ANTON DEVIER Pagkalabas ni Jasmine ng boutique, naiwan akong nakatayo kasama si Melody na mahigpit pa ring nakakapit sa braso ko. Isa lang si Melody sa mga babaeng, nakakasama ko para aliwin ang sarili ko. “Anton, ang bastos ng babaeng ‘yon,” reklamo ni Melody. Pero hindi ko siya pinapansin. Nakatitig lang ako sa direksyon kung saan umalis si Jasmine. She’s mad… At hindi lang basta inis. Ramdam ko nasaktan siya. At ang mas nakakagulo ng isip ko hindi ko alam kung bakit bigla akong naapektuhan sa kanya. “Anton?” tawag ulit ni Melody. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. “Enough, Melody! ” mariin kong sabi sa kanya. Napatigil siya, halatang nagulat, “Huh! Bakit sa akin ka nagagalit? Yung babae na yun ang bastos.” reklamo niya. “You’re fine,” dagdag ko. “Wala nama

