hazel brown curly hair. Nakahawak ang isang kamay nito sa blazer na suot at nakangiti. Walang ano-ano ay binaba ni Daniel ang salamin ng bintana ng kotse niya. He put his elbow and gently carries his lips while looking at the image of the woman. Napangiti pa siya lalo ng mabasa ang pangalan. Attorney Megan Almera Juanco. “What a cute name for an attorney,” he mumbled while a small smile flashed on his lips. Parang nakalimutan niya ang inis na nararamdaman kanina dahil sa traffic. Mayamaya ay umusad ang mga sasakyan kasabay ng pagkawala ng imahe sa billboard. Pero hindi napuknat ang ngiti sa labi ng lalaki kahit pa nag-maniubra na ito palayo sa lugar. Naipailing-iling pa siya nang mapagtanto ang kakaibang pagsilay ng labi dahil sa kakaisip sa imahe na nakita. It takes a few minutes of driving from his condominium to get to West Tower. And that company holds the ownership of the biggest marketing company in the Philippines. Sa kanila mismo ang kompanya na iyon kaya nga sa isang taon ay nakakalula ang amount ng pera na kaya nila kitain. Lahat kasi ng mga sikat na products mapa-export at import ay dumadaan sa kanila para sa marketing. Kaya naman hindi na rin talaga nakakapagtaka ang nakakahilong net worth na nakadikit sa pangalan nila. Aside from that, West family was known in England at sa isa pang dako kilala ang pamilya nila sa black market. Yes, in spite of a good life they have, the West family is not yet content. Lalo na ang matatandang lalaki sa pamilya ng West. Ayaw ng pamilya ni Daniel na mawala sa listahan ng pinakamayaman sa mundo. That's the reason why they lean on dark opportunities. Aside from offering effective and quality marketing strategy to businesses, West also deal with selling illegal drugs and guns. They are part of the biggest syndicate in the Philippines. At ang publiko ay hindi alam ang bagay na ‘yon. Daniel West, as a son of the master mind of the organization knew everything. At kasali siya sa mga illegal na gawain ng ama. Kahit nga ang ilan sa mga babae sa pamilya nila ay alam ang maitim na katotohanan na ‘yon. But Ciara, a good friend close to him is too innocent. Nadamay ito sa gulo na nagsimula sa organisasyon. Kaya nga ng mawala ang babae ay hindi ito natanggap agad ni Daniel. For him, Ciara is not a just a daughter of his father's business partner. Si Ciara ang babaeng hindi siya tiningnan bilang isang magulo, f*ckboy at manlolokong tao. For her, he's a good man who deserves good things in this world. Napa-kuyom ang kamao ni Daniel ng maalala ang huling usapan nila ni Ciara. That time, Ciara looks so pale and she keeps on talking about the guy in his dream. Sinusundan daw ang babae kahit saan magpunta. Noon, akala ni Daniel ay wala lang ang panaginip na ‘yon ng babae. Until the day he saw a cut on her lips. Daniel was eager to know what happened to her but Ciara said nothing to him. Pinagsawalang-bahala na lang niya iyon kahit na nagdududa siya. It was the first time Ciara lied to him. At simula ng araw na iyon, napansin ni Daniel ang kakaibang kinikilos ni Ciara. One time he even saw her coming from the toilet. Pugto ang mata at maputla. Minsan pa itong nawalan ng malay at hindi nagpadala sa hospital. Ni hindi rin pumayag ang babae na dumalaw siya rito. Doon palang ay kinutuban na siya, iyon kasi ang huling pagkikita nila ng babae. Instead of trying to bother her, Daniel go back to his usual doings. Makipaglaro sa babae, manloko at higit sa lahat sundin ang mga bagay na magpapasaya sa ama. He didn't even try to talk and ask Ciara. At iyon ang bagay na pinagsisihan niya. At nang araw na kakamustahin niya ito ay huli na siya. Nawala na si Ciara ng tuluyan sa buhay niya. And worst, Ciara's not just gone in his life but gone to this world. He last saw her in the morgue, covered with white cloth. Sabi ng mga doctor ay hindi kinaya ng babae nang atakihin ito sa puso at ang pamilya naman nito ay sinisisi siya. Pero si Daniel West ay mas lalong nakutuban. From the statement of the doctor up to Ciara’s story, there’s a plot hole. Hindi iyon napansin ng iba kaya palihim siyang nag-imbestiga. “I want you to find out what he's been doing those weeks.” Iyon ang utos niya sa imbestigador na kinuha niya. Oo, sinunod niya ang utos ng ama na mamalagi muna sa Los Angeles pero hindi siya tumigil sa pag-iimbestiga. May hinala siya sa may kinalaman sa pagkawala ni Ciara. Kaya iyon agad ang pinuntirya niya. Pero masyadong magaling ang lalaki dahil kahit ang pinakamagaling na imbestigador na nakuha niya ay hindi agad na-trace ang mga action ng lalaki. Pero walang bahong hindi nabubunyag ika nga nila. Finally, after two years Daniel holds strong evidence that the man close to his family is not on their side. At ngayong bumalik siya, sisiguruhin niyang magbabayad ito sa lahat ng ginawa nitong pagpapaikot sa kanila. “Sir Daniel?!” Nagulat ang security guard nang lumapit ito sa pinto. Malawak ang ngiti ng sekyu sa lalaki at ginantihan naman ito ni Daniel. “Totoo nga, nakabalik na kayo!” Halata ang saya sa mukha ng lalaki. Kahit kasi may masamang parte ang pagkatao ni Daniel, hindi naman siya matapobre kaya kahit mga trabahador nila sa kumpanya ay malapit ang loob sa kaniya o kahit sa kaniyang pamilya. “Nandiyan na ba si Dad?” He asked after tapping the shoulder of the old man. Tumingin pa siya sa loob bago bumaling sa sekyu. “Opo, Sir. Kakapasok lang ng Papa niyo kasama si Sir Laurence.” Nawala ang magaang pakiramdam ni Daniel nang marinig ang pangalang iyon. Gusto niyang itanong kung anong ginagawa ng lalaking iyon sa kumpanya nila pero naalala niyang inaanak ito ng tatay niya. At noon pa man ay malapit na ang lalaki sa kanilang pamilya. “Sige, Manong pasok na ako!” Matapos tapikin muli ni Daniel ang balikat ng sekyu ay pumasok siya sa loob. Sumakay pa ito ng elevator at binati ng ilang empleyado na nakasabay. After a moment, he finally reached the top floor. Ang floor na iyon ay para lamang sa CEO at nang makarating siya roon ay bumungad sa kaniya ang isang malawak na hallway. Glass wall ang meron kaya nakita niya agad ang ama niya sa office nito. Nakaupo ang matanda sa isang single couch at nasa left side naman ang kinakapatid niya. Nakaupo ang lalaki sa mahabang couch at nakikinig sa sinasabi ng ama. Hindi napansin ng dalawa ang presensya niya kaya malaya si Daniel na napagmasdan ang bulto ng lalaki. How come he managed to act innocent and a good godson? Ang galing! Napaismid nalang si Daniel bago tinulak ang salaming pinto para pumasok mismo sa office ng tatay niya. Napatingin naman sa kaniyang direksyon ang dalawa. Ngumiti agad ang Chairman nang makita siya at si Laurence naman ay napatayo nalang. Tumango ang lalaki sa kaniya at mas lumalim lamang ang paninitig ni Daniel rito. “Finally, I thought I need to call you to visit our company!” Natatawang bati ng ama niya nang lumapit siya sa dalawa. Na kay Laurence ang paningin niya na umupong muli bago bumaling sa ama. “Of course, I should come to visit you. Mahirap na,” makahulugan niyang tugon bago umupo sa couch na nasa right side ng ama at kaharap si Laurence. “So, maayos ba naman ang naging araw mo after mong makauwi? I know you're doing good in L.A, nagulat nalang ako at sinabi mong uuwi kana.” Humalakhak ang ama na animo’y walang alam sa dahilan niya para bumalik. Pero wala nga itong alam, dahil nilihim niya ang lahat ng nalalaman. Yes, he got the proof for Ciara's death and the big loss of their money that they're family never noticed for years. Pero hindi sapat ang proof na iyon. He needs to catch the culprit behind those crimes and make him pay. Hindi sapat ang kulungan sa lalaki at alam niyang hindi ito nag-iisa. Kailangan niyang paghandaan ang bawat hakbang at plano nito. “Honestly, Dad I thought I found the fun in L.A pero napagtanto ko na narito pala sa Pilipinas ang larong hinahanap ko.” Matiim siyang tumingin kay Laurence na blanko lang ang tingin sa kaniya. Palihim siyang ngumisi bago bumaling sa ama. “I'm done playing with girls, Dad. Wala ka bang pwedeng ipagawa sa akin?” Tanong niya mayamaya. “Baka may ipapagawa ka rito kay Laurence, ako na gagawa! You know I can handle everything so well.” May pagyayabang na dagdag pa nito at pasimpleng sumulyap sa lalaking nasa harap. Bahagya nitong inayos ang suot na tuxedo at tahimik lang na nakikinig. All these years, his family trusted Laurence and didn't think anything bad about him. Masyado silang nagtiwala pero ngayon, sisiguruhin niyang hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaki na gawan sila ng kung anong kabalbalan. Finally after a few minutes, his father asked him to meet a new client. Gusto nitong makuha ang deal dahil malaking kumpanya at account ang makukuha nila kapag nagawa niya iyon ng maayos. Of course, Daniel West accepted the offer and immediately bid a goodbye to his father to prepare. Nang lumabas siya ng office ay nagkasabay pa sila ni Laurence sa elevator. Sila lamang dalawa ang naroon pero ramdam ni Daniel ang bigat sa paligid. He could beat Laurence now but he must control his anger. Pilit niyang binabalewala ang nakasulat sa diary ni Ciara na nahukay ng imbestigador niya. I'm scared and I don't know what to do. I trusted him pero bakit niya ginawa ‘to?! I am so messy and dumi-dumi ko! Why did you have to do this to me, Rence?! Why? I trusted you! You're like a brother to me! Why did you do this to me?! Kumuyom ang kamao ni Daniel nang maisip ang mga salitang iyon ni Ciara sa diary niya. Ilang beses siyang napahinga at mariing napapikit hanggang sa narinig niya ang boses ng katabi. “Are you okay?” Upon hearing that, Daniel bit the side of his cheek bago hinarap si Laurence. “Of course, I am. Bakit?” Maangas niyang tanong sa katabi, tumaas pa ang dalawang kilay niya. Nanatili namang kalmado ang lalaking kausap. “Nothing, you seems tired. Pwede naman ako na ang gumawa nung meeting. Only if you want.” He scoffed upon hearing that. “Talaga?” Tila naaasar na tanong ni Daniel na hindi pinansin ni Lawrence. Sumipol sandali si Dan bago natawa. “Paano ‘yan, ayoko ipagkatiwala kahit kanino ang deal na ‘yon?” Napatingin si Laurence sa kaniya na bahagyang nakakunot ang noo. Natawa si Daniel. “It's not that I don't trust you but I think this thing is so easy. Ako nalang gagawa, tutal para naman sa company namin ito.” Biglang bumukas ang elevator pero hindi napuputol ang tingin ni Laurence sa kaniya. “Paano? Una na ako! Pahinga ka nalang, I'm here now. You don't have to do anything else for our family unless it's part of your job.” Ngumisi si Daniel bago lumabas ng elevator. At nang talikuran niya si Laurence ay agad nabura ang ngisi niya napalitan lang ito ng madilim na ekspresyon. At wala siyang kaalam-alam na gano'n din ang ekspresyon ni Laurence habang nakatitig sa kaniyang likuran na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD