(Sam's POV) "T-totoo p-po b-ba?" panay ang hikbi kong tanong sa ama ni Xion matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Pinakatitigan ko siyang mabuti kahit na hilam ng luha ang mga mata ko at iyak ako ng iyak pero tiningnan niya lang ako ng may halong pagaalala. Tumango lang din siya sa akin na ikinaiyak ko lalo, but he also hug me even tita Xyrene. "No, no, tell me I'm Sam, ako si Sam hindi ba? Nagbibiro lang si Xion, galit lang siya, hindi totoo ang sinasabi niya. Ako si Sam, hindi totoo yan!" hiyaw ko sa kanila but they just hug me so tight dahilan para hindi na ako makagalaw. Tanging pagiyak ko na lang ang naririnig ko at hindi na ako makapagsalita dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. "Sam? Listen, makinig ka sa akin okay? Whoever you are, ang importante, mahal ka namin

