"Putang ina mo Helios 'di ka na makakaulit sakin!!" kanina pa nagmumura si Xenova habang umiire sa Emergency Room. "Pero baby-aray!" napasigaw si Helios nang sampalin siya nito. "Puta ka masakit na keps ko! Ahhhh!!" pakiramdam ni Helios ay parang siya ang mahihimatay dahil sa kaba. Wala siyang pakialam kahit bugbugin pa siya nito ang mahalaga ay makaligtas lang ito sa panganganak. "Push pa Mrs. Villiarde! Hayan na siya." umire naman si Xenova. Napangiwi si Helios nang napahawak ito ng mahigpit sa kanyang kamay ngunit binaliwala niya iyon dahil alam niyang mas masakit pa don ang nararamdaman nito ngayon. Patuloy naman ang kanyang paglinis ng pawis nito habang ito'y umiire. "Ire pa misis hayan na sya!" "Putang ina kanina pa yang hayan na hayan na wala paring lumalabas tatadyakan ko na ka

