Chapter 4
Kesha Silvy
"Ate gising na, kanina kapa namin hinihintay para mag-almusal. Nagugutom na kami e, anong oras kabang dumating kagabi?" tanong sa akin ni Kimberly.
"Alas tres na ng umaga Kim. Mauna kayo kumain mamaya na ako inaantok pa ako." sagot ko sa bunso kung kapatid at tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
"Wala ka bang pasok ate mamaya sa bakeshop?" mahinahon na tanong sa akin ni Katya.
"Mero sis, pero mamayang alas onse pa. Kumain na kayo babawi muna ng tulog ang ate n'yo. Baka mamaya kapag nag-bake ako ng cupcakes maging maalat kapag kulang ako sa tulog." Seryosong sabi ko.
Bago lumabas ng kwarto ko ang dalawang kapatid ko ay niyakap muna nila ako na nakahiga sa maliit na kama ko. Sabay nila akong kinikiliti sa aking tagiliran. Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas. Hanggang sa nagtatawanan kaming tatlo. Tinanggal nila ang kumot ko na nakabalik sa akin. Humiga rin sila sa tabi ko.
Napabuntong-hininga ako. Akala ko ay lalabas na sila aking kwarto ko 'yun pala ay hindi. Masayang kaming tatlong nakatingala sa lumang kisame namin. Pinagtatawanan pa namin dahil nangingitim na ito. Nabubulok narin kasi ang kisame namin. Baka may mga maliliit na mouse na nagtatago, minsan kasi nakakarinig kami ng ingay sa loob ng kisame. Niyakap ko ang dalawa kung kapatid habang pinagmamasdan namin ang kisame namin.
Kahit ganito lang kami masaya kaming magkakapatid. Kung anong meron sa amin ay masaya na sila. Hindi ko sila sinanay na maging maluho sa mga kagamitan tulad ng gadget. Minsan napapansin kung may gusto silang bagay pero hindi sila nagsasabi sa akin. Nararamdaman ko iyun. Sila rin ang nagbibigay lakas ko. Bahagyang nagsalita si Kimberly sa tabi ko.
"Ate," tawag sa akin ni Kim.
"Yes, bunso." Sagot ko sa kan'ya nilingon ko siya nginitian lang niya ako.
"Mamaya na rin kami kakain ate, sabay na tayong apat. Tulog pa naman si Kuya Kareem." Sabi ni Katya sa akin.
Nakangiting tumango ako sa sinabi ni Katya sa akin. Mas niyakap ko silang dalawa ng mahigpit sa aking bisig. Dahil oras na naman paglalambing nila sa akin. Ganito sila kapag araw ng Sabado. Mabuti na lang ay lalake si Kareem, kung naging babae pa 'yun sure na dito rin siya kasama namin sa ibabaw ng maliit na higaan ko.
Maya-maya ay niyaya ko ang dalawang kapatid na bumangon. Nangangawit din ang likod ko at nawala rin ang aking antok. Sabay kaming bumangon sa tatlo. Pagbangon ko diretso kung kinuha ang malaking tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pintuan. Sinabihan ko ang mga kapatid ko maligo muna ako.
"Bilisan mong maligo ate gutom na baby tummy ko!" sigaw sa akin ni Kim.
"Opo, senyorita." Sagot at pumasok ako sa maliit na banyo namin. Nang sabihin ko na senyorita si Kimberly ay para itong kiniliti kung tumawa kahit nasa loob ako ng banyo ay naririnig ko siyang tumatawa.
Ilang minuto ay natapos narin akong maligo. Lumabas ako sa banyo at dumiretso akong pumasok sa kwarto ko. Agad kung sinuot ang jumpsuits ko na jeans. Umupo ako sa harap ng salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mainit na halik ni Rex sa aking labi. Hinagod ko ng aking daliri ang labi ko napapikit ako. Hindi naman ito ang unang halik nangyari sa akin. Pero ang kanyang halik ay hindi niya pinatulog ang diwa ko.
Biglang sumagi sa isip ko na ang pangalan ni Emma. Nakaramdam ako ng selos sa kan'ya kahit na hindi ko siya kilala. Ang swerte niya dahil may dalawang lalaking naghahangad sa kan'ya. Sana makita rin siya ni Sir Nathan. Alam ko matagal na niyang hinanap siya.
Pagkatapos suklayin ang buhok ko ay lumabas din ako. Sa kusina agad ako dumiretso. Masaya akong umupo sa tabi ni Kimberly. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. Masaya namin pinagsaluhan ang niluto ni Katya na paksiw na isda napa-extra rice din ako. Lahat kami ay busog na busog. Hindi pa kami nakatayo ay may biglang kumatok sa pintuan.
"Ako na ang magbubukas ng pintuan." Sabi ko at mabilis kung binuksan ang pinto.
"Magandang umaga Kesha, lalo ka yatang gumaganda. Ano ba ang sekreto n'yong magkakapatid ba't ang ganda ng karisma n'yo?" tanong ni aling Mariposa.
"Magandang umaga naman po," bati ko pabalik sa kan'ya.
Ngiting tagumpay ang sinalubong niya sa akin. Alam ko na may kailangan naman ito sa amin. Dahil hindi ito bibisita sa amin ng ganitong oras kung wala siyang kailangan. Kung hindi kailangan ang pakay ay ikukuwento niya sa amin ang napulot chismis sa kanto.
"Kesha may bisita kami kaso nagkulang ang asukal at kape ko sa bahay." Aniya.
"Naku! Aling Mariposa akala ko ay na miss muna ako. Asukal at kape lang pala kung bakit ka nakatayo sa harap ng pinto." Biro ko sa kan'ya.
"Kesha naman e, kay aga-aga nagagalit ka." Sabi niya sa akin umiling lang ako.
Pinapasok ko siya sa bahay, inutusan ko si Katya na bigyan ng asukal at kape. Nang mabigyan na namin umalis din siya agad at nagpasalamat sa amin. Ganon si aling Mariposa, sa amin siya tumatakbo kung may konting kailangan. Siya rin ang nagbibigay balita sa amin kung anong ganap dito sa barangay namin. Siya rin nagsabi sa amin about sa scholarship na bigay ni Mayor. Kung hindi dahil sa kadaldalan niya ay hindi nakapasok si Katya at Kareem ng scholarship.
Inagahan ko rin ang pagpunta ng bakeshop. Pagdating ko sa harap ng bakeshop ay may isang magarang sasakyan ay pumarada sa harapan ng bakeshop. Napakakintab ng sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob, pagpasok ko may isang lalaking nakatalikod. Nakasuot ito ng blue suits at nakapamulsa ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang patalon.
Nanatili akong nakatayo sa malapit sa mesa. Nakita kung inabot ni ma'am Salma ang cup of tea. Binayaran niya ang tea na binili niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng humarap na siya sa banda sa akin. Dahan-dahan niyang sinuot sunglasses niya. Natulala ako ng biglang nag-salubong ang mata namin. Kung nagsasalita lang ang puso ko ay sinabihan niya akong kalma lang self ang puso mahulog walang sasalo.
"Naalala kaya niya ang biglang paghalik sa akin last night?" tanong ng isip ko.
He look like a Greek God. Sa kinatatayuan niya. Ang mata ko ay sa bawat galaw ng kanyang kamay. Narinig kung nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone niya sa sa bulsa ng suot niyang pantalon. Tiningnan niya lang at hindi niya sinagot muli niyang binalik sa bulsa ng pantalon niya.
He smiled, ang ngiti ay biglang pumintig ang puso ko na sobrang lakas. I saw him. He slowly bit the lower part of his lips and he smiled again. I rolled my eyes. Lumingon ako sa kaliwa't kanan kung para kanino ang killer smile niya.
Wala akong nakitang tao. Pero muli siyang ngumiti at tinaas ang isa niyang kamay. Akala ko ay para sa akin ang ngiting nakakamatay. Pero maling akala lang pala ako. Hanggang sa nakita ko ang babaeng papasok sa loob ng bakeshop. Nakasuot ito ng mini skirt at naka flat sandals. Kahit flat ang suot ay nahahalata rin siyang may taglay model factor height ito.
Nakayuko ang naglalakad sa loob ng kusina. Nahihiya ako dahil sa buong akala ko ay para sa akin ang ngiting nakakamatay 'yun pala ay hindi, para pala sa babaeng lumapit sa kan'ya.
"Miss," tawag ng babae sa akin.
Huminto ako, nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin. Nag-angat ako ng mukha. Nang makita kung sino ay wala akong imik.
"You look familiar," she said.
"Po," mahinahon na sagot ko.
"Yes! I saw you last night. 'Di ba isa ka sa mga waitress kagabi?" nakangiting tanong niya sa akin.
Nginitian ko siya ng tipid. Nakita kung nakatingin sa amin si Rex. Tiningnan ko siya. Ang mata niya ay sa akin. Ako unang umiwas ng tingin sa kan'ya. At tinanong ko ang babae na parang model sa tabi ko. Fit na fit sa kan'ya ang suot niya na damit. Litaw na litaw ang kurbada ng kanyang katawan. Mas maliit pa yata ang waistline niya sa akin. Bigla kung hinawakan ang 24 inch na waistline ko, sa kan'ya siguro ay 22 inch, mukha naman siyang mabait.
Nakangiting lumapit si Rex sa amin sa kinatatayuan namin ng babae. Nang nasa tabi na namin siya ay hinawakan niya ang baywang ng babae. Para akong na estatwa na nakatingin sa kamay niya.
"Excuse me," magalang na paalam ko na walang ka-energy.
"Wait! I'm Ivy." Nagulat ako sa biglang pagpapakilala niya sa akin.
"Kesha po," Pakilala ko.
"I'm Rex," Hindi ako mapakali ng marinig ko na bahagyang nagsalita siya. Ibinigay niya ang kanan kamay niya. Tiningnan ko ng maigi ang kanyang kamay kung makipag-kamay ba ako o hindi. Dahil inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Napaawang ang labi ko at ang mga mata ko ay sa kanyang kamay.
Maya-maya ang nakipag-kamay ako sa kan'ya. Nanginginig pa ang kamay ko para akong nilalamig na kinikilig sa sitwasyon namin. Nang hawakan ko kamay niya ay parang jet plane na pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Mas lalo akong natataranta sa harap niya. Nginitian niya ako, ang kanyang ngiti ay pakiramdam ko ay buong katawan ko ay pinapawisan.
"Kesha," masayang pakilala ko na may halong nervous. I smiled at him.
"Nice to meet you Kesha," he's husky voice. Nang banggitin niya ang pangalan ko ay tila may mga naglalarong paru-paru sa tiyan ko at nanayo ang mga maliliit kung balahibo.
Sa tinig ng boses niya ay parang may naalala siya kagabi. Napansin kung nakatingin siya sa labi ko. Ngumisi at nakita kung lumunok siya, umigting ang kanyang panga kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple. Para na akong timang dahil bawat paggalaw ng adams apple niya tinitingnan ko.
Ilang segundo ay hinila ko ang kamay ko sa kanyang kamay. Dahil pinisil-pisil niya ito. Parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Ang kanyang mga mata ay titig sa aking labi. Nagpaalam ako sa kanila sabay talikod ko sa kanila. Dahil parang nauubusan na ako ng hininga.