RYLAN POV MATAPOS ang pagbabalik tanaw ay muling pumasok sa aking pandinig ang boses ng aking anak. "Bryce, iyo si Prince, akin naman si Brownie!" Napataas ang kilay ko, kaya ata dalawa ang binili niya sapagkat para kay Bryce ang isa nito. Dahil sabay na lumaki at mula kabataan ay talagang mag kakilala at laging magkasama sina Deden at Bryce ay parang tunay nang magkapatid ang turingan nila sa isa't isa. Kung ano ang meron ang isa ay pag aari din ng isa. Nakakatuwa silang tingnan. Minsan nga lang nalabas ang pagiging possessive ni Ryden kay Bryce. 'Ewan ko rin ba sa kanya, kay bata-bata pa ay alam nang maging possessive.' "T-Talaga? Akin na lang sya?" nauutal at halos maluhang ani naman ni Bryce kaya hindi ko maiwasang di mapangiti habang pinag mamasdan sila. Minsan napapaisip din ak

