Vanessa Napapakunot ang noo ko dahil sa hindi man lang matapos-tapos ang shoot ko na dapat ay kanina pa natapos kung hindi lang sa… “I can be the model.” Halos mapatampal na ako sa aking noo nang magsalita na naman si Haines sa harap ng kaniyang mga magulang na ngayon ay hindi moa lam kung matatawa o maiinis sa kanilang anak. “Son, are you feeling well right now?” Daddy Joeffrey asked his son in a very concerned way but all of us in the room know it was like he is mocking his son. Malungkot na tinitigan ni Tita Helen ang anak niya na nakasimangot at kunot na kunot ang noo habang masamang nakatitig sa akin. Tingan mo ‘tong lalaking ito. Dinaig pa ang nire-regla. “He is holding her on her private part! How can I be okay, Dad?” Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa kaartehan ng is

