Catherine’s POV “Nakuha mo na ba iyong pinagagawa ko sa iyo?” tanong ko kay Jake. Inutusan ko kasi itong kuhanin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Drake Huizon. Malakas ang pakiramdam ko na siya ang makatutulong sa akin para maisakatuparan ang lahat ng mga plano ko. “Of course, sweetheart! Here!” sagot nito at iniabot sa akin ang isang envelope. Umikot ito sa likuran ko saka hinalik-halikan ako sa leeg. Pinigil ko siya saglit dahil kailangan kong basahin ang nilalaman ng files na binigay niya sa akin. “Puwede ba mamaya na ‘yan? Na-miss kita eh. Ang tagal mo naman kasi do’n sa Tagaytay,” reklamo nito pero tiningnan ko lang siya ng masama kaya napaatras ito. Pero ngumiti rin ako pagkatapos dahil kailangan ko pa ang gagong ito. Saka ko na lang siya didispatiyahin kapag nagawa ko na ang

