Masayang-masaya ako nang salubungin ko sa gate ang kaibigan ko. Halata rin sa mukha niya ang excitement. “Grabe naman pala itong mansion ninyo beshy, parang mall ang laki!” bulalas nito nang ganap nang makapasok. Hindi pa agad ito pumasok sa bahay dahil iginala muna ang paningin sa bakuran. Namangha rin siya sa malaking fountain na nasa gitna ng garden. “Naku mababaliw ang mommy at tita ko kapag nakita nila itong mga halaman na nasa garden. Ang lalaki tapos iyong ibang namumulaklak parang iyong mga nakikita lang natin sa internet. Puwede bang dito na rin ako tumira? Puwede akong hardinera, girl!” biro pa nito kaya napahagalpak na naman ako sa mga kalokohan niya. Hindi pa siya nakuntento at nilapitan pa ang ang mga halaman na nasa gilid ng fountain at pumitas ng isang bulaklak at inilagay

