Lumipas ang maraming araw at sa wakas, ito na yung pinakahihintay namin, ito na rin yung araw kung saan magpapaalam na kaming mga magkakaklase sa bawat isa. Ito na yung GRADUATION na nangangahulugang isang kabanata ng aming buhay ang magwawakas at bagong pahina ng buhay ang aming haharapin. Overall, ako ang Top 4 sa mga fourth year at masaya na ako roon. Mabuti nga at nalagpasan namin ang lahat ng quizzes, homeworks, recitation, projects, at mga tests. Patapos na rin ang ceremony at magpapaalam na kami sa isa't-isa. Top 1 si Jane kaya naman bumisita si Kenneth sa aming graduation. Nagkayakap lang sila na parang walang bukas. Nakakaselos pero wala akong karapatan. Kinongratulate ko naman lahat ng mga classmates ko at bineso pa! Proud na proud sa akin sina mama at papa. Nakaka goodvi

