Chapter 1
Lily's Pov.
Bigla na akong nakahinga ng malalim ng nakaalis na siya sa kusina.
“Bibig mo kasi Lily kung anu anong binabanggit mo ayon tuloy nabanggit mo pa ang gusto niyang almusal lagi." Sambit ko sa sarili.
Kumuha ako ulit ng itlog,kamatis, sibuyas at bell pepper. Tsaka pinaghugas ko ng mabuti ang dapat hugasan. Hiniwa ko ng maliliit na maninipis ang mga hihiwain. Nang natapos na ay ni crack ko ang itloy at nilagay sa bowl tsaka binatil. Pagkatapos nilagay ko ang mga hiniwa ko at nilagyan ng pampalasa sa itlog na binatil. Agad akong nagpainit ng mantika sa pan. Nang nainit na ay nilagyan ko ng kaunting mantika tsaka nilagay ang itlog na may hiniwa na kamatis,sibuyas at bell pepper ginawa kong omelette para kay Elias.
Naghanda na ako sa mesa ng mga pinggan at kubyertos sa mesa. Nagtimpla na din ako ng gatas para sa mga bata. Kumuha na din ako ng dalawang tasa saka nag timpla ng black coffee para sa dalawang magkapatid. Nang natapos na ay lumabas na ako para tawagin sila.
“Oh gising ka na pala Elias." Sabi ni Sebastian sa kanyang kapatid.
“Maaga pala kayo dito sa labas." Wika ni Elias sa kanyang kuya Sebastian.
“Maagang nagising ang dalawang kambal nag aya makipaglaro sa akin." Wika ni Sebastian
“Nakakatuwa mga anak mo kuya ang cute nila." Sambit ni Elias kay Sebastian
“Oo nga mamimiss ko sila pag bumalik ako sa Manila." Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid.
“ Ang hirap ng sitwasyon mo kuya lalo na maghihiwalay ka sa mga anak mo." Sabi din ni Elias kay Sebastian.
"Kaya nga Elias.” Sagot ni Sebastian
" Parang seryoso silang nag uusap ang dalawang magkapatid.” Sambit ko habang nakatingin sa kanila.
"Elias pwede ikaw na muna tumayong daddy nila habang wala ako? Alam ko hindi mo sila pababayaan Elias. Ituring mo din silang anak Elias.” Bilin ni Sebastian sa kanyang kapatid.
Napatingin si Elias sa kanyang kuya Sebastian.
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan kuya babalikan mo pa sila dito." Sagot niya sa kanyang kuya
“Totoo Elias kung anong mangyari sa akin ikaw na muna bahala sa kanila kay Hope at Faith." Bilin ni Sebastian kay Elias
“Sa ngayon kuya babantayan ko sila pero kailangan balikan mi sila dahil kailangan ka nila si Lily kailangan ka ni Lily kuya." Wika agad ni Elias sa kanya.
“Mommy!" Sigaw ng mga bata ng nakita nila ako agad.
Naputol ang pinag uusapan nila Elias at Sebastian ng nakita ako ng mga bata.
“Oh hon nandito ka pala." Wika ni Sebastian sa akin
"Tatawagin ko na sana kayo para mag almusal pero nakita ko kayo nag uusap kayo ng masinsinan magkapatid kaya hindi na muna ako lumapit sa inyo.” Wika ko sa kanila.
“Hope Faith magpahinga na maya maya mag breakfast na tayo." Sabi ni Sebastian sa mga bata.
“Yes po daddy." Sagot naman ng dalawang bata.
"Naka luto ka na pala hon?" Tanong ni Sebastian sa akin.
“Oo hon nakaluto na ako kaya halika na kayo para makapag almusal.” Sabi ko sa kanila.
“Hope Faith halika na kayo kakain na tayo.” Tawag ko sa kanila.
“Yes mommy.” Sabi ng dalawang bata sa akin.
Nagpunta na kami sa loob saka dumiritso sa loob ng bahay.
“Nakahanda ka na pala sa table.” Sambit ni Sebastian sa akin.
“Oh omelette alam mo din ang laging inuulam ni Elias mommy.” Wika ni Sebastian sa akin.
Biglang napatingin sa akin si Elias ng sinabi ni Sebastian sa akin.
“Ah nagtanong kasi ako kanina hon noong bumaba siya kung anong gusto niyang agahan.” Agad na sabi ko sa kanya.
“Let’s eat.” Aya ni Sebastian sa amin.
Inasikaso ko muna ang dalawang bata at pinakain na din sila.
“Hope Faith pagkatapos nyong mag breakfast mag take a bath na kayong dalawa.” Sabi ko sa kanila habang pinapakain ang dalawang bata.
“Kuya kailan ka babalik sa Manila?” Tanong ni Elias sa kanyang kuya Sebastian.
“Bukas kailangan ko ng bumalik Elias. May businesses meeting ako sa alas tres ng hapon kay Mr. Suarez kaya kailangan ko ng bumalik doon.” Sagot ni Sebastian kay Elias.
