Paano ba malalaman kapag ang isang isda ay fresh pa? Hmm? Kapag basa? Kapag galing pa sa balde?
"Ate, bili na. Fresh pa 'to, look oh gumagalaw-galaw pa," nakangiti kong hikayat sa ate na dumaan sa harapan ko habang hawak ang plato na laman ang kalahating kilo ng tilapia, she looked at me, alarmed. Napakunot ang noo ko nang bigla niyang niyakap ang bag na parang kukunin ko 'yon anytime! Aba!!
"Ayaw mo ba? Eh 'd, i don't." Ngumiwi ako at nang pagtalikod ay palihim na tumaray, ako pa ba pagbintangan? Mas fresh pa ako sa paninda ko!
Nakanguso akong bumalik sa pwesto at tinabihan ang mga fresh fish ko, fresh 'to kase galing pa sa dagat at 'yong iba pa nga gumagalaw pa, eh!
Lalo akong napanguso nang marinig ang tawa sa kabila kong pwesto, I looked at them with my forehead creased.
"Bakit?" mataray kong tanong sa tatlong baklang tinatawanan ako, mas lalong kong tinaas ang isang kilay pero napanguso na lang ng pagtawanan nila ako muli! Hmp! Bakla!
"Aba, 'te, wala talaga sa mukha 'yan! 'Ta mo! 'etong babaeng 'to, kutis porselana na napagkamalan pang magnanakaw." Napapikit ako nang tumawa ng malakas si Beng-Beng, isa sa mga bakla kong kaibigan. Oo ang sagwa ng pangalan, pati mukha.
Hinawakan n'ya pa ang braso ko at mataman na sinipat na para bang may ginawa ang balat ko na malaking kasalanan sa kanya, bakla!
Narinig ko ang tawanan ng dalawa pang bakla sa likod kaya lalo akong napanguso.
"Paano ba naman kasi! Kung makapagbenta ka, bigla-bigla ka na lang lumalapit. Kabute ka gurl?" si Macky.
They laughed in unison. Napairap na lang ako lumayo sa kanila, hindi ko sila pinansin at nagkunware na lang na nag aayos ng paninda kong isda. Ang aga-aga, punyeta talaga!
"Oh, tigilan n'yo na. Wala na sa mood si bakla," pigil ni Tracey pero narinig ko pa rin ang mahina nilang pagtawa. Bumalik na sila sa pwesto nila at binantayan ang kani-kanilang tinda, mga gulay at baboy ang tinda nila samantalang ako isda. Magkakasama sila sa negosyo samantalang ako lang mag isa kasi, duh, independent woman kayo 'to!
Lumipas ang ilang minuto ay dumami na ang mga tao, malamang palengke, eh. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang may mga taong tumitingin sa paninda ko pero hindi naman bumibili! May iba pang lalaki na nginingitian ako pero pag-inalok ng isda ayaw naman! Haist, pero keri lang kasi maganda tayo.
Nakakunot ang noo ko nang may makita akong kumpulan ng lalaking nagtutulakan papalapit sa pwesto ko, may ibang mga taong dumadaan at nababangga nila kaya ganon na lang din ang inis ng ibang mamimili sa kanila. Iniwas ko na lang ang paningin at kinuha ang isang dangkal na manipis na kahoy na may nakasabit na plastic sa dulo, ginawa para pangbugaw sa mga langaw na maaring dumapo sa paninda ko.
"Ang aga-aga, talandi," parinig ni Macky kaya napanguso ako, nakatingin parin kasi sa 'kin 'yung tatlong lalaki na nagtutulakan papalapit. Napatuwid naman ako ng upo nang makitang nakalapit na sila sa harapan ko. Bahagya kong klinaro ang lalamunan at pinagsiklop ang mga kamay, isa-isa ko silang tinignan at gano'n na lang ang pagtaas ng kilay ko nang isa sa kanila ay sumipol.
"Miss, magkano ba 'yang tilapia mo?" malisyosong tanong ng isa sa kanila, kulay itim ang damit at may pilyong ngiti.
Syempre mabait tayo, binigyan ko rin s'ya ng pekeng ngiti at labas gilagid, mahinhin akong tumayo at muling binugaw ang mga langaw sa harapan papunta sa mukha nila, napaiwas naman silang tatlo sa ginawa ko pero ngumiti pa rin ako para hindi ipahalata ang inis.
"160 kilo, 80 pesos po kalahati," magalang na sagot ko, narinig ko ang tawa ng tatlong bakla sa tabi ng pwesto ko kaya napunta sa kanila ang atensyon ng tatlong mamimili ko, kumunot ang noo ko ngunit pinagtawanan lang nila ako dahil alam nilang kaunti na lang ang pisi ng pasensya ko sa mga lalaking katulad nito.
"Ikaw, Miss, magkano ba?" malisyosong tanong din ng isang naka-long-hair at nakatali ang buhok, I fake my smile again, napahawak din ako nang mahigpit sa hawak ko at bahagya pang napamewang, may iba pang mga mamimiling tumitingin sa amin.
