Nang lingunin ko ang kaklase ni Sangko ay umatras na kaagad s’ya kaya inis na tiningala ko si Sven. “Ayokong magsayaw. You know that I hate this kind of–” “Please?” mabilis na pakiusap n’ya kaya nagtatakang tiningala ko s’ya. Kumpara sa mga paninitig n’ya sa akin dati ay may kung ano sa titig n’ya ngayon. Seryosong-seryoso ang mga mata n’ya habang naglalahad ng kamay sa akin kaya tuluyang napamaang ako at hindi nakapagsalita. “I wanna dance with you tonight…” sambit n’ya pa at muling iginalaw ang kamay na nakalahad sa harapan ko. Bumuntonghininga ako at saka walang nagawang ipinatong ang kamay ko sa kamay n’ya. Hinawakan n’ya ito ng mahigpit at saka marahang hinila na ako papunta sa dance floor. Kitang-kita ko agad ang pangangantyaw sa mga mata ni Siob nang makita kaming naglalakad ni S

