CHAPTER 19

1215 Words
JASMINE LOPEZ Nawala ang konting tama ko ng alak habang nag da-drive pauwi sa bahay. Dahil sa kanya, hindi ko tuloy na enjoy ang gabing ito. Kahit gwapo siya wala akong paki, gwapo lang siya pero pa senior na. Hanggang makauwi ako ay hindi pa rin humuhupa ang inis ko. "Jass, saan ka na naman galing? Gabing - gabi na, uwi ba ito ng matinong dalaga?" sermon ni mommy pag pasok ko pa lang ng maindoor. "I'm sorry, Mom, I just want to relax from my trying day. Did you know what my job is?" tanong ko kay Mommy pabalik. "No! Ano bang binigay na trabaho sa'yo ni Karen?" "Mom, you can't believe this, namigay lang naman ako ng flyers in the middle of the scorching sun," sumbong ko kay Mommy. "Did your dad know that?" "Yes, Mom, I went to his office. He just said, 'Follow what Karen said.'" Hindi umimik ang mommy ko, nakaupo lang siya sa pang isahang upuan habang parang nag iisip. "Mom, I just went to my room to take a shower. I'm so tired," dagdag ko pa. Naglakad na ako papunta sa hagdan.... Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ko ng mag salita si Mommy. “Tomorrow, I’ll come with you. I will fix this.” ma awtoridad niyang sabi. Hindi ko agad alam kung anong mararamdaman ko. May parte sa akin na biglang natakot. Hindi para sa sarili ko, kundi sa mga taong baka mawalan ng trabaho. Kilala ko ang mommy ko, hindi siya papayag na maapi ako, lalo na kung mga empleyado lang ng aming kumpanya ang gagawa nito sa akin. “Mom…” mahina kong tawag, sabay lingon sa kanya. Naupo pa rin siya sa sala, yung upo na makita mo pa lang mangingilag ka na, halatang seryoso. “Hindi na kailangan,” dagdag ko, mas maingat na ang tono ko. Napakunot ang noo niya. “What do you mean?” tanong niya na may halong pagtataka. Bumaba ulit ako ng ilang hakbang para mas makaharap siya. “Okay lang ako, Mom,” sabi ko. “I handled it. Don't worry about me; if this is what they want, I'll accept the challenge," buong tapang kong sabi. . “Handled it?” ulit niya. “You call that handling? Pinamigay ka ng flyers sa ilalim ng araw, hindi kita pinalaki at pinag-aral Jamine sa isang pribadong paaralan para lang mamigay ng Flyers sa gitna ng katirikan ng araw.” may diin na sabi ni Mommy. “Mom,” putol ko, this time mas kalmado na ako pero may diin. “I did it, I'll prove to them na kaya ko.” kumbinsi ko kay mommy. Saglit siyang natahimik. Doon ko nakita yung pagbabago sa mata niya. Hindi na galit kundi parang may pagtataka na sa mukha niya. . “I actually did it,” dagdag ko, halos hindi ko rin maintindihan kung bakit may konting pride sa boses ko. “And I did it well.” muli kong sabi. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ako. Parang tinitiyak niya na okay lang ba talaga. “Jasmine,” mas mahinahon niyang sabi, “you don’t have to prove anything like that. Anak kita, at ikaw ang mag mamana ng lahat ng ito. Hindi mo kailangang maranasan na mabilad sa araw just to prove them na kaya mo.” “Maybe I do,” sagot ko. Napabuntong-hininga siya at tumayo. “At bakit?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Hindi ko rin inaasahan na mararamdaman ko ‘to. “Because…” napahinto ako, “hindi pwedeng habang-buhay akong ‘anak ng boss’ lang.” Napatitig siya sa akin. At sa unang pagkakataon wala siyang sagot. “Mom,” dagdag ko, mas marahan na, “I know you want to protect me. Pero… I want to learn.” Napabuntong-hininga siya ulit. “At that cost?” tanong niya. “Hindi naman ako nasaktan,” sagot ko. “Napagod lang.” muli kong sabi sabay ngiti. Natahimik ulit siya, and the smiled gently. “Alright,” sabi niya. “But if anything goes wrong, just tell me at ako ang kakausap sa daddy mo. ” “I’ll tell you,” mabilis kong sagot. “Promise?” “Promise.” Ngumiti siya ng bahagya, at doon ko naramdaman na medyo gumaan na ang lahat. Hindi ko ma-explain, pero alam kong sobrang mahal ako ng mommy ko. Na kahit anong gawin ko, alam ko na papagalitan niya ako, pero sa huli, poprotektahan niya rin ako. Sabi nga ng iba, spoiled brat daw ako, but I'm not... Sadyang mahal lang ako ni mommy, pero pag alam niyang mali na ang ginagawa, she keeps me grounded; yan ang hindi alam ng iba. “Go get some rest,” sabi niya. “Mukha kang pagod at stress." Napangiti ako ng konti.. Napatanong tuloy ako, muka ba talaga akong stress? “Good night, Mom.” “Good night, anak.” Pagpasok ko sa kwarto ko, agad akong bumagsak sa kama. Huminga ako ng malalim bago tumayo ulit at pumasok sa banyo para mag linis ng katawan ko. Hindi ko na matagalan ang amoy ko, usok ng sigarilyo na nakakapit sa katawan ko at amoy ng alak na parang naamoy ko pa rin kahit nandito na ako sa bahay. Pagkatapos kong maligo ay nag dryer lang ako ng buhok ko. Magpapahinga na sana ako ng marinig kong may nag message sa phone ko. Agad ko itong dinampot para tignan klung sino ang nag message. Napakunot ang noo ko ng makita kong number lang ang nakalagay. Wala sa sariling binuksan ko ang message. "I know you are thinking of me right now. I may be old for you, but believe me, I can make you crazy when it comes to bed," sabi niya sa message niya. "Pervert!" gaslit kong sabi na parang kaharap ko siya. Napakabastos talaga ng gurang na ito, kala mo talaga gwapo. Mayaman lang siya pero hindi siya gwapo... Pero pwede na din, medyo gwapo lang sa isip-isip ko. Hindi ko na pinagkaabalahang replyan siya. Bahala siyang manigas kakahintay ng reply ko. Wala siyang mapapala sa akin, ipinikit ko na ang mata ko dahil di ko na mapigilan ang antok ko. Pero kahit nakapikit na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang lalaking mayabang na yon. Muli kong idinilat ang mga mata ko. “Argh!” inis kong sigaw, sabay taklob ng unan sa mukha ko. “Hindi kita iniisip,” pilit kong sabi sa sarili ko. “Hindi ka special. Pangit ka... Pangit... ” paulit ulit kong sinasabi para lang mawala ang inis ko. Pero sa kabila ng inis ko sa kanya, bakit parang may pakiramdam ako na kilala ko siya? Hindi ko maipaliwanag, pero bakit parang may koneksyon siya sa akin? "Jasmine, ano ba ang nangyayari sayo? Kinukulam ka ba niya? O baka naman ginagayuma ka na niya? Bigla na lang bumalik sa aking alaala yung gabing naipagkaloob ko sa lalaking yun ang aking sarili. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang larawan ng lalaking nakadapa at natatakpan ng kamay niya ang mukha niya. Tanging isang mata lang ang nakikita ko. "Sino ka ba? Makikita pa ba kita? O magiging alaala ka na lang na paulit-ulit na gugulo sa aking isipan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD