Nakauwi na rin ako ng bahay... Sa wakas naman at makakapagpahinga na rin ako. Tutulungan ko si Kenneth bukas at imi-meet niya si Jane. Hayyyy bagay na bagay silang dalawa. Maganda si Jane, pogi si Kenneth. Mabait silang pareho at perfect couple silang dalawa.
Aray, parang kumurot yung puso ko. Bakit naman?! Nahuhulog na ba ako kay Kenneth? Hindi yun maaari! Straight siya at may iba siyang gusto!
Friends lang kami nun at tomorrow, another love story will begin.
I am so excited but before that, kailangan ko munang magsulat sa diary ko. Well, not totally a diary. Pili lang yung mga araw. Depende kung nasa mood ako or masama yung loob ko or happy ako.
*KINABUKASAN SA PARK*
Napakabilis ng oras at kasama ko na iyong si Jane at malapit na kami sa park.
Natatanaw ko naman si Kenneth na matiyagang naghihintay doon sa isang mahabang upuan. Hindi ko alam tawag dun!
"Hey" sabi ko. Tumayo naman agad siya.
"Hello there!" Ngiting ngiti niyang sabi.
"Hello I am Kenneth Gomez and if I am not mistaken, you are Jane." Nakangisi niyang pagpapakilala.
"Oh yes, I am Jane Cortez. Nice to meet you." Sagot ni Jane.
"Guys, maiwan ko muna kayo diyan. Mag-usap kayo okay?! Ken, wag torpe!" Sabay akmang paalis na.
Well, masakit pero masaya na rin kasi may natulungan akong future perfect couple. Kakain lang ako ng siomai.
"Sam, ako na lang maghahatid kay Jane." Ika naman ni Kenneth.
"Ok sige. Ingat kayo." Sabi naman niya at tuluyan na akong umalis para sa moment nila.
Well, bumili ako ng 30 pesos siomai then s**o at umalis na ako. May assignment pa kasi ako sa Math.
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Yung tipong biglang parang kinukurot yung puso mo.
Ano ba ito! Hindi naman ako nagseselos! Magkaibigan lang kami ni Kenneth at hindi pwede itong feelings ko!
OMG! Help me! Ay basta! Gagawin ko na lang yung assignment ko! Kakalimutan ko itong nararamdaman ko para sa kanya, mahirap na at baka mahulog na naman. Ayoko nang maulit pa!
Ayaw ko nang masaktan, magpakatanga, umasa sa wala, maghintay kahit wala namang hihintayin, ayaw ko nang magmahal, natatakot na akong mahulog baka wala akong mabagsakan at sahig lang ang sasalo.
Tama na yung dati. Straight siya. Beki ako. Wala namang pag-asa. Walang paroroonan yung pagmamahal ko sa kanya. Walang maidudulot na magandang bagay ito.
Kaya puso, please wag kang tumibok para sa kanya. At utak, wag mo na siyang isipin.
But it's so hard!