Weeks after Sven's housewarming, we were shocked with the news that Chairman Lopez is suffering from a serious illness. Kaya ilang beses na na-postponed ang pagbalik namin sa Benguet hanggang sa tuluyan na iyong na-moved at hindi alam kung kailan pa itutuloy dahil tuluyan nang namaalam si Chairman. At dahil biglaan iyon at mukhang sadyang hindi pinaalam ni Chairman sa mga anak n'ya ay ramdam na ramdam namin ang naging epekto ng biglaang pagkawala ni Chairman lalo na kay Gelo. Pati ang pagmamanage sa foundation ay naging mahirap para sa kanilang magkapatid lalo na at hindi handa ang bunso at nag-iisang kapatid ni Gelo na hawakan ang foundation. Sa tulong ng YM at ilang malalapit na kaibigan ni Gelo na mga business tycoons ay nagawan nila ng paraan at patuloy na pinatakbo ang foundation. D