Napamaang naman ang tatlong kuwago sa harapan ko nang bigla kong hinawi ang buhok sa harapan nila at bahagyang ipinakita ang collar bone ko, kita ko ang paglunok ng isang lalaking sobrang itim ang ilalim ng mata, halos maglaway pa.
"Can you repeat your question, shir?" I asked with a small voice, they all smiled upon hearing my question.
Muling sumipol ang isa at mahalay na pinagmasdan ang katawan ko mula ulo hanggang paa, napatingin din ako sa suot kong maong na pantalon at kulay puting damit na halos madilaw na. Binalik ko ang tingin sa tatlong pangit at pare-pareho na silang may mahahalay na tingin sa akin.
I smirked.
"Gago ba kayo?" biglang sigaw ko, sabay sabay silang napaatras sa sigaw ko at ang ibang mamimili naman ay napahinto at naiwang nakatingin sa amin.
I gritted my teeth and pointed them using my finger, bahagya kong itinabingi ang ulo at sinamaan sila ng tingin. Pare-pareho na silang nagtatakang nakatingin sa 'kin na para bang nababaliw na 'ko. Aba!
"M-Miss . . . "
"Nagtatanong ako, gago ba kayo?" muling sigaw ko, hindi binigyan ng pagkakataon ang isa sa kanila na magsalita. Lahat sila ay naalarma nang magtinginan na ang mga ilang mamimili at kunot-noong pinanood kami. Naramdaman ko naman ang paglapit ng tatlong bakla sa harapan ko, sinigurong hindi ako magagalaw ng tatlong ugok na 'to.
"Nagtatanong kami ng maayos bakit naninigaw ka?" mala inosenteng tanong ng lalaking long-hair, napangiwi ako at pinagkrus ang kamay.
"Oh, talaga? Bakit pagkalapit n'yo sa 'kin halos lumuwa mga mata n'yo habang nakatingin sa katawan ko?" sigaw ko pabalik at napasinghap ang mga tao sa paligid. Sila naman ay muling napaatras at muling napatingin sa paligid, ang ibang tao ay masama na ang tingin sa kanila at ang iba naman ay tatawa-tawa habang naiiling na lang.
"Oh? Ano wala kayong masabi kasi totoo?"
"Sinungaling!" sigaw ng nakaitim na damit.
"Hindi ka naman kagandahan bakit ka namin babastusin?" Napamaang ako sa sinabi ng lalaking mukhang adik. Narinig ko ang bungisngisan ng mga taong nasa paligid namin kaya lalong lumaki ang namuong inis sa dibdib ko. Inis akong nagmartsa sa harapan nila at isa-isang dinuro, nakaantabay naman ang tatlong bakla sa likod ko hmp! Laban ko 'to!
"Anong sabi mo?!" Dinuro ko ang lalaking ngayon ay nanlalaki ang mata dahil tinapat ko sa leeg n'ya ang pang bugaw ng langaw, pinanlakihan ko s'ya ng mata at pinandilatan.
"Sabi ko bakit ka namin babastusin, eh, maliit naman 'yang dibdib mo," sagot n'ya pa at ngumiti ng nakakainsulto. Pakiramdam ko ay may lumabas na usok sa ilong ko nang magtawanan ang mga tao sa paligid at narinig ko rin ang pigil na tawa ng mga bakla sa likod. Punyeta talaga.
Nakasimangot akong nagligpit ng mga gamit, madilim na at kaunti na lang ang mga taong makikita mo dito sa pwesto namin. Naghikab ako at pagod na naupo sa silyang kahoy nang matapos. Muling nagsalubong ang kilay ko nang maalala ang eksena kaninang umaga! Kung hindi lang naubos ang tinda ko ay hanggang ngayon badtrip ako!
Hindi na bago sa 'kin 'yon, hindi iyon ang unang beses na may taong gumawa sa 'kin ng ganyan. I sighed and clasped my hands as I closed my eyes and lean my back, napangiti ako ng mapait.
Kailan kaya mare-realize ng mga tao na wala sa kasuotan ang dahilan kung bakit nababastos ang isang babae? Hindi sapat ang dahilan na nakita mo ang babae na labas ang ilang parte ng balat para gumawa ng bagay na mahalay. Reasons . . . reasons . . . instead of pointing out the revealing clothes of women as a reason of increasing rape crimes, why don't you educate your child to respect woman? Instead of blaming girls for the things that they didn't want to happen, learn to be open because clothes is just a clothes, it would never define how much respect could a girl deserve to receive by wearing that.
"Naubos paninda mo 'di ba? Bakit nag e-emote ka dyan?" Namulat ako nang biglang may nagsalita, sinamaan ko agad ng tingin si Tracey pero hindi na nagsalita at muling pumikit na lang. Pagod na pagod ako, pakiramdam ko ako 'yung kalabaw na humihila sa bakal sa palayan.
"Iyong kanina ba? Hayaan mo na 'yon. Kapag bumalik hindi na natin palalampasin." Napangiti ako sa sinabi n'ya, hinayaan lang nila ako kanina pero alam kong nag-aalala sila.
