Pagkatapos ng team dinner ay nagsimula na naman ang pagpaparinig ni Joy sa akin sa cafeteria. This time, she was including her daughter in all her arguments. Pagkatapos kasi ng team dinner ay sinama ako ni Sven na dalhin si Jazz sa isang psychiatrist. At doon nga ay napag-alaman namin na hindi s'ya normal na napapalaki ni Joy. According to the psychiatrist, Jazz is having an early sign of OCD or Obsessive-Compulsive Disorder. Bukod sa may mga sinasabi itong paulit-ulit na mga salita ay palagi din daw itong nagugulat at alerto sa paligid. Kasama rin namin sa pagpunta sa psychiatrist ang kinuha ni Sven na nurse na nag-aalaga ngayon kay Jazz. Ang lahat ng kakaibang naobserbahan n'ya sa bata ay sinabi n'ya. Noong araw din na ‘yon ay sinabihan kaming dalhin si Jazz sa isang mental health pro

