Chapter 4

2906 Words
RYLAN POV MATAPOS kumain, hinatid na namin ang antok na si Deden sa kanyang kwarto. "Good night, Deden ko sleep well," bulong ko sabay halik sa kanyang noo. Nag-good night at hinalikan din siya ni Dylan bago kami lumabas matapos nang mapatulog ang aming anak. "I love you," bulong pa niya sa akin, habang buhat-buhat ako patungo sa aming kwarto. Sampu, labing dalawa o kahit habang buhay pa ata ay di na mawawala ang tradisyon na ito ni Dylan. Nung una hindi talaga ako sang ayon dito, lagi akong naiilang at naco- conscious kapag ginagawa niya ito. Pero ngayon, nasanay na rin ako, wala naman akong pagpipiliang iba sapagkat kahit kailan hindi ako nanalo laban sa kakulitan ng lalaking to. "Hanggang kailan mo ba ako balak buhatin papunta sa kwarto ha?" tanong ko pa sa kanya. "Hangga't kaya ko pa, kapag di ko na kaya at matanda na tayo edi isasakay na lang kita sa wheelchair ko," sambit niya sa akin habang natatawa pa. Kung natatawa siya, iba naman ang dating sakin ng pahayag na iyon. Lalo na nang sabihin niya na hanggang sa tumanda kami ay mananatili pa rin kaming magkasama. Di ko alam, ngunit napayakap na lamang ako sa kanya nang mahigpit, nakagat ko ang aking labi at pinigilan ang sarili na maging emosyonal. May kung ano sa aking kalooban na gustong kumawala. Siguro matinding pagmamahal iyon para sa kanya. Minsan sa halip na magsawa at kumupas ang pagmamahal ko sa kanya sa paglipas ng mga taon na magkasama kami, pakiramdam ko ay habang mas nakikilala ko siya ay mas lumalalim din ang pagmamahal na nadarama ko para sa kanya. Habang mahigpit na nakayakap pa rin ako sa kanyang leeg ay marahan naman niya akong ibinaba sa kama nang makarating kami sa loob ng kwarto. Naghubad siya ng damit at saka tumabi sa akin. "Kamusta ang registration?" panimula pa niyang tanong pagkatapos patayin ang ilaw ng lampshade. "Yun nga, nag unahan magpa-register ang mga co-parents ko kaya naubusan na ako ng slot sa cooking contest, nung matapos silang lahat ang natira na lang ay beauty pageant," nanlulumong sagot ko, habang inaayos ang aking unan. "Ah ganun ba, ayaw mo ba sumali dun?" Napalingon naman ako sa kanya nang wala sa oras dahil sa kanyang pahayag. "Dylan naman, para sa babae lang yun ih, paano mo aasahan na sumali ako dun edi simula pa lang wala na akong pag asang manalo, baka mapahiya lang pati si Deden sa school dahil sa akin." "Ano ka ba, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin nakikita ang kagandahan mo. Bukod pa roon wala naman yun kung manalo o matalo, ang mahalaga nag enjoy ka at ipinakita mo na handa ka din mag-try ng bagong mga bagay paminsan-minsan," paliwanag pa niya at saka umakyat sa kama matapos maghubat ang pang itaas na damit. Kahit kailan hindi na nawala ang habit niyang maghubad kapag matutulog na, hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung hindi ba talaga siya nakakaramdam ng lamig. Pero sa tagal na naming magkasama at magkatabi sa higaan, nasanay na din ako sa kanya at ipinagsa walang bahala na lamang ang lahat. Ang mahalaga ay hindi siya nagkakasakit. "Sure akong sa halip na mapahiya si Ryden sa school ay mas ipagmamalaki ka niya," dugtong pa niya. "Sa tingin mo Dylan?" tanong ko pa sa kanya, sapagkat wala talaga akong balak sumali sa mga ganung paligsahan. Bukod sa wala akong alam sa pagrampa, ay hindi ko talaga pinangarap na lumahok sa mga ganung bagay. "Oo naman, at saka para namang pababayaan kita syempre ibibigay ko ang buong suporta ko sayo, ako kaya no.1 fan mo ngayon pa lang," masaya at masigla pa niyang saad, kaya naman ang takot at pangamba sa aking puso at isipan ay mabilis na naglaho. 'Iba talaga ang dalang kapanatagan kapag ang mahal mo na ang nagpalakas ng loob mo.' "Salamat Dylan, anong gagawin ko kung wala ka?" malambing na turan ko, sabay higa sa kanyang dibdib. "Mahal na mahal kasi kita, gagawin ko lahat para sayo kaya wag kang mag alala, okay? Matulog na tayo para bukas mapag planuhan natin nang mas maayos ang lahat," aniya, matapos halikan ang noo ko at haplusin ang aking buhok. Napangiti naman ako at mabilis na sumiksik pa kanyang katawan bago bumulong ng... "Sige, goodnight Dylan ko." KINABUKASAN, maaga akong nagising para ihanda ang almusal at baon ni Dylan sa trabaho. Sabado ngayon at walang pasok si Deden kaya naman hinayaan ko na lamang na matulog pa siya hanggang ngayon. "Ry ko, kailan mo balak magpalista?" ani Dylan habang kumakain. "Sa monday kaya Dylan? Ano sa tingin mo?" naguguluhan ding sagot ko pa sa kanya. Kahit kasi payag na ako sa pagiging representative ng klase ni Deden sa parent's beauty pageant. Hindi ko pa rin alam kung tama ba ang desisyon ko. "Monday? Di kaya ma-late ka na Ry ko, di ba may mga practice pa yun?" dahil sa kanyang sinabi ay lalo akong napaisip. Tama kasi siya, lalo na at malapit na palang maganap ang event, tapos may mga pa-rehersal at practice pa. Hindi lang yun, paano naman ang aking mga gagamitin at susuotin? Hindi ko mapigilang di mapabuntong hininga dahil sa pagmomroblema. Hindi ata basta-basta ang papasukin ko. Habang nagtitimpla ng kape ni Dylan, bigla kong naalala ang makulit na si Lily. 'Oo nga no, sabi ng babaeng yun tutulungan daw niya ako. Hm, kausapin ko kaya siya mamaya?' Habang napapatango pa ako sa aking sarili, hindi ko pansin na ngising-ngisi na pala si Dylan sa akin. "So, anong balak mo, magpapa-enlist ka na ngayon para malaman mo ang schedule ng practice?" "Oo, wala naman akong magagawa, ayaw kong mahuli. Nag iisa na nga akong lalaki dun tapos di ko pa alam ang gagawin, edi lalo ko nang ipinahiya ang sarili ko at kayo ni Deden." "Good to hear that, Mahal ko, para mapaghandaan na din natin ang iba mo pang gagamitin," saad pa niya. Natuwa naman ako sapagkat tunay talagang napaka-supportive na asawa nitong si Dylan. Well, di na ako nagtataka, dati nga di pa niya ako asawa at wala pa kaming relasyon ay talagang napakabuti na niya sa akin. Wala na talaga akong hihilingin pa sa buhay ko ngayon. May buo at masaya na akong pamilya, mabait at medyo pasaway na anak at mapagmahal na asawa. 'Hays, sana lagi kaming ganito,' mahinang hiling ko sa sa aking sarili. "Sige, tawagan ko na mamaya si Teacher Rachel para ma-inform ko siya. Ngayon, bilisan mo ang pagkain dahil mala-late ka na." Nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat dahil sa aking sinabi at mabilis na napasilay sa relong nasa kamay niya. "s**t, you're right My love. Kailangan ko nang umalis," nagmamadali pa niyang ani sa akin habang iniinom ng mabilis ang kape. Mabuti na lamang at malamig na iyon kung hindi paso ang dila niya. Napatango naman ako at inayos ang mga dala niya. Nang tumakbo na siya patungo sa garahe, kasunod naman niya ako para ipagbukas siya ng gate at ibigay ang kanyang baon. "Bye, Dylan ingat lagi," ani ko, sabay abot ng paper bag. Tinggap naman niya iyon ng may ngiti sa labi at mabilis akong hinalikan bilang goodbye kiss. Bago sumakay sa kotse ay kumindat pa siya at saka nagpatakbo palabas ng garahe. Sinundan ko pa siya hanggang sa labas at kinawayan habang inihahatid ng tingin. Hindi ko pa napigilang di mapatawa nang mahina at kiligin nang makitang may kamay na lumabas sa bintana ng kotse at mabilis na kumaway din pabalik sa akin. Hindi talaga siya nagbabago. Matapos ang paghahatid ko sa kanya, pumasok na ulit ako sa bahay para naman gawain ang trabaho ng isang nanay ng tahanan. Ang gisinigin ang anak, pakainin ito, maglinis ng loob ng bahay at ganun din ang labas. Wala akong balak na bumisita sa factory ngayon at mga cafe's kaya mag iintindi na lamang ako sa bahay ngayon. Naalala ko din na hindi ko na napagtutuonan ng pansin ang mahal kong mga halaman at alagang bulaklak sa garden. "Papa, punta muna po ako kayna Bryce," paalam sa akin ni Deden habang naglilinis ako ng pool. "Sige, pagnakita mo din ang tita Lily mo, sabihin mo gusto ko siyang makausap kaya pumunta siya dito sa atin!" utos ko pa. Bago magsara ang gate ng bahay rinig ko pa ang pagsigaw nito ng 'Opo!' Linis dito, linis doon lang ako ng pool at patanggal-tanggal lang ng mga dahon doon nang bigla marinig ko ang mala-megaphone na bunganga ni Lily. "Cutieee! Tawag mo daw ako? Anong chika?" "Wala naman, may gusto lang akong pag usapan," sagot ko pa sa kanya, at saka tinapos na ang ginagawa. "Anet yun Besh?" tanong pa niya habang magkaharap na kami at nakaupo na dito table sa tabi ng pool. "Yung tungkol sa pageant, napag usapan na namin ni Dylan. Ang desisyon nami--" "--- sasali ka na Cutiee!?" "Teka, excited ka naman agad." "Hahaha sorry na, so, ano napagdesisyunan nyo ng hubby mo?" Nahihiya ako kaya napakamot pa ako sa batok bago ibulong ang aking sagot. "O-Oo, sasali na ako." "Huh? Di ko rinig cutiee, please repeat," aniya pa, kaya napahinga muna ako ng malalim bago nilakasan ang pagsasalita. "Sabi ko, sasali na ako," seryosong saad ko, habang napapakayuko dahil sa hiya. "Ha? Ano ulit--" "Gaga ka talaga, gusto mo sapak?" inis na saad ko sa kanya, pinagti-tripan na naman kasi ako. "Joke lang po, wag ka nang ma-high blood dyan. Masaya lang ako at kahit alam kong nahihiya ka ay mas pinili mo na mag-Go di ba, sabi nga nila 'Push lang girl!" masigla pa niyang ani. "Oo, kaso di naman ako girl," bored na sagot ko, kaya napatakip siya ng bibig habang nagpipigil ng tawa. "Hihi at least open na ang school for equality and pro sila sa l***q community, magandang sign yun na hindi na nila iniiba ang mga lalaki sa ganoong paligsahan," makatotohanang aniya kaya napatango din ako. "Tama ka, feeling ko din mas open na nga sila sa ganung bagay ngayon. Kasi dati, pageant na exclusive para sa mga bakla o tomboy lang, tapos ngayon napayag na din sila na kasama ng mga kababaihan sa pageant ang mga kagaya ko." "Oh di ba, kaya positibo lang dapat talaga tayo, sure ako hindi ka mapapahiya dun cutiee, nandito lang ako at ang pamilya mo, super ang suporta namin sayo kaya wag ka nang mag alala ha," saad niya, sabay tapik pa sa balikat ko. Napailing na lamang ako dahil sa kakaibang dating talaga nitong kaibigan kong si Lily. Sobra akong nagpapasalamat sa Dyos na hindi lang maayos na pamilya ang meron ako, biniyayaan din ako ng mabuting mga kaibigan. "Salamat Lily, balak ko sana na magpa-enlist na ngayon." "Ayy bet, sige Cutiee para mapaghandaan na natin lahat! Ako manager mo." Tumango na lang ako bilang pang sang ayon sa kanyang ideya. "Excited na talaga ako!" sigaw pa niya habang kinikilig. Ako naman ay napatawa na lamang sa kanya sapagkat para siyang bulate na nilagyan ng asin sa sobra niyang likot. Habang nagtatawanan kami, hindi namin inaasahan na dadating ang mga bagets. "Papa, ano po yung pinag uusapan nyo?" pag-oosyoso pa ng dalawang bata. "Oo nga po mama, parang excited kayo, magbabakasyon po ba tayo?" tanong pa ng kyut na anak ni Lily na si Bryce. Habang pinipisil ko ang nagro-rosas na pisngi nito, bigla kong naalala na hindi pa nga pala namin nasasabi ang tungkol doon kay Deden. Gusto kong isampal ang dalawa kong kamay sa aking mukha dahil sa katangahan ko. Sana pala ginising ko nang maaga si Deden kanina para alam niya ang napagdesisyunan namin ni Dylan kanina. Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakatawag sa teacher nila. Pinalapit ko muna si Deden sa aking tabi para makausap ito ng maayos. Si baby Bryce naman ay kumalong na sa kanyang nanay. "Deden, may sasabihin si Papa sayo ah," seryosong ani ko. "Opo, ano po yun?" "Hm, pero bago yun promise mo muna sa akin na sasabihin mo ang tunay mong opinyon tungkol dun, okay ba?" "Sige po," pagsang ayon pa niya. Tumango si Lily sa akin kaya sinimulan ko nang sabihin kay Ryden ang tungkol sa pageant. Nakikinig naman siya nang maayos at seryoso sa akin. Pansin ko lamang, kapag ganito ka-seryoso si Deden nalabas talaga ang pagiging kamukha niya sa tatay niyang si Dylan. Sigurado talagang marami-raming mapapaiyak na kababaihan siya pag nagbinata na. "Deden, okay lang ba sayo na sumali si Papa sa ganung paligsahan?" "Opo Papa, payag po ako," proud na sagot pa niya. "Sigurado ka? Hindi ka mahihiya sa mga kaklase mo kung sasali ako dun?" paninigurado ko pa. "Hindi po, bakit naman ako mahihiya eh tunay naman po na maganda kayo, yung Papa ng mga kaklase ko ay di magaganda tulad nyo. At saka maswerte po ako dahil may astig na Daddy ako at magandang Papa," nakangisi pa niyang sagot sa akin kaya halos lumabas na sa saya ang aking puso. Sobrang nakaka-proud na magkaroon ng anak na kagaya niya. Nayakap ko siya nang mahigpit at ramdam ko na ang maliit niyang braso ay nakayakap din pabalik sa akin. "Cutiee pwede ba akin na lang din si Ryden?" naluluha na parang matatawang saad ni Lily habang nagmamaka- awa sa kagustuhang amponin sa anak ko. Alam ko namang nagbibiro lamang ang lukang ito kaya di ko na pinatulan pa. "Gaga ka, iisa na nga anak namin, kukunin mo pa," natatawa din namang sagot ko sa kanya. "Edi gawa na lang ulit kayo," nakanguso pa niyang ani. Tiningnan ko naman siya na tila nagsasabi ng... 'Luka ka ba talaga, as if, naman kaya kong manganak.' Napangisi lang ang baliw kong best friend. "Tito Ry, sure po ako kapag sumali kayo, ikaw na ang panalo!" ani Bryce, sabay thumbs up pa. Napangiti naman ako sa kanta at ginulo ang medyo mahaba niyang buhok. "Kita mo Cutiee, pati anak ko supporter mo na rin," singit naman ni Lily, at saka ibinaba ang anak mula sa kanyang kandungan para makapaglaro na ito kasama si Deden. "Haha kaya nga, salamat sa inyo lumakas ang loob ko." "Dapat lang cutiee, kaya what are you waiting for? Tawagan mo na si Ma'am Rachel." "Oo na," ani ko at saka kinausap ang adviser ni Deden at Bryce. Nagpasalamat naman ito sa akin at ibinigay na din ang schedule ng mga rehearsals at practice. Mabuti na lamang at nakapag desisyon kaagad kami sapagkat, ilang beses lang pala ang magiging practice at paghahanda para sa pageant. --------------+++ MONDAY MEDYO kinakabahan pa rin ako habang naglalakad patungo sa gymnasium ng school kung saan gaganapin ang unang practice. Ang oras ngayon ay 1:00 pm, nasundo na namin ang mga bata, napakain at naihatid na ulit sa kanilang classroom. Grade 3 na sila ni Bryce kaya whole day na ang klase nila. Habang kami naman ni Lily ay nasa rehearsal "Cutie, galingan mo ha," bulong pa niya habang palapit kami sa may stage na nasa loob ng gymnasium. "Oo, nag practice naman tayo kahapon ng paraan kung paano ang tamang paglalakad," tugon ko naman, hindi ko nga lang alam kung sapat ang practice na iyon. Tumango naman siya at proud na inakbayan pa ako. Nang makalapit sa stage, sinalubong agad kami ng coordinator ng event. Salamat at narito rin ang adviser nina Deden na si Ma'am Rachel para samahan kami saglit. Kung open at pro l***q ang school, mukhang hindi lahat ng parents dito ay ganun din ang pananaw sa aking pagsali. May napansin agad akong isang ina, bata pa ito at siguro ay mga nasa late 20's pa lang din ang edad. Kita kong mabilis itong napataas ng kilay nang makita ako. "Okay ladies, ito nga pala si Mr. Rylan Hendricks, makakasama nyo sya sa pageant," pakilala pa ng coordinator sa akin nang makausap ito ni Ma'am Rachel. Nagkatinginan naman lahat ng ibang contestant dahil sa pahayag na iyon. At hindi na ako nagtaka nang may marinig ka agad akong kakaiba. "Ahm, makakasama? So, make up artist ba siya or what?" "Baka naman P.A? Haha." Mabilis naman nag init ang ulo ni Lily dahil sa paraan at tono nang pagsasalita ng mga nito. "Hindi sya make up artist or P.A for your information mga sis, siya lang naman ang tatalo sa inyo kaya watch out ladies baka walang lumapat na crown d'yan sa mga ulo niyo," mataray na saad ni Lily, at may kasama pang pagturo sa ibang mga constestant. "Lily," pagtawag ko pa sa kanya para pigilan siya. Hindi umaatras sa gera ang babaeng to, mahirap na kapag hindi ko siya napigilan, panigurado nang magkakaroon ng blood bath sa lugar na to. "Stop na okay, hindi na kayo mga bata, mga mommies kayo kaya behave." Pagsasaway ng coordinator kaya natahimik ang lahat. Napataas naman ng may pagmamalaki ang mga kilay ni Lily. Ang aura pa niya ay para bang nagpapahayag ng ...' Mess with us ladies and you'll regret it.' Napailing na lamang ako dahil sa mga pangyayari. Mukhang hindi sa pageant ako mahihirapan kung hindi sa pakikisama sa kanila. Unang araw pa lamang ito ha, mukhang nangagamoy away na agad. Wala naman akong pinagsisisihan sa pagsali dito lalo na at buo na ang aking desisyon, pero alam at ramdam ko din na hindi ito magiging ganun kadali. Hindi ko na hinahangad na manalo o makamit kung ano mang premyo, ang gusto ko lang ay maging masaya at magkaroon ng kakaibang experience sa pagsali sa ganitong pagligsahan. 'Pinapagdasal ko nga lamang na sana habaan pa ni Lily ang pasensya niya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD