(Shinix's POV)
Pagka-alis ko sa bahay ni Xion ay sa bahay naman namin ako dumiretso. Gawain ko naman na ito kapag narito kami sa Japan at alam kong ganoon din ang mga kasama ko. The atmosphere here was still quiet and peaceful. I miss this house, palagi ko namang nami-miss ang bahay na ito lalo na ang pamilya kong kasama ko palagi dito noon.
Inikot ko na lang muna ang buong bahay namin habang busy ang mga maids at butlers namin sa pagaasikaso sa bahay. Sanay naman na sila na ganito ako, bigla-biglang susulpot at mamamasyal at hindi ko na rin sila hinahayaan na maabala pa.
Matapos kong masilip ang lahat ng bahagi ng mansion ay bumaba agad ako sa basement namin. Nasabi ko na ba na bukod sa pagiging assassin at gangster ay racer ako? That was the usual me, I mean ‘yong Shinix behind the assassin. Racer ako and I'm a car lover, I also have collections of so many cars.
I am a well known car racer here in Japan and that is where my family known also. Naka-pirma rin ako ng kontrata sa agency nila Sam dahil talent rin nila ako, I am a car model, endorser, enthusiast and racer at doon ako mas nakikila, kapag usapang sasakyan you can ask me anytime.
Bata pa lang ako ay hilig ko na ang racing at ang mga sasakyan, siguro dahil na rin sa nature ng business ng family namin, pareho kasi kami ng pamilya ko na mahilig sa mga sasakyan. Our business was a car industry also. Kami rin ni Xion ang madalas na magkausap kapag ang usapan ay tungkol sa sasakyan because she loves cars also.
"Na-miss mo yan ano?"
Napalingon agad ako sa kumausap sa akin saka ako napangiti ng makita kong ang mayordoma ang kumausap sa akin. Siya ang nagalaga sa amin mula kay Mom hanggang sa akin lalo na ng mamatay sila.
"Oo nga po e," I answered.
Noon pa man ito na ang bonding namin ni Dad, mga sasakyan. I'm a Daddy's girl obvious na naman siguro ‘yon ano? Pero love ko pa rin naman si Mom syempre.
"Kaylan mo ba balak manatili rito?" manang then ask.
Napatingin lang din naman ako sa kanya saka ako napangiti bago ako muling bumaling sa tinitingnan kong sasakyan. Malamang ay maguguluhan na naman ang iba naming maids at butlers kapag narinig na naman nila kaming naguusap. Palibhasa ay filipina rin siya kaya hindi na namin kaylangang magusap gamit ang ibang wika.
"Saka na ho siguro manang, siguro kapag maayos na ho iyong mga kaylangan kong ayusin," I answered.
Natahimik lang din naman siya saka siya buntunghininga bago umalis. Siguradong magaalala na naman siya sa akin, siya na lang din ang meron ako bukod sa goddesses. Siya ang nagaaruga sa akin kapag nandito kami sa Japan at naaalala ko pang palagi siyang umiiyak kapag kinakailangan na naming bumalik sa pilipinas.
Simula kasi ng mamatay ang mga magulang ko ay ayaw na ayaw ko ng umuuwi dito, masakit pa rin kasi sa akin na nawala sila sa akin ng ganoon kabilis at ganoon kaaga. I have to stand alone and do every thing that I should do dahil alam ko naman na maging ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanya ring problema.
Behind this strong Shinix was the weak Arkie who are still longing for her parents kahit na alam niyang malabo na silang bumalik. Malabo na niya silang makasama, hindi na sila muling mabubuhay pa kaya wala na siyang magagawa kung hindi ang maghiganti na lamang. I just sigh bago ko inayos ang sarili ko and I decided na bumisita na lang sa company nila Sam para malibang na rin ng kaunti. Kaysa naman magmukmok ako dito ay magsasaya na lang ako sa labas kasama ng iba pa.
(Nerix's POV)
Kagaya ng iba ay sa mansion din namin ang diretso ko, alam ko naman kasing sa kanya-kanyang bahay o trabaho ang punta ng iba pa. Hindi rin naman magkakalayo ang mga tirahan namin at sigurado ako mayamaya lang din ay magkikita-kita na naman kami. Napangiti na lang din ako pagpasok ko sa mansion namin pagdating ko, dahil sa kabila ng tahimik na mansion na nadatnan ko ay bumungad sa akin ang mga bagay na nagpapaalala sa akin ng tungkol sa pamilya ko.
Maraming bookshelves na punong-puno ng libro ang agad na sumalubong sa akin pagdating ko sa sala at ang style ng mansion ay parang library rin. Ewan ko ba naman sa parents ko, siguro library talaga ‘to na ginawa lang bahay. