So ayun nga, nanliligaw sa akin si Jasper. Halos parang panaginip lang ang mga nangyayari dahil hindi ako makapaniwala na ang isang straight ay nabihag sa beauty ko! Ako na ang mahaba ang buhok! Peace! Napaka-sweet niya sa akin, minsan nga'y nanggulo sa school para makapasok sa aming room at pinagsigawan niya na "Mahal kita, Sammy Baby!" nagtitili naman ang mga kaklase ko at ako naman, pasimpleng kilig lang. Ang malala pa, kadalasan ay nakikitulog pa siya sa aming apartment para raw mabantayan ako at hindi raw ako mapahamak. Daig ko pa ang buntis! Well, kung tatanungin niyo ako, natutunan ko na rin siyang mahalin dahil hindi nga naman mahirap mahalin si Jasper. Mabait siya, gentleman, a perfect epitome of a loyal ang brave knight. Pero yun nga lang, mas nangingibabaw pa rin ang f

