Pagkagising ko kinabukasan ay hindi ko inaasahan ang eksenang mabubungaran ko sa labas ng dining room. Medyo maingay ang mga kuya ko at ang mga maids ay nakatanaw at nagtatawanan at nagbubulungan habang sumisilip sa pinto. Naglakad ako palapit sa kanila. Sakto naman na dumating si Nanay Alice para sawayin sila kaya agad na umalis sila doon. “Anong nangyayari d’yan, ‘Nay?” Hindi na nakatiis na tanong ko nang tuluyang nakalapit doon. Napatingin naman s’ya kaagad at pinasadahan ng tingin ang suot ko kaya nagtatakang napayuko ako para tingnan din ang katawan ko. “Bakit po?” tanong ko ulit. “Si Architect Sven, nandito…” medyo mahinang sagot n’ya nang salubungin ako. Hinawakan n’ya ang laylayan ng t-shirt na suot ko at saka muling umangat ang tingin sa akin. “Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya

