Vanessa Hawak namin sa magkabilang kamay si Nicca. Kababa pa lang namin ng kotse at ngayon ay dinadala ko sila sa kung nasaan ang pamilya. Pamilya ko, ibig sabihin ay silang lahat. Dad, Mom, Ate and her husband and son. Magugulo na naman ang masarap kong buhay! “So they are here? I am not prepared, hon. We should have used our Hiace.” “It’s fine. Pwede namang salubungin lang natin sila tapos ay mag-rent na lang ng van.” Nagkamot sa ulo si Haines at saka tumango. “No need. I can talk to the manager or the owner of this airline. We can surely use their van.” Napangiti naman ako. Nakalalimutan kong malakas nga pala ang impluwensya nila sa negosyo lalo na pagdating sa technology. “Mauna na kayo. I’ll just talk to them. I’ll call you after.” Tumango ako bago siya humalik sa aking labi

