Charles’ POV Nagising akong mag-isa na lang sa kama. Hindi ko maiwasang hindi mapamura nang maalala ang nangyari kagabi. Kahit marami akong nainom ay alam ko ang bawat detalye nang naganap sa amin ng asawa ko. Mahigit dalawang linggong hindi ko siya kinakausap o pinapansin man lang. Sinasadya kong umalis nang maaga at umuwi nang late para iwasan siya. Gabi-gabi ay nilulunod ko ang sarili sa alak dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay namin. Una, nalaman kong hindi ako puwedeng magkaanak kahit kalian. Pangalawa, ay sa kabila ng pagmamahal at pag-aalaga ko sa asawa ko ay nagawa pa rin niyang magtaksil sa akin. Sa kabila ng lahat nang ginawa ko para sa kanya ay hindi pa rin siya nakuntento sa akin. Pangatlo, ayaw niyang ipalaglag ang naging bunga ng kataksilan ni

