It's been two weeks since that incident happened. Nagpakalayo-layo muna si Xenova upang bigyan ng space si Helios. Araw-araw na rin siyang nagduduwal, madalas na ang kanyang moodswings at nagkakaroon siya ng mga weird cravings. Sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa kanila ni Helios ay umiiyak siya, she's trying her best to be strong pero masyadong masakit. Nasa private condominium niya siya ngayon, tanging ang kanyang ama at si Winston lang ang may alam sa lugar na kanyang tinitirhan ngayon. Kanya na sanang huhugasan ang mga pinggan nang bigla siyang nahilo at kamuntikan pa siyang matumba kung 'di niya lang nahawakan ang lababo. Hindi niya na kaya ang pagkahilo kaya't wala siyang choice kundi tawagan si Winston. Kahit blurred ang paningin ay kanyang hinanap ang numero ng lalaki tsaka i