“Daddy aalis na po kayo bukas?” Tanong ni Faith sa kanyang daddy.
“Yes baby kailangan kaya magpakabait kayo dito kay mommy at tito Elias.” Sagot ni Sebastian kay Faith.
“Ang bilis mo na naman bumalik daddy.” Wika ni Hope sa kanyang daddy.
Biglang na lungkot ang dalawang bata ng narinig nila ang pinag uusapan ng kanyang daddy at tito Elias nila.
“Mga anak diba pinag usapan na natin ito kailangan kong bumalik para sa work ni daddy sa Manila. Sana maintindihan nyo naman ako.” Mahinahon na kinausap ang dalawang bata ni Sebastian.
Hindi umiimik ang dalawa habang nakayuko.
“Huwag kayong mag alala Hope Faith nandito naman ako makipag laro sa inyo.” Singit agad ni Elias sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Sebastian at Elias.
“Huwag na kayong malungkot tatawag naman si daddy sa inyo lagi. Kailangan lang bumalik ni daddy sa Manila para sa mga business ni daddy na naiwan.” Paliwanag ko sa kanila.
Tumingin sila sa akin at mukha naman nakikinig sa mga sinasabi ko.
“Opo mommy!” Sabay nilang sabi sa akin.
“Oh bilisan nyo na inumin itong milk nyo para maligo na kayo amoy asim na mga kili-kili nyo ng pawis.” Pangiting sabi ko sa kanila.
Biglang napatawa ang dalawang bata sa akin at nag hagikgikan.
Napatingin sila Sebastian at Elias sa aming tatlo.
Nang natapos ng kumain ang dalawang bata ay agad kong muna silang pinapunta sa sala para mag pahinga saka ko sila liliguin.
“Halika na hon kumain ka na din.” Sabi ni Sebastian sa akin.
Bumalik ako sa upuan saka kumain na din.
“Ito hon ulam mo.” Sabi ni Sebastian sabay bigay niya ng ulam sa plato ko.
“Thank you hon.” Wika ko sa kanya.
Napatingin si Elias sa amin dalawa ni Sebastian habang humihigop ng coffee nito.
“Elias pinauubaya ko muna sila sayo habang wala ako sa kanila. Ikaw na lang muna bahala sa kanila habang wala ako.” Bilin ni Sebastian kay Elias.
“Kuya nandito lang naman ako pero kailangan mo din bumalik para sa anak mo .” Sagot ni Elias sa kanyang kuya.
“Nagkita na ba kayo ni Liam kuya?” Tanong ni Elias kay Sebastian.
“Isang beses Elias pero nag iba siya parang tingin ko sa kanya mas lalong matapang ngayon. Kaya kailangan kong dalhin sila dito at ilayo baka ano pang gawin ni Liam.” Sagot ni Sebastian kay Elias.
“Nilamon na talaga siya ng kasamaan kuya ang akala ko nag bago na at pinagsisihan ang mga ginawa.” Wika ni Elias .
“Kitang kita ko sa mukha niya na ibang Liam ang kaharap ko. Nanlilisik ang mga mata na akala mo’y may binabalak na naman kaya dinala ko na mag iina ko.” Wika ni Sebastian kay Elias .
“Grabe resulta sa pag drudruga niya kaya nagkaganyan siya. Mga impluwensya ng mga kaibigan niya din parang ibang tao na siya simula gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.” Wika ni Elias
“Sana magbago na si Liam par kumpleto na tayong magkakapatid.” Wika ni Sebastian.
“Si mommy hindi na talaga bumalik sa atin nasa Japan na talaga siya nanirahan simula nag away away tayong tatlo.” Wika ni Elias
“Hayaan na lang natin si mommy kung saan siya masaya Elias.” Sagot naman ni Sebastian agad .
“Dami na talaga nagbago pati talaga si mommy parang wala na lang din tayo sa kanya.” Kwento ni Elias habang kumakain kami tatlo.
“Ganun talaga kailangan lang natin magpakatatag at i manage mga naiwan ni mommy na negosyo.” Wika ni Sebastian kay Elias.
“Ikaw kamusta mga business mo dito?” Tanong ni Sebastian sa kay Elias.
“Okay naman kuya yung mga properties ko dito pinapaupahan ko ang ibang bahay na nakuha ko dito.” Sagot ni Elias kay Sebastian. Tapos yung business ko okay naman ang papatakbo ko sa mga tauhan ko.” Sagot ni Elias kay Sebastian.
“Talagang nilaan mo na talaga sarili mo sa pagnenegosyo Elias. Nasaan na girlfriend mo ngayon? Hindi pa naman nakikita at nakikilala? Kailan wedding nyo?” Busising tanong ni Sebastian kay Elias.
“Ahmm..Wala siya ngayon nasa ibang bansa.” Agad na sagot ni Elias na nauutal sumagot.
