Nagising si Luis na may benda na siya sa ulo. Pati ang dalawang paa niya ay may nakapulupot din na benda na lara bang nabalian siya. Napahawak siya sa ulo. Ang huli niyang natatandaan ay ang pagturok ng injection ni Daniel sa kaniya dahilan para mawalan siya ng malay. Nasa isang private room na siya at nakita niya si Bebe na nakahiga sa couch katapat ng kama. Kumilos siya para tumayo at malapitan si Bebe, ngunit bumukas ang pinto. Pumasok sina Juan at Primo. Juan grinned while Primo's face was expressionless. "Don't move," ani Juan. "Ang galing talaga ng aktingan natin, pwede na tayong mag-audition." Hindi niya ito pinansin at nakatitig lang siya kay Bebe. Gusto niya itong lapitan at yakapin. Gusto niyang manghingi ng sorry dahil pinaiyak niya ito. "Sige, aalis na kami bago pa mag

