RYLAN POV PAKIRAMDAM ko ay tumigil ang aking paghinga at naging bato ang aking katawan nang mapagtanto kung sinong nakahawak sa akin ngayon. Hindi lang basta hawak, kung hindi sinalo niya ako na parang isang prinsesa. Nakalagay ang kanyang braso sa aking likod upang suportahan ang aking bigat at di ako mahulog ng tuluyan. Dahil rin doon kaya magkalapit ng sobra ang aming mga mukha. Natahimik ang buong paligid, walang gumagalaw o umiimik man lang kaya tila ba ay tumigil ang mundo sa pag ikot nito. Pero hindi ito yung katulad sa mga romantic movies kung saan ay halos mamatay ka na sa kilig o saya. Ito yung tagpo na mamamatay na ako sa kaba. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat, habang siya naman ay halata ring nabigla sa kanyang ginawa kaya naman bigla niya akong binitawan. At dahil nasa