Napatingin ako sa kanya agad ng sinabi ni Elias.
“Ganun ba dapat mag asawa ka na din para naman may kalaro kambal ko na. Wika ni Sebastian kay Elias.
“Soon kuya sa ngayon business muna isipin.” Sabi agad ni Elias sa kanyang kuya.
Nang natapos na ako kumain tumayo muna ako.
“Mauna muna ako papaliguan ko lang mga bata sagli saka maghugas ng kinainan natin.” Paalam ko sa kanilang dalawa.
“ Ako na bahala dito sanay na din ako sa gawaing bahay.” Sambit agad ni Elias sa amin.
“Alam mo na talagang lahat mag isa ka lang talaga dito walang katulong.” Wika ni Sebastian kay Elias.
“Kailangan talaga tumayo sa sariling mga paa kuya para matuto sa buhay.” Sagot naman ni Elias agad.
Nagtungo na ako agad sa mga bata para liguin na silang dalawa sa banyo sa kwarto.
“Hope Faith tara na maliligo na kayo.” Sabi ko agad sa kanila.
“Grabe amoy asim na kayong dalawa.” Pabiro kong sabi sa kanilang dalawa.
“Oo nga mommy ang baho ko na ng pawis ewww!” Sabi ni Hope agad.
“Ay si Hope mabaho!” Pang asar din ni Faith sa kanyang kambal.
“Pati naman ikaw amoy pawis ka na din mabaho ka na din!” Asar din ni Hope kay Faith.
Nag asaran na ang dalawang kambal.
“Pareha kayong mabaho kaya kailangan nyo ng maligo para mabango na kayong dalawa.” Wika ko sa kanila.
Umakyat na ang dalawa at nag habulan papuntang kwarto nila.
“Hope ako muna una maliligo!” Sigaw ni Faith sa kanyang kambal.
“Oh wag ng mag away makakaligo naman kayong dalawa Hope at Faith.” Wika ko sa kanila.
“ Hay naku napaka kulit nilang dalawa kala mo naman nag lalamangan sila eh pareho naman silang dalawa maliligo.” Sambit ko habang naka sunod sa kanila papunta sa kwarto.
Umiiyak si Faith dahil gusto mauna maligo habang si Hope nasa banyo na din.
“Oh wag ka ng umiyak sabay kayong maliligo na kaya doon sa loob ng banyo.” Wika ko kay Faith agad .
“Hope buksan mo pinto sabay kayo ni Faith maliligo.” Sambit ko sa pinto agad.
Binuksan ni Hope ang pinto saka pumasok na kaming dalawa ni Faith.
“Kayong dalawa wag kayong mag away pareho naman kayong importante.” Sabi ko sa kanila.
“Pareho mo kaming love mommy?” Tanong ni Hope sa akin.
“ Oo naman pareho ko kayong mahal dahil kambal kayong dalawa at walang lamangan.” Sabi ko sa kanilang dalawa.
“Ako love nyo ba si mommy?” Tanong ko sa kanila.
“Opo love ka namin mommy pati si daddy mahal na mahal namin kayo.” Sabi ko sa dalawang bata
Niyakap nila ako ng mahigpit saka sabay halik sa aking pisngi.
“Oh halika na kayo maligo na kayo ang aasim nyo na talaga.” Pangungulit ko sa kanila.
Napatawa ko ang dalawang kambal.
Nang natapos na silang naligo ay binalot ko sila sa tag iisang tuwalya nila.
“ Oh halika na kayo para punasan ko mga basang buhok niyo Hope at Faith.” Sambit ko agad sa kanila.
Pinunasan ko sila isa-isa at kumuha ako ng isusuot nilang pareha para hindi sila mag away sa damit.
“O ayan ang gaganda nyo ng dalawa manang mana kayo kay mommy.” Pangiting sabi ko sa kanilang dalawa.
“Mana talaga kami sayo mommy sa ganda po.” Wika ni Hope sa akin.
“Sus binobola nyo lang ako para mapangiti nyo ako.” Wika ko sa kanila.
“ Halika na kayo puntahan nyo na si daddy at yakapin ng mahigpit aalis na si daddy bukas ng maaga.” Sabi ko sa kanila.
“ Tara na Faith baba na tayo.” Aya ni Hope sa kanyang kambal.
“ Oo saglit lang Hope ayusin ko lang itong hair ko.” Wika ni Faith sa kanyang kambal .
“Bilisan mo na Faith ang bagal mo naman eh kaya naiiwan kita.” Wika naman ni Hope kay Faith.
“Oo na tayo na nga.” Sagot naman ni Faith kay Hope.
“Magdahan dahan kayo sa pagbaba.” Bilin ko sa kanila.
“ Yes mommy mag iingat po kaming dalawa.” Sagot ng dalawang kambal.
Naghawakan silang dalawa ng kamay saka lumabas ng kwarto para puntahan ang daddy nila.