Chapter 6

2306 Words
CHAPTER 6 AKIRA JANE DIMAANO “LIFE IS NOT ALWAYS fair. Whether you are rich or poor, it will still be the same at the end of the day. So wherever you are, keep going. Who knows what tomorrow might bring you. Have a good night, people! This is DJ AJ. Thank you for listening tonight.” Pagkapatay ng on air sign ko ay nilingon ko ang batang nasa tabi ko na nakadami na yata ng papel sa mesa niya. Napangiti na lang ako ng makita ang sarili ko sa mga papel na nasa harap niya. Ginuguhit niya ang bawat reaksyon ko habang nakatingin sa kanya o di naman kaya ay nawawala sa mga kwento ng mga taong kausap ko. Sa dami ng pwede niyang manahin ay ang talento pa ng ama n’ya na sobrang nagustuhan ko din noon. Ngayon habang buhay ko ng pagmamasdan ang pinagpala niyang kamay na iguhit ang bawat galaw at reaksyon ko. “Are we going home?” tanong niya na inaantok pa. “We need to eat first,” saad ko. Inayos niya ang mga kalat sa ibabaw ng mesa ko at isa-isang nilagay sa backpack na dala niya. Isang papel ang pinunit niya sa drawing book at dinikit sa wall ng booth kung saan may ilang drawing mula din sa kanya. “Ang ganda ko naman diyan.” “Ma, you are always beautiful. I wonder why my Dad jilted you,” bulong niya dahilan para matigilan ang mga tao sa loob ng booth. Nagkibit balikat na lang ako at nauna ng lumabas ng booth at dumiretso sa ladies room. Nanghihina kong naisandal ang katawan ko sa pader habang dahan-dahang napaupo. Ngayong wala sa tabi ko ang anak ko ay parang unti-unting nagsisink in sa akin ang nangyari sa buong araw ko. Some events and people I never expected to meet and encounter today. Somehow, everything makes me anxious and scared of what might come next. Lahat ng kinakatakutan ko ay naramdaman ko kanina habang nakatayo sa harap ko si Connor at nasa tabi ko ang anak ko. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng sampung taon ay para akong lumulubog sa kinatatayuan ko na kahit alin mang parte ng katawan ko ay hindi ko maigalaw. At nang wala akong narinig na kahit ano kay Connor ay nilingon ko ang anak kong nilagay na sa kamay ko ang ice na hawak niya. “Lori... Natatakot ako...” “Anong nangyayari? Nasaan ka? May masama bang nangyari?” Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko at walang kahit isang tanong ang nasagot ko kay Lori. Pakiramdam ko ay namanhid na pati utak ko at wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at wala ng boses na mailabas pa. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng ladies' room, pero paglabas ko ay nagkakagulo na ang mga tao. Agad akong nataranta dahil baka may kung anong nangyari na sa anak ko. Halos lakad takbo ako papunta sa booth at halos manlumo ako ng makita ang apoy sa hallway. “Wala ng daan diyan, Miss! Dito na ang exit,” sigaw ng isang lalaking nakasalubong ko. “No, my son. My son is still inside. Colton! Oh, God Colton...” Ilang beses ko pang tinawag ang anak ko pero nang wala akong makuhang sagot ay dali-dali akong tumakbo papunta sa booth namin. Ngunit bago pa ako makahakbang ay ilang tao na ang pumigil sa akin at hinila ako pababa. “Hindi ako pwedeng umalis ‘yong anak ko. Nasa loob pa ang anak ko. Colton! Colton Aki, mama is here please…” “Miss, wala ng tao sa building baka nasa tent ang anak niyo,” sabi ng isang fire fighter na isa sa mga naglabas sa akin sa building. Sa sobrang abala ko sa nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ako makahinga, nanghihina ang buong katawan dahil hindi ko mahanap ang anak ko at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Inalis ko ag kamay na nakahawak sa akin bago nag-umpisang maglakad at ikutin ang mga tent. Habang naglalakad ay wala akong tigil sa pagtawag sa pangalan ng anak ko at taimtim na nagdadasal sa isip ko na walang nangyaring masama sa kanya. Kahit ilang beses ng muntik bumigay ang mga tuhod ko dahil sa pagod at panghihina ay pinilit ko pa ring maglakad at mag-ikot sa paligid. Pakiramdam ko ay bibigay na ako sa bawat pagtanungan ko na walang nakakakita sa anak ko. Idagdag pang kahit isang kakilala ko ay wala akong makita dahil para mas lalo akong kainin ng takot. “May nakita ba kayong bata na ganito kalaki? Nakasuot niya ng puting t-shirt at gray shorts? May dala siyang jansport bag—” “Sorry, Miss, pero wala kaming nakita. Masyadong maraming lumabas sa building para makita isa-isa ang mga tao,” sagot ng dalawang taong napangtanungan ko. Nanghihina akong napahawak sa posteng nasa malapit sa akin. “No. Hindi ako naniniwalang wala dito ang anak ko. Walang masamang nangyari kay Colton. Walang masamang mangyayari sa kanya.” Iyon ang paulit-ulit kong binulong sa sarili ko dahil kinakain na ako ng takot at pag-aalala. Ang panghihina ng mga tuhod ko ay unti-unti ng nararamdaman ng katawan ko kaya sa bawat angat ng paa ko ay bumibigat na rin ang mga hakbang ko. Nang makarating ako sa pinakalast na tent ay tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko. Ngunit bago ako bumagsak ay isang pares ng braso ang sumalo sa akin na para bang kanina pa naghihintay na bumigay ako at mapagod. “Gotcha! Colton is with me,” a voice from behind said, making me still. And when I turned around, I saw Connor looking down at me. I don’t know what happened, but the moment I saw him I started to cry and not just a simple cry. I roar like a kid while Connor holds my arms and watches me cry. I don’t know if it’s because of fear or tiredness, but exhausted is not a better word for what I am feeling right now. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak o kung kailan ako huminto. Namalayan ko na lang ay nasa tapat na kami ng isang kotse kung saan naaninag kong nakaupo ang isang anino. “Mama,” Ilang beses yata akong napakurap habang nakatingin sa anak ko at halos lakad takbo ako makarating lang sa kung nasaan si Colton. Mabilis ko siyang niyakap, bago ako muling umiyak na hindi ko mapigilan kahit gustuhin ko. Ang mga karayom na nakatusok sa dibdib ko ay dahan-dahang natatanggal pero sadyang nakakatakot ang lahat. Pinaupo ako ni Connor sa isang upuan na hindi ko alam kung saan niya nakuha at bago ko ininom ang tubig na inabot niya sa akin. Habang umiinom ay saka ko lang narealize na sobrang uhaw na pala talaga ako. Sa sobrang tutok ko sa paghahanap kay Colton ay hindi ko na napansin ang pagod ko dahil isa lang naman ang tumatakbo sa isip ko. “Ma, I’m sorry! I tried to find you, but the fire and the smoke were too strong. The staff won’t let me come to where you are,” umiiyak na ding pagkukwento ng anak ko. Habang nagpapahinga at kinakalma ko ang sarili ko ay nakikinig ako sa mga sinasabi ng anak ko. Kinukwento niya sa akin kung paano siya tinulungan ng mga tao na makalabas ng building at kung paano siya nahanap ni Connor. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila habang wala ako o kung may tinanong ba si Connor tungkol sa kanya dahil siguradong akong magiging interesado siya sa anak ko. At ang isiping ‘yon ay bahagyang bumagabag sa akin dahil kapag nangyari ang kinakatakutan ko ay talagang babaliktad ng xhusto ang mundo ko. “Are you okay now?” tanong ni Connor ng makaalis si Colton dahil tinawag ni Tina para macheck kung may problema sa kanya. “You look exhausted.” “Ikaw kaya mawala ang anak mo tapos may nasusunog na building hindi ka mapagpapakapagod para hanapin s’ya?” naiinis kong sagot sa kanya bago tumayo, pero mabilis lang din akong nasalo ni Connor ng mawalan ako ng balanse. “Kailangan mo din ipacheck ang sarili mo hindi lang si Colt. Baka mamaya ay nagkaproblema na sa paghinga mo dahil sa usok.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Connor, dahil minsan ko lang siya marinig na magtagalog. Mas madalas itong nakikipag-usap ng english at nakakainis na marini g siyang magsalita on his native language. He sounds so fvcking sexy for some reason. “Ayos lang ako. As long as my son is okay.” “Do you think your son is not concerned about you? He kept on crying when I found him scared that something might happen to you,” Connor blurted out. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil parang sinasabi niya na wala akong pakialam sa anak ko. “Salamat sa pagtulong sa anak ko, but your concern is not needed in my family. Helping us is already enough,” seryoso kong saad bago tumayo at kinuha ang backpack ni Colton. Alam ko ang ginagawa ko dahil ako ang ina ni Colton. Wala siyang karapatang sabihin sa akin ang kung anong nakikita niya lang dahil hindi niya kami parehong kilala ni Colt. Oo naging kami noon, pero sa maraming taon na lumipas ay hindi na rin ako ang Akira na nakilala n’ya. Malayo na ako sa isang uto-u***g babaeng nagpakabaliw sa pagmamahal ko sa kanya noon. “Is he my son?” Hindi lang mga paa ko ang tumigil sa tanong na ‘yon ni Connor. Pati pag-ikot ng mundo ko at paghinga ay huminto na yata sa sobrang gulat at takot na nararamdaman ko. Saglit akong pumikit at naikuyom ang mga kamao ko bago muling dumilat at sinagot ang tanong na ‘yon ni Connor. “Bakit ikaw lang ba ang nakarelasyon ko para isipin mong ikaw ang ama niya? Thanks for the help and have a nice day, Connor!” Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon ni Connor sa sinabi ko dahil halos lakad takbo na akong naglakad paalis. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon at iyon ay ang makalayo na kay Connor at muling makahinga ng payapa dahil parang may sumasakal sa akin sa tuwing alam ko na nasa paligid lang siya. Pagdating ko sa tent kung nasaan si Colt ay saktong palabas na rin sila ni Tina kasunod si Pete. Isang malaking ngiti ang inihanda ko kay Colt para hindi na siya mag-aalala sa akin. Pero bago pa ako makalapit sa kanila ay mabilis ng umikot at nagdilim ang paningin ko. Exhausted, sleepy, out of breath, and bothered. That’s what I felt when I woke up after many long hours of sleep after I passed out. And waking up in a room inside the hospital somehow scared me a bit. Pinagmasdan ko si Lori na kakapasok lang ng silid ko kasama si Colton na maraming bitbit na pagkain. Sa itsura nilang magninang na nakaternong pajama at maraming bitbit na pagkain ay parang wala sila sa ospital. “Gising na pala si sleeping beauty. Colt, check your mama. I’ll just call the doctor.” Pagkalabas ni Lori ay nilapitan na ako ni Colt matapos ibaba sa center table ang dala nilang pagkain. “Ma... I’m sorry...” bulong ng anak ko ng mahiga ito sa tabi ko at umakap. “Bakit? May ginawa ka bang hindi maganda habang tulog ako?” Umiling siya habang nakasubsob ang mukha sa balikat ko. “Then why are you crying?” “Nandito ka sa ospital because of me. I’m sorry.” “Hey, I’m okay and what happened is not your fault. There’s a fire and that is the reason why I am here. Mas hindi ko matatanggap kung may mangyaring masama sa'yo.” “I love you!” “I love you too, son!” Maya-maya ay dumating na ang doctor ko at bago pa siya maraming sabihin ay sinabihan ko na si Lori na huwag ipadinig kay Colt. Ayokong malaman niya pa ang findings ng doctor at mas lalong sisihin ang sarili n’ya sa nangyari sa akin. Kapag nakikita kong nag-aalala si Colt ay naa-alala ko lang ang sinabi ni Connor. Wala naman daw akong naging problema, dahil lang daw sa pagod ko at sobrang pag-aalala kay Colt, kaya ako hinimatay. Hindi na rin namin pinaalam sa anak ko dahil sisisihin n’ya na naman ang sarili. “He saved my son,” bulong ko sapat lang para marinig ni Lori. Abala si Colt sa paglalaro ng Nintendo n'ya, kaya malaya kaming mag-usap ni Lori. Nang malaman n’ya kay Colt na kasama namin si Connor ay hindi n’ya na ako tinigilan kakatanong. “Anong ginawa mo? Anong sinabi mo? Nagtanong ba s’ya? Did he—” “He asked, kung kanya si Colt.” “At?” Napaikot na lang ang mata ko sa kung gaano kaexcited ang kaibigan kong ito. Pero bago pa ako makasagot ay pumasok na ang topic ng usapan naming dalawa. Speaking of the devil, “Hi, I brought some food.” Hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko. Wala namang may sabing dalhan niya kami ng pagkain. “May pera kaming pambili,” bulong ko bago umikot ng pwesto at hindi na sila pinansin. Pipikit na sana ang mata ko ng muling bumukas ang pinto ng silid ko at sumungaw mula doon si Inay at Kiro kasunod si Pete na bitbit ang dala ng pamilya ko. Mukhang mahaba ang magiging gabi ko dito sa ospital dahil sa mga surpresa na nangyayari sa akin. Just great! My ex, my family who hate my ex, and my suitor who love by my fam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD