Dahil hindi nakapaglaro si Sven ng basketball sa opening ng Sports Fest ng Young Bucks Society Club ay pinanood na lang n'ya ang live coverage ng game sa TV. At dahil kasalanan ko kaya hindi s'ya nakapaglaro ay sinamahan ko s'yang manood kahit na hindi ko talaga feel ang manood ng basketball! Para hindi ako antukin ay nagbrowse at nag-scroll na lang ako sa social media kaya kahit papaano ay nalibang ako. Napakislot ako nang maramdaman ang paggapang ng kamay ni Sven sa dibdib ko kaya yumuko ako para silipin s'ya. Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard samantalang s'ya ay nakahiga sa tabi ko habang nanonood ng game. “Sven…” saway ko sa kanya pero parang wala s'yang narinig at pinagpatuloy ang pag-abot at pagpisil sa dibdib ko habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa TV. Naiili

