Kristine’s POV Habang ninanamnam ko ang sakit ng nasasaksihan ko ngayon ay biglang nag-ring ang cellphone na hawak ko. Si Coleen ang tumatawag kaya maingat kong pinahid ang mga luha ko at huminga ng malalim bago ko sinagot ang tawag. “Girl, nasaan ka na? Nandito na ang asawa mo at hinahanap ka kanina pa. Kaya lang iyon oh kasama na iyong Catherine. Kung makalingkis sa asawa mo akala mo siya ang misis,” iritadong sabi nito sa akin. “Pabalik na ako riyan, nandito lang ako saglit sa washroom,” pagsisinungaling ko. “Sige, bilisan mo at mukhang may gustong umagaw ng trono mo,” may bahid ng inis pa rin sa tinig niya. Kaya kunwari’y natawa na lang ako. “Pinsan niya iyan, kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano,” pagbibigay-alam ko sa kanya. Matalas talaga ang mata at pakiramdam ng kaibigan

