Naglalakad lakad lang kami ni Tine para mag-picture ng mga laro kasi kasama ito sa yearbook namin at the end of our academic year.
Bukas na yung finals siguro sa basketball kasi naman ang haba haba ng process nito at di ko na maintindihan kalorka!
Papunta na niyan kami sa Gymnasium at later, magsisimula na yung semi finals ng St. Benilde Institute at kami, St. Francis HS.
Habang papunta sa bleachers, at kemalas-malas nga naman, natamaan ako ng pana ni kupido este ng bola! Oh my gosh! Bwisit naman kasi eh! Masakit yung pagkakatama sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig.
May bigla namang pumuntang naka-jersey sa akin at sabay sabing "Sorry po. Hindi ko sinasadya" sabay abot ng kamay niya sa akin.
Tinulungan niya akong tumayo at nakita ko ang napaka amo niyang pagmumukha. "It's all right." Tipid kong sabi. Omg! Ang gwapo niya! Laglag yung panty ko!
Joke lang po! :)
"Sorry talaga -----"
"Okay na yun" sabay ngiti ko sa kanya. Umalis agad siya at maya maya ay magsisimula na ang game.
Habang sila'y naglalaro, kapansin pansin naman yung nakatama sa akin mg bola, grabe lang kasi magaling siya, napakaliksi niyang maglaro at hot magdala ng bola! Crush ko na talaga siya!. Sana naman ay malaman ko ang namesung niya. Hihihi I'm so kilig!
Lumipas ang mga oras, natapos din ang semi finals ng game sa ISSC. Bukas malalaman ang magiging mha gold medalist.
Eto pala yung sa finals tomorrow:
Basketball : Don Aurelio Academy vs. St. Francis HS
Volleyball: Holy Cross Institute vs. Don Aurelio Academy
Sepak: Jose Viray Integrated School vs. Good Shepherd College Foundation.
So bale, 3rd sa BB ang St. Benilde Institute . sa VB, 3rd naman ang Good Shepherd College Foundation at sa Sepak, ang Holy Cross Institute.