(Xion's POV) Nakakahalata na talaga ako, sa isang linggong pagmamasid ko ay wala talaga akong napapansing pagbabago kila Shin at Gray. Nag-away ba sila? Napapansin ko rin kasi na laging wala si Gray at busy rin daw siya, si Shin naman ay palagi ring nasa school at busy rin. Hindi ko nga alam kung ako lang ba ang nakakahalata o nakakahalata na rin ang mga kasama ko, wala rin naman kasi silang nababanggit sa akin. "Shin?" I called her matapos kong pumasok sa office niya. Ngayon ko lang nararamdaman na malaya na akong nakakalabas-pasok dito sa office niya unlike noon na binubulyawan niya pa ako. "Why?" she immediately asks. Naupo lang din naman ako sa upuang nasa harapan ng table niya habang busy siya sa laptop niya. Seryosong-seryoso rin siya at tila ayaw niya ng kausap sa mga oras na i

