Lian POV ISANG linggo nang mapabuti na ang kalagayan ni Alex at na-discharge sa hospital. Andito kami ngayon sa simbahan at nagsisimba. Kasama namin ang papa ni Alex habang bantay-sarado naman ang paligid. Nagmimisa ang paring nagpa-healing prayer noon kay Alex, si father Antonio. Masaya kaming nakikinig sa mga salita ng dyos na siyang naging pagkain hindi para sa aming ikabubuti, pero sa pagpapalakas ng aming pananampalataya at manalig sa diyos. Gaya nga ng sinabi noon ni Alex, hindi nawawala ang pag-asa kung hindi nawawala ang pananalig. "In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabay-sabay na sambit namin para sa pagtatapos ng misa. "Papito, papito, 'yong sinabi mo po, bibilhan mo 'ko ng ice cream 'di ba? Remember?" Nagpapa-cute na saad nito sa am

