Mariing napapikit si Bebe nang paulit-ulit niyang naaalala ang nangyari sa kanila ni Luis tatlong araw na ang nakalilipas. Na assigned siya sa nurse station dahil ngayong araw ang simula ng one week schedule niya. Nangangalumbaba siya sa counter habang nakatulala. "Hoy! Okay ka lang ba?" untag sa kaniya ng kasamahan niyang nurse na katulad niya ay one week rin sa nurse station. Siniko pa siya nito para tuluyan siyang magising sa pagiging tulala niya. "Ano?" lutang niyang usal. "Ano? Buong araw ka bang ganyan? Nakatulala sa kawalan?" maartee nitong saad. "Tinatamad naman kasi ako kapag dito ako naa-assign, eh! Inaantok ako." Reklamo niya pa. "The feeling is mutual, girl! Ang mabuti pa manood na lang tayo ng porn sa cellphone." Humagikhik ito. Napailing naman siya. Parang may paru-p

