Chapter 12

1685 Words
Chapter 12 Kesha Silvy Mabilis lumipas ang araw mula ng ihatid ako ni hanggang ngayon ay hindi ko na siya nakita muli pa. Hindi naman niya akong tawagan o e message sa akin mobile dahil hindi niya nakuha ang number ko. Minsan kapag nag-uusap ang mga kasamahan ko sa oras ng break time namin ay tahimik lang ako. Tulad ngayon ay nakaupo ako ngayon mag-isa habang kinakain ko ang baon ko na sunflower seeds. "Hoy, Kesha Silvy!" malakas na boses ni Felicia umupo siya sa tabi ko. Tahimik lang ako tumingin sa kan'ya. Inabot niya sa akin isan cone of soda drink. Kinuha ko sa kamay niya at mabilis akong nagpapasalamat sa kan'ya. Parang isang basong tubig kong ininom ito. "Girl, dahan-dahanin mo naman grabi ka a," hindi ako sumagot tinuloy ko lang ang pag-inom. "I'm so thirsty, lang madam. Bakit nandito ka?" tanong ko at isa-isa kung binalatan ng ngipin ko ang sunflower seeds na malutong. "Hinahanap kita, kasi sabi ni Cynthia lagi ka raw tulala. May problema ka ba?" curious niyang tanong sa akin. Bumubuntong-hininga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. Tiningnan ko siya at hinihintay niya ang sasabihin ko. "Gusto ko lang mag-isa," pagde-deny ko na sagot sa kan'ya. Tila hindi siya naniniwala sa sagot ko. "Talaga lang a, kung may gusto kang makausap at sabihin ay nandito lang ako. I'm willing to listen to you." He said. "Thank you madam Felicia." Saad ko at hinawakan niya ang kamay ko. Parang totoo siyang babae kung magbigay ng payo. Ilang sandali ay pumasok ako sa loob. Dahil nag-uumpisa na naman ako sa trabaho ko. Sunod-sunod din ang mga customers na pumapasok sa Jones restaurant. Nililibang ko lang ang sarili ko sa ginagawa ko. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko. Lagi laman ng diwa ko ay si Rex. Hindi na miss ko lang kasi ang ilang araw na malambing siya sa akin at sa mga kapatid ko. Mabuti na lang na hindi ko inaasahan iyong sinabi niya na liligawan niya ako. Dahil alam ko na maging malabo kami. "Kesha sa table number 5 ikaw na ang bahala kunin ang menu na gusto nila," sabi ni Cynthia sa akin. Dahan-dahan kung hinakbang ang table na sinabi sa akin ni Cynthia. Ngumiti akong naglalakad. Ganito kami laging naka-smile sa mga tao sa loob. "Good afternoon, ma'am,sir." I politely greet the two of them. Inangat ng ginang ang mukha niya sa akin. Tiningnan niya akong mabuti, pinilit kung ngumiti sa kan'ya. Hindi ko akalain na mga magulang pala ni Rex ang sa mesa na ito. Tumayo ako ng tuwid pagkatapos kung ibang book menu. "Connie, hayaan mo ang anak natin ang pumili kung sino ang gusto niyang maging asawa." Narinig kung sabi ng ama ni Rex. "Baka kung sinong babae lang ang mapulot niya Jacinto," madiin na sagot ni ma'am Connie sa asawa. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at nakaramdam ako ng takot marinig ko ang sinabi ni ma'am Connie. Kahit wala naman akong pwede na pangambahan. Totoo rin pala ang bulong-bulongan na pihikan ang ina ni Rex. Nakaramdam ako ng hiya sa na nakatayo sa kanila. Tiningnan ako ulit ni ma'am Connie. Ang tingin niya sa akin ay kakaiba sa akin. "Miss, mamaya na kaming o- order. I will call you later. Bigyan mo muna kami ng two orange glass of orange juice and water." She said at mabilis kung nilista ang dalawa nilang order na juice. Pekeng ngumiti sa kan'ya at tinalikuran ko silang mag-asawa. Magkaibang-magkaiba sila ni sir Jacinto ng ugali. Mukhang suplado si sir Jacinto pero hindi niya pinangangamasukan ang buhay ni Rex. Malungkot akong naglalakad patungo sa counter. Sinabihan ko si William na two orange juice and two glasses of water. "Bakit ganyan ang mukha mo Kesha? Ilang araw kana nang ganyan. Sayang naman ang ganda mo kung lagi kang nakalutang sa ere. Hindi ka naman siguro iniwan sa ere?" Sarkasistong tanong ni William sa akin. "Parang ganun na nga," nakangusong sagot ko. "Nah! Kailangan mo lang yata ng jowa. Hayaan mo mamayang gabi isasama kita sa bar sure mag-enjoy ka. Para ka kasing nalubog ka sa utang." Natawa ako sa sinabi ni William sa akin. "Subukan mo lang baka hindi pa tayo nakapasok sa pinagsasabi mong bar habulin ka ng girlfriend mo ng itak." Sabi ko at sabay kuha ko ng tray na may lamang juice at tubig. "Joke lang pinapatawa lang kita. But I'm telling the truth siya rin may sabi sa akin na invite ko kayo ni Cynthia. Mag 2 years na kami bukas." Masayang sabi sa akin ni William. "Okay, fine pag-iisipan ko may anim na oras pa naman," saad ko at tinalikuran ko siya. Bit-bit ko ang tray papunta sa kinauupuan ng mag-asawang Jones. Dahan-dahan kung nilagay ang bawat isang baso sa harap nilang mag-asawa. Sinabihan ako ng ama ni Rex na o-order na sila ng makain nila. Malawak na ngiti ang ginawa ko sa kan'ya, nginitian din ako. And his eyes look like Rex's eyes, maybe they have foreign blood. And how he smile parang pinagbiyak ng bunga ng bayabas sila. Napapangiti tuloy ako ng lihim dahil h hindi ko natiis na kilitasin ang hugis ng mukha ng ama ni Rex. Tumayo ako ng tuwid at hawak-hawak ko ang small notebook ko at pen. Hinintay ko kasi ang order nilang mag-asawa. Bahagyang tumunog ang cellphone ni ma'am Connie. Mabilis niyang sinagot at mukhang excited niyang nilagay sa kanyang tenga. "Hello, Anak! When you comes back tapos na ba ang meeting mo sa ka-investment ng company?" nakangiting tanong ni ma'am Connie. Pakiramdam ko ay pati ako ay biglang nagising ang diwa ko. Nakaramdam din ako excitement ng walang dahilan. "Make sure mo lang anak ang babaeng ipapakilala mo ay taste ng Mom mo," seryosong tanong ng ginang sa kabilang linya. "Connie! madiin na suway ng kanyang asawa. Habang kausap ni ma'am Connie ang anak nito na nasa kabilang linya. Umiling lang si ma'am Connie, hindi niya iniintindi ang suway ng kanyang asawa. Nang matapos silang mag-usap sa kabilang linya ay ini-off niya agad ang kanyang mobile. Mataray niyang tiningnan ang asawa habang ako ay nakatayo. Uurong na sana ako ay bigla akong pinigilan ng ama ni Rex. "Jacinto, ginagawa ko lang ito dahil ayokong matulad sa iba ang nag-iisang anak kung lalaki. You know how I love him. I'm a mother Jacinto." Matapang niyang sagot sa asawa. "If you want your son's life to be happy, let him decide what he wants. Kung sino ang gusto niyang mahalin. Let himself to find who is deserve for him nasa tamang edad na sila. We don't have right na pakialam natin sariling gusto ng mga anak natin. Where they are happy we should support them." Sa sinabi ni sir Jacinto sa kanyang asawa ay parang nakita ko sa kan'ya ang aking ama. Nakaramdam ako ng pangungulila ng ama. "Excuse me, ma'am and sir. Ano po ang order n'yo?" basag na tanong ko sa katahimikan nila. Dahil hindi na sumagot si ma'am Connie sa sinabi ng kanyang asawa. Pagkatapos nilang sabihin ang order nila ay nakahinga ako ng maluwag. I smile at them, I should to be friendly sa kahit sinuman. Sa pagkat ay isa ito sa mga rules namin kahit na nauubos na ang energy ay smile parin. Pagkalipas ng ilang oras ay out ko na. Pumunta ako sa locker ko at nagpalit ako ng damit ko. Sinuot ko ang doll shoes ko dahil kanina pang nangangalay ang paa at binti ko sa suot ko na heels. Lumabas ako sa restaurant nakita ko ang sasakyan ng kaibigan kung si Joan na naka-park. Mabilis kung hinakbang papunta sa kan'ya. Araw kasi ng biyernes ganito siya lagi sinunsundo niya ako dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. "Hey, bruha! Bakit ang tagal mong lumabas kanina pa ako rito at hindi mo sinasagot ang tawag ko." Nagtatampo niyang sabi sa akin. "Busy much today girl. Hindi nga ako nakapag-cellphone mula kanina," saad ko. Nang paandarin niya ang manibela ng kanyang sasakyan ay tahimik lang akong nakaupo. Ang isip ko ay nakalutang sa daming tanong na hindi ko maintindihan. "Sino ba ang iniisip mo? Iniisip mo ba si Rex Jones? Ano kaya pikutin natin siya? Mayroon akong alam na very effective tungkol sa pagpipikot ng lalaki," wika niya sa akin. "Are you crazy Joan? Hindi pa ako naiibang para pikutin ang isang lalaki." Saad ko. Tumawa ng malakas ang kaibigan ko. Kung hindi ko na nakasanayan ay nabasag na ang tenga ko sa lakas ng boses. Huminto kami sa maliit na mall. Dahil piyesta sa barangay namin magsisimula na bukas. Bumili kami ng gamit pang piyesta. Tiningnan ko ang message ni Kimberly kung ano ipapabili niya sa akin. Nang mabasa ko ang message niya ay hinanap ko agad kung saan nakalagay ang mga plastic ng mga balloon. Habang hinahanap ko kung saan ang mga balloon ay nakaramdam ako ng mata na sumusunod sa akin. Palinga-linga ako pero wala akong nakitang tao. Maliban sa mga tao na namimili ng bibilhin nila. Hinayaan ko nalang baka guni-guni ko lang. Nilagay ko sa loob ng cart ang mga pinamili ko. Bumili rin ako sa mga gamit sa kusina some food. "Kesha!" tawag ni Cardo sa akin. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko na box. I feel shaking. Dahil halo-halong pumapasok sa kokote ko. Siguro sa pagod sa trabaho at isa pa hindi nawawala sa isip ko ang sinasabi ni ma'am Connie kanina sa kanyang asawa. Dagdagan pa ng guni-guni ko na pakiramdam ko may sumusunod sa akin. "Ayos ka lang ba Kesha? tanong ni Cardo. Hinawakan niya ang braso ko, nahalata niyang medyo nanginginig ako. Sinabihan ko rin siyang okay lang ako. Hanggang sa nakita kung papalapit sa amin si Joan. Malawak ang ngiting lumapit sa amin ni Cardo. I know her crush niya itong kaibigan ko. Pero itong si Cardo nagpapakipot lang ang unggoy na'to alam ko na may gusto rin siya kay Joan. Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko unknown number isang emoji lang na angry ang laman ng mensahe hinayaan ko. Hindi ako nag-reply dahil unknown naman baka isa sa mga kantong boy lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD