Vanessa Haines is calling. Alam niyang hindi ako makaka-uwi sa unit ko kaya sigurado akong manga-ngamusta siya. Ang dating sigla at pagkasabik ko kapag tumatawag siya ay napalitan ng pagkalungkot. Bakit ba kasi kailangan pa itong mangyari? Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko nang kuhain ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang mukha naming dalawa. Siya ang nagrequest na ilagay ko iyon bilang contact profile niya. Napaka-gaganda ng aming mga ngiti rito. Hinayaan ko lamang ang mga luha kong walang patid sa pagtulo habang hinihintay na matapos ang tawag niya. I would just lie to him that I am downstairs and I left my phone here at my room. I know, he would buy that because I never lied to him. But now, I will. Lying is so awful. Ayaw na ayaw kong pinagsisinungalingan pero ngayon, ak

