Pagkatapos ng dinner ay agad na umakyat ako sa taas at pairap na isinarado ang pinto ng kwarto ko. Nasa living room silang lahat ngayon at nagkakape habang ang topic ay ang magiging second wedding nina Sangko at Jam. Inis na inis ako nang banggitin ng pamilya ko kay Sven ang tungkol sa private beach wedding na 'yon na gaganapin sa isa sa mga private beach sa La Union kung saan ang probinsya ni Jam. Inaabangan at sobrang excited ko pa naman sa kasal nila dahil gustong-gusto ko nang mag-beach at magliwaliw sa dagat pero mukhang mapupurnada pa yata ang pag-eenjoy ko dahil ininvite nila si Sven! “Nakakainis! Why do they have to invite him there?! Hindi na nga s'ya pumunta noong triple wedding ng mga kuya ko last year! Bakit kailangan pa nilang i-invite ngayon?!” inis na bulalas ko habang d

