Nang makabalik ako sa loob nang aking opisina ay bigla akong nanghina at parang nauupos na kandila sa mga pangyayaring naganap sa araw na ito. Limang taon, limang taon ko nang ibinaon sa limot ang katotohanang may asawa ako at kinasal kami na nauwi lang sa hiwalayan dahil sa walang kwentang kasinungalingan.
Bigla akong kinabahan nang maisip ko kung ano na ang mangyayari ngayong nagkita kami ni Xander, tahimik na ako, kami nang anak ko, namuhay kami nang masaya at walang problema, pero bakit ngayong dumating siya lalong binundol nang kaba ang dibdib ko.
"Ano na ang gagawin ko ngayon" tanong ko sa isip.
"Basta, di na ako magpapadala sa kanya, at di nya rin dapat malaman na may anak kaming dalawa" hayssst
"Napapikit ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip nang mga dapat at di dapat gawin, nang biglang pumasok si Maam Meriam, ang General Manager nang Mall.
"Alexa, may problema ka bah? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito.
"Ahhh wala po to maam, magandang hapon po. tango naman itong sumagot.
"Alex, andito ako para sabihin sayo na simula bukas ay doon kana sa opisina ni Sir Xander, ikaw ang magiging Personal Assistant niya, may sarili kang table dun," Saad ni Maam Meriam.
"Huh?! Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig"
"Ehh maam, bakit ako po, okay napo ako dito."
"Yun ang utos ni Sir Xander, tsaka ni Boss." sagot ni maam.
"Tsaka mas makakabuti yun kung andun kalang iha, di ka mapapagod, at mape-pressure" dagdag ni mam.
"tinutuo talaga nung unggoy na yun ang sinabi kanina"pahapyaw kong sabi na narinig pala ni maam.
"Sinong unggoy Alex??" tanong niya
"Ai wala po mam, sige po. Bukas po maam" sagot ko.
"okay2x Alex. Pwede kanang umuwi nang maaga para makapagprepare ka sa paglipat mo bukas, sige maiwan na kita ha? Paalam nito.
Nang mapag isa ay inisip ko kung ano kaya ang plano nang unggoy na yun.Ipapawalang bisa din naman nya ang kasal namin bakit paba niya gagawin to? ayaw kong mapalapit sa kanya, nasasaktan lang ako pag nakikita ko sya, naaalala ko lang mga pangyayari nung limang taon nang lumipas.
Bakit pa kasi kami nagkita,"magreresign nalang siguro ako" sa isip ko.
Magsisimula nalang ulit ako.
Tama mareresign ako at isu-submit ko ang resignation ko bukas pinal na sabi nang isip ko.
Umuwi ako nang maaga at gumawa nang resignation letter ko sa laptop ko. Habang nagta type ay biglang dumating sina nanay Ising at Alex,
"ohh iha bat ang aga mo?
"Mama? sabay yakap at halik sa pingi.
"Kumusta ang baby ko? ha? sabay kuramos nang halik sa mukha at yakap.
"Hehehehe.. mama, nakikiliti ako hahahaha..
"Halika na muna Alex magbihis ka muna nang damit," tawag ni Nanay sa anak ko.
"Sumunod naman ang anak ko at tinapos ko ang ginawa kong letter atni print, tapos nilagay ko na sa bag ko.
Habang gumagawa ako nang meryenda naming tatlo ay biglang lumapit si Nanay sa akin at nagtanong kung bakit ang aga ko laya ni kwento ko sa kanya ang pangyayaring naganap sa loob nang Mall kanina, ang pagkikita namin nang ama nang anak ko at ang paglilipat nya sa aking nang opisina sa loob nang opisina nito para gawing personal assistant ko no..
"Di kaya ay gistong makipagbalikan sayo nang asawa mo iha at ganyan ang ginawa nya." saad ni nanay
"Susss, impossibly yan nay, diba na kwento ko sau kung paano niya ako pinalayas nuon? " sagot ko.
"Ehh baka nga lang kasi napag tanto na nun kung bakit ka nya pinalayas, tsaka baka nakapag isip2x na rin na talagang mali siya.
"Ayaw ko na nay, kuntento na ako kung anong meron ako, tayo, tayong tatlo okay na ako" saad ko habang nagluluto nang spag.
"Iha hindi pa naman kasi huli ang lahat, bakit di kayo mag usap, gusto ko magiging masaya kayo, yung buong pamilya kayo. Paano nalang kung mawala ako, matanda na ako, di dadalawa nalang kayo,?
"Hayssst!, Nanay naman wag ka ngang magsalita nang ganyan.,tsaka niyakap ko xa.
"Huwag na muna nating pag usapan yan,kung saan2x napupunta kasi." Saad ko.
XANDER
Habang nasa loob nang opisina ay minabuti niyang ma arrange na ang table nang asawa para kinabukasan, ipilalagay niya ito sa unahang kanto, sa harap nang table niya para malaya niyang mapagmasdan ito.
Matapos kasing ipaalam ni Meriam ang GM nila na pumayag na si Alexa ay tila xa batang na excite. Nang matapos na ay nilagay niya ang nameplate sa mesa nito na ang nakasulat ay "Alexa C. Alvarez, Personal Assistant. Nakangiti pa siyang basahin ito.
Habang ganon siya ay bigla na lamang may pumasok at ang Tito Armando niya, na ang lapad din nang ngiting humarap sa kanya.
"Ngayon ko lang ata nakita muli yang mga ganyan mong ngiti iho ahhh?" tudyo ni tito sa akin.
"Thank you Tito" sabay yakapa ko sa kanya
"Limang taon akong naghanap pero andito lang pala siya" naiiyak kong saad
" Ohh bat ka umiiyak-??"
" kamakailan ko lang din nalaman na dito nagtatrabaho ang asawa mo, nung ni recommend siya ni Meriam na ipapalit sa kanya bilang GM."
"kaya nang makita ko at mabasa ang profile niya di ako nagkamali, siya si Alexa na asawa mo kaya minadali kong tawagan ka at nagpagawa nang kung ano2x sayo para ilaw na mismo ang makakita sa asawa mo." mahabang litanya ni Tito.
Niyakap ko ulit siya"Thank you Tito"
"Walang anuman iho, kaya alagaan mo, wag magpapadala sa galit, at lalong wag magpapaniwala sa sabi-sabi at nakikita."
"Hmmp, lalong lalo na dun sa madrasta mo at kapatid na hilaw, mga mukhang pera. Ewan ko ba at anong nakita nang daddy mo sa mga yun. mabuti nalng at naliwanagan ka.
"Huwag ka nang mag alala Tito, di na makakawala ang asawa ko sa akin, tsaka tungkol dun sa dalawa di ko na sila pinapapasok sa mansion simula nang malaman ko ang totoo." mahaba kng sagot
"O sha sha, goodluck bukas" natatawang tinapik tapik ni tito ang balikat ko.
"thank you ulit tito" balik tapik ko sa kanya
Humanda talaga yung madrasta kong c Amalia at ang anak niyang mukhang pera,pagbalik nang asawa ko sa mansion kukunin kong lahat na meron kayo. Hindi ko lubos maisip bat nila ginanon c Alexa, buti nalang walang masamang nangyari sa kanya, pero limang taon naman siyang nawala.
Hawak-hawak ko sa bulsa ko ang kahon nang singsing na isinauli niya sa akin nung oras na umalis siya sa bahay namin. Bitbit ko to palagi, sa kadahilanan na baka bigla ko siyang makita, tulad nalang ngayon. At nilagay ko to sa loob nang drawer nya pra makita niya kinabukasan.
"Di kana makakaalis sa piling ko, asawa ko"