"Pakialam ko, ang p-panget naman ng mga 'yon. Mukhang galunggong," nakangusong saad ko.
He laughed.
"True, ta's 'yong isang nakatali buhok? mukhang bisugo!" Sabay kaming napahagalpak ng tawa. Napadilat na ako ng mata at nakahawak sa tiyan kakatawa.
"Iyong isa naman akala mo kung sinong gwapo 'e mukha namang kalabaw!" okray pa n'ya, wala akong ibang magawa kung hindi ang tumawa habang naglalagay ng gamit sa kulong-kulong nila Macky, nakikisabay lang ako, tipid na rin sa pamasahe.
Nang maayos ay sumabit na ako sa likod at kumapit, napangiti ako nang tabihan ako ni Macky. Nakaalalay s'ya sa'kin, puno ng mga gamit ang loob ng kulong-kulong at hindi naman kami kasya doon. Sanay na rin naman ako.
"Malapit na ba?" he asked softly, saglit akong natigilan pero agad ding nakabawi. Mapait akong ngumiti at umiling.
"Malayo pa sa quota." Peke akong napatawa, I felt my eyes watered but I immediately closed my eyes to stopped it from forming.
"Kaunting tiis na lang, mabubuo na ipon mo." He smiled at me.
Gustong gusto ko talagang mag-aral, if I would be given a chance, I want to take psychology as my pre-law course and proceed to law school but fate didn't allow that to happen. I ended up being a fish vendor.
"We're so proud of you." Tuluyan nang nahulog ang luha ko nang marinig ang sinabi n'ya, mahigpit akong napakapit sa bakal nang magsimulang umandar ang sasakyan, unti-unti iyong bumilis hanggang sa pati ang luha ko ay napawi na rin ng hangin.
"Wow, english," biro ko at sabay kaming natawa, umirap s'ya sa akin at maarteng iwinagayway ang kamay sa hangin. Hindi na ganoon kabilis ang sasakyan dahil nasa pataas na kami ng bahagi, masyadong mabigat ang mga dala at baka hindi kayanin.
"May alam akong raket, baka gusto mo lang," biglang saad n'ya kaya pinukulan ko s'ya ng nagtatanong na tingin.
"May taping kasi next week dito sa Divisoria, kailangan ng mga extra alam mo na." Pumitik pa s'ya sa hangin matapos sabihin. Inalis ko sa hawakan ang kaliwang kamay ko nang matakpan ng buhok ko ang mukha ko, inipon ko 'yon sa kamay at marahang inilagay sa kanang balikat.
"Extra? Ano artista?" I laughed. "Mack, wala akong balak mag artista, I know may potensyal pero sorry, my face is limited only," biro ko at tumawa pero umasim lang ang mukha n'ya.
"Hindi pero seryoso, ano bang role? Panong extra? Ano audience? Naglalakad lang? Chismosa sa paligid?" curious na tanong ko pero bago pa man s'ya makasagot ay naramdaman ko ang pagdulas ng kamay ko sa bakal at ang dahan-dahan kong pagkahulog sa kulong-kulong, naiangat ko ang kamay sa hangin, umaasang may makakapitan pero gano'n na lang ang pagdaing ko ng sakit nang maramdaman ko ang semento sa puwetan ko.
Pataas ang kalsada kaya mabagal lang ang pagtakbo ng sasakyan, hindi ganoon kalakas ang pagbagsak pero ramdam ko talaga nadurog ang puwet ko, men! Napasigaw si Macky sa nangyari at dali-daling tumalon sa sasakyan para tignan ako, ang isang kamay ko ay nakatukod sa semento habang ang isa naman ay nakahawak sa puwetan, napapikit na lang ako sa sobrang sakit. Punyeta talaga.
Gano'n na lang ang pag awang ng labi ko nang may makitang lalaki na tumatakbo sa pwesto ko, may hawak s'yang itim na bag at tila ba nagmamadali. May nakita akong lalaking humahabol sa kanya at sumisigaw. Ang mga tao ay umiiwas at kanya-kanyang bulungan sa paligid. Unti-unti akong napapikit nang maramdaman ang pagkatisod sa katawan ko ng lalaki at rinig ko ang lutong ng pagbagsak n'ya sa semento.
Tila ba huminto ang pagtibok ng puso ko at walang marinig na kung ano, mayamaya pa ay napadilat ako nang may yumugyog sa balikat ko at unti-unting napadilat nang marinig ang sigaw ni Macky.
"Aezra!!"
"Aezra!"
Napapikit akong muli nang makitang naging blurred ang paningin pero sa pangatlong pag-blink ng mata ay malinaw kong nakita ang nagpa-panic na mukha ni Macky, nakatitig lang ako sa kanya pero agad naagaw ng atensyon ko ang lalaking nakatayo sa likuran n'ya. The guy is looking at me with his brow arched. Napansin ko agad ang perpektong hubog ng kanyang panga at ang mas lalong nagpamangha sa 'kin ay ang malalim na kulay tsokolate n'yang mata.
"Aezra! Oh my god!" Macky exclaimed and I can't help but to agree with him.
Yeah, Oh. My, I think I saw a god.