JASMINE LOPEZ
Nakarinig ako ng sunod - sunod na katok sa pintuan ng aking silid.
"Ma'am Jass, gising na daw po sabi ng mommy ninyo, papasok daw po kayo ngayon sa trabaho ninyo." Narinig kong malakas na sigaw ni Ate Sabel sa may pintuan ko.
"Gising na!" malakas ko naman sigaw, para tumigil na siya.
Muli kong pinikit ang mata ko, inaantok pa ako at masakit pa ang ulo ko.
Hindi ko namalayaan na muli akong nakatulog.
Nagising na lang ako dahil sa naramdaman kong may dumapo sa katawan ko na matigas na bagay.
"Jasmine! Wala ka pa ba talagang balak na tumayo diyan sa kama mo!" malakas na sigaw sa akin ni Mommy sabay hampas sa aking ng puluhan ng walis tambo.
Napaaray ako at napabangon bigla.
“Mommy naman!” reklamo ko habang hinihimas ang braso kong tinamaan ng puluhan. “Masakit po!”
“Mas masakit ang ulo ko sa’yo!” galit niyang sagot, nakapamaywang habang nakatingin sa akin. “Anong oras na, ha? First day mo ngayon tapos ganito ka?”
Napatingin ako sa relo. 8:37 a.m. Nanlaki ang mata ko.
“Shocks!” napaigtad ako at halos malaglag sa kama. “Late na ako!”
“Hindi ka lang late, wala ka pang ligo!” dagdag ni Mommy, halatang hindi pa rin nawawala ang inis.
“Sorry na po, Mom Maliligo na!” mabilis kong sabi sabay takbo papuntang banyo.
“Ten minutes, Jasmine!” sigaw niya mula sa labas. “Kung hindi, ako na mismo ang magpapaligo sa’yo!”
“Okay na po!” sagot ko kahit nagmamadali na akong hubarin ang pantulog ko.
Habang naliligo, halos hindi ko na maramdaman ang tubig dahil sa bilis ko. Sabay-sabay pumapasok sa isip ko ang laht, yung gulo kagabi, yung sermon ni Mommy, at higit sa lahat yung trabaho ko.
“First da ko pa lang mukang sira na agad,” bulong ko sa sarili ko.
Paglabas ko ng banyo, mabilis akong nagbihis ng simpleng blouse at slacks. Hindi na ako nag-ayos ng bongga—ponytail lang at konting pulbos.
Pagbaba ko, nandoon na si Daddy, tahimik na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
Kinabahan ako, hindi ko alam kung babati ba ako. Pero sa huli binati ko na lang din siya.
“Good morning po,” maingat kong bati.
“Morning,” sagot niya, hindi man lang ako tiningnan. “You’re late.”
“Sorry po…” mahina kong sagot.
“Breakfast,” sabi ni Mommy, tinuro ang mesa.
“Pass na po, Ma. Malelate na talaga ako,” sagot ko habang kinukuha ang bag ko.
“Jasmine,” tawag ni Daddy, dahilan para mapatigil ako. “First impression matters.”
Napatingin ako sa kanya.
“Don’t make people think na anak ka lang ng may-ari,” dagdag niya, diretso ang tingin sa akin ngayon. “Prove to them, na deserve mo ‘yang posisyon mo kahit mababa pa ‘yan.” may diin na sabi ni Daddy.
Napakagat ako sa labi ko.
“Opo,” sagot ko, mas seryoso na.
Lumabas ako ng bahay na medyo magulo pa rin ang isip, hbigla akong kinabahan. Ito ang unang trabaho ko, at hindi ko alam kung anong dadatnan ko sa kumpanya na pag aari ni Daddy.
Pagdating ko sa kumpanya, napahinto ako sa harap ng malaking building.
Ito na ‘yon.
Huminga ako nang malalim.
“Okay, Jasmine… kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko.
Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na hangin, nakita ko na halos lahat ay abala. .
“Good morning, Ma’am!” bati ng receptionist.
Nginitian ko siya ng tipid. “Good morning.”
“First day niyo po?” tanong niya.
Tumango ako. “Yes.”
“Ma’am, sa HR po muna kayo. Third floor.”
“Thank you.” tipid kong sagot.
Habang papasok ako sa elevator, napansin kong may ilang empleyado ang pasimpleng tumitingin sa akin. May bulungan pa.
Alam kong kilala nila ako.
Anak ng boss.
Napabuntong-hininga ako.
“Great… pressure agad,” bulong ko.
Pagdating ko sa third floor, agad akong sinalubong ng isang babae.
“Hi, ikaw si Jasmine, right?” nakangiti niyang tanong.
“Yes po.”
“I’m Ms. Karen from HR. Come with me.”
Sumunod ako sa kanya hanggang sa isang maliit na office.
“Since request ng dad mo, you’ll start as a staff sa operations,” paliwanag niya. “Basic tasks muna—documents, coordination, minsan field work.”
“Field work?” ulit ko, medyo nagulat.
Ngumiti siya. “Yes. Para matuto ka.”
Napabuntong-hininga ako pero tumango.
“Okay po.” sagot ko.
Paglabas namin, dinala niya ako sa isang area na puno ng desks.
“Guys,” tawag niya, “this is Jasmine. New staff.”
Biglang natahimik ang ilan, tapos may mga ngiti... yung iba genuine, yung iba halatang pilit.
“Hi…” mahina kong bati.
“Dito ka,” sabi ni Ms. Karen, itinuro ang isang bakanteng mesa.
Umupo ako at inilapag ang bag ko. Tinignan ko ang paligid. Simpleng mesa, walang special, walang privilege.
Napangiti ako ng bahagya, siguro… ito na talaga ang simula.
Hindi bilang anak ng boss— kundi bilang si Jasmine Lopez na kailangang magsimula sa wala.