Chapter 9
Kesha Silvy
Nagtitigan kami ni Rex ng ilang segundo. Binaba ko ang telephone sa aking tenga at binalik ko sa kinalalagyan. Mabuti na lang biglang sumulpot si boss Zac. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kung kinausap niya si Rex. Tiningnan ko silang dalawa na seryosong nag-uusap.
Umupo ako ulit tiningnan ko kung ang mga list ng nagpa-reservation mamayang gabi. Para pagdating ng papalit sa akin ay hindi na siya mahirapan. Ilang sandali ay sinilip ko sila Rex sa kinatatayuan nila, pero wala na siya roon kasama si boss Zac. Hanggang sa nakita kung papalapit ang dalawang babaeng kasama nila sa lunch kumain.
Huminto sila sa paglalakad malapit sa kinaroroonan ko. Narinig kung nag-uusap sila about sa kay Nathan at Rex. Ang babaeng nakasuot ng mini black dress ay tiningnan niya ako. She smirks at me. Akala mo naman kung may ginawa akong masama sa kan'ya.
"So, kailan ang plano ng mga magulang mo na maikasal ka kay Rex?" narinig kung tanong ng maarteng babae na isa.
"I don't know Nicole, how I wish na nasa madaling panahon na. Baka mapunta pa siya sa iba." Seryosong sagot ng babae.
Tiningnan nila akong dalawa, tumawa ng lihim ang babaeng nangangalang Nicole. Akala mo naman ang ganda-ganda niya. Ako yata ang nabibigatan sa laki ng hinaharap. Retoke naman ang labi parang namamaga na sa laki nito.
Nilingon ako ng babaeng gustong ikasal kay Rex. Sinasadya nilang marinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. Ginawa ko yumuko ako nagbibisi-bisihan ako sa harap ng desktop. Baka Akalain nila nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Infairnes nagpaparinig sila sa akin.
"Hindi naman siguro papatol si Rex sa isang cheap na babae 'di ba? maarteng tanong niya kay Nicole.
"Of course Patricia," sagot ni Nicole, tumawa silang dalawa sa harap ko.
Feeling nila ang gaganda nila sa harap ko. Babae ako alam ko ang ganitong style sa mga galaw nilang dalawa. Kung tumawa ang isa akala mo naman kung sino na. Umiling-iling lang ako sa kanila. Halata talaga silang nagpapainggit. Akala nila siguro ay naiinggit ako.
"No way!" bulyaw ng isip ko.
Miss, pakikuha nga ang jacket namin kung saan mo nilagay. Make sure na naka-hanger ng maayos." Maarteng sabi babaeng nangangalang Nicole.
Ako ang natatakot sa kapal ng labi na over sa retoke. Sa kaka-inject hindi ng nagmukhang labi ito, parang nakakadiri as in. Gusto niya yatang gayahin ang lips ni Angelina Jolie. Pero naging labi ng ewan dahil hindi na ito matawag na kissable lips. Nakakatakot ng halikan. Bakit ba kasi 'di nalang makuntento ang iba kung ano ang bigay ng panginoon? Kailangan pang baguhin ng iba, yan tuloy parang kinagat ng mga bubuyog tuloy ang kanyang labi. Dahan-dahan kinuha sa loob ng kabinet ang jacket nilang dalawa. Inabot ko isa-isa sa kanila. Nang mabigay ko ang jacket nila ay tinalikuran nila akong dalawa. Tila nandidiri pa sa'kin si Nicole na namamaga ang labi. Feeling maganda ang bruha.
"Madapa ka sana," mahinang sambit ko.
Nang sabihin ko iyun ay nadapa nga siya. Hindi ko pa na hakbang ang paa ko narinig kung napasigaw siya ng aray. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tumawa. Napatakip ako ng kamay ko sa aking bibig. Baka kasi marinig nilang akong lihim na tumatawa sa kanilang dalawa.
"Buti nga sa'yo ang arte mo kasi e. Hindi ka pa nga nakasakay sa sasakyan mo yan tuloy natimpalok kana sa kakaarte mo. Karma is real. Akala mo kung sino kang babae," wika ko at bumalik ako sa kinauupuan ko. Ang ibang mayayaman talaga ay may mga attitude.
Pagkalipas ng isang oras ay unti-unti ng nagsipag-uwian ang mga customers. At isang oras na lang ang natitirang oras ko ay matatapos na din ang trabaho ko. Gusto ko narin umuwi ng maaga dahil hindi ko na maigalaw ang binti ko, tila naninigas o namamaga na ito.
Sa lawak pa naman ng restaurant na ito ay hindi mo agad-agad makikita ang hinahanap mong tao. Mabuti biglang lumitaw si madam Felicity. Tinawag ko siya na nakatayo sa gilid ng white statue na tiningnan niya ang kanyang mobile. Dahil sa close kami rito sa restaurant, nilapitan niya ako ng tawagin ko ang kanyang pangalan. Kinausap ko siya na bantayan niya muna ang reception. Kanina pa kasi akong gusto pumunta ng banyo masakit na talaga ang puson ko.
"Please, paki-tingnan mo muna ang reception, naiihi na kasi ako, sa comfort room muna ako," sabi ko at umalis din ako agad hindi na kasi kaya, baka lalabas na ihi ko.
Tumakbo ako patungong comfort room. Narinig kung tinawag niya ako. Dahil nagmamadali ako hindi ko na nagawan na sagutin pa ng tawagin niya ang pangalan ko.
Nang buksan ko ang pintuan ng comfort room ay nabungaran ng mata ko ang babaeng kasama ni Rex kanina, na humahawak sa kanyang braso. I think she's younger than me. Nginitian ko siya at mabilis akong pumasok sa maliit na cubicle.
Nakaginhawa ako ng maluwag after kung magbawas. Kanina pa akong gustong umihi hindi ko nagawa dahil sa sobrang busy. Kung hindi ko pa nakita si Felicia ay siguro magkakasakit ako sa bato. Lumabas ako sa cubicle. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang babae. Nagre-re-touch parin siya.
Hindi ko nalang siya pinansin pa. Binuksan ko ang tubig at hinugasan ko ang kamay ko ng malamig na tubig. Pagkatapos kung maghugas ay kumuha ako ng tissue para panusan ko ang kamay ko. Bahagya siyang nagsalita sa tabi.
"Maganda ba ako?" tanong niya sa akin.
Tumikhim ako. "Oo, naman sexy mo nga e," nakangiting sagot ko sa kan'ya.
"Thank you," pasasalamat niya sa akin.
"You're welcome," I said.
"Bagay ba kami ng lalaking kasama ko kanina?" tanong niya ulit sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kan'ya. Pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas sa sa kamay ko ng tissue.
"Ouch! Ilan ba ang karibal ko kay Rex?" malungkot na tanong ko sa isip ko. Feeling nasaktan ang peg ko.
Binuksan ko ang pinto as usual para akong hinahabol ng kabayo para makabalik agad ako sa front desk. Malayo palang ay nakangiti na sa akin si Cynthia. Siguro kinilig naman ito ng makita ang isa sa mga kaibigan ni Rex. Sabagay hindi ko siya masisi dahil ganon din ako.
"Mukhang ngiting tagumpay?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo, alam mo ba Kesha narinig ko ng ibigay ko ang billing nila next weekend daw may pa-party sila rito. I'm not sure iyun ang sabi nila ng mag-uusap sila."
"Hindi ko paalam ang tinatanong mo sa akin," philosophy kung sagot.
"Kesha naman e, seryoso ang sinasabi ko," ngumuso siya sa akin.
"Serious naman ako sa sagot ko. Paano ko malalaman kung hindi mo sinabi sa akin tungkol sa party. Teka nagiging Marites kana?" ngumuso ulit siya sa akin. Umiling-iling lang ako.
"Kay, Gilbert lang. Stalker kaya niya ako, kung makita mo lang kwarto ko puro mga litrato niya." Masayang sagot niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo Cynthia, makabalik na nga sa trabaho." Sabay talikud ko sa kan'ya at diretso kung tinungo ang reception.
"Bakit ang tagal mo?" maarteng tanong sa akin ni Felecia.
"Grabi ka madam, 10 minutes lang yata e," ngumiti siya sa akin sa sagot ko.
"Biro lang, love kita e," pinalo niya ako sa aking braso at iniwan ako. Nginitian niya at kinindatan pa. Machong bakla si Felecia.
Tiningnan ko ang mobile. May limang messages na dumating ng buksan ko ang inbox ko ang una kung binasa ay ang message ni Kimberly. Tinawagan ko siya sinabihan ko na malapit na akong uuwi. Mula kaninang umaga hindi ko man lang siya na kumusta kung masakit ba ang kanyang tiyan. Bibilhin ko na lang sa kanya ang paborito niyang cheese cake.
Tiningnan ko oras sa wall clock, pasadong alas singko na ng hapon. As usual kinuha ko muna ang mga gamit ko sa locker ko. Nagpaalam din ako sa manager namin. Lumabas ko sa restaurant, kinuha ko ang aking pitaka sa napangiti ako dahil may bakanteng pera pa ako. May isang bakeshop malapit din dito sa restaurant. Malaking hakbang kung tinungo. Magta-taxi din ako pag- uwi para maaga akong makarating, alam ko namimiss na ako ng bunso kong kapatid. Masaya akong pumasok sa bakeshop.
"Miss 4 slices of cheesecake please," ngumiti sa akin ang babae.
Binigay niya sa akin ang cheesecake na nilagay niya sa box. Masaya kung kinuha sa kanyang no kamay at binayaran ko ito.
"Thank you," I said. She nodded at me.
Paglabas ko sa bakeshop ay may isang magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng shop. May isang lalaking nakatalikod. Nang lumingon ay laking gulat ko. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko na box.
"Sir, Rex!" gulat kung sambit sa pangalan niya.
Sinandal niya ang kanyang likod sa itim na sasakyan. Pinag-ikis niya ang no kanyang kamay. Halatang-halata ang matipuno niyang braso, bakat. Hel smile at me para na sa mga oras na'yun pakiramdam ko magpapadala na ako sa hangin. Nakakamatay talaga ang kanyang killer smile.
"Ihahatid na kita," baritono niyang boses. I feel shocked ng sabihin niya na ihatid ako. Duma-dabog na ang puso ko sa harap niya.
"Heart please, huwag kang tumigil mag-function hindi doctor ang kaharap mo. Isang nilalang na ubod ng gwapo." Sabi ng isip ang mga mata ko ay sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito? tanong ko sa kan'ya dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kan'ya.
"I'm here to drive you home." He's husky voice.
"Huwag na po, kaya ko naman umuwi," sabi ko at umatras ako.
Pag-atras ko ay bigla niyang hinawakan ang braso ko. Muntik ko ng mabitawan ang box na hawak ko. Thank at nasalo niya agad ito. Pag-angat niya ng kanyang mukha ay nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. He took a deep breath mainit niyang hininga ay ramdam na ramdam ko parang ang nangyari ay noon nasa likod kami ng mansyon na lasing siya.
Nakita kung dahan-dahan niyang binubuka ang kanyang labi. Tiningnan ko kung paano niyang ibuka ito. Napalunok ako ang mainit kung laway ay nilunok ko. Namilog ang mata ko ng hawak niya ang baywang ko. Bigla akong napaatras ulit. Napabuntong-hininga ako sa mabilis niyang kamay. Kumalma ako na hawak-hawak ko pa rin ang box. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay tila pagsuko ang pahiwatig.
'Sorry, walang akong gagawin na ikakagalit mo sa akin.. Nakita ko kasing nahuhulog ang bag mo, sinalu ko lang." Seryoso niyang sabi. Nahiya ako sa reaction ko, pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.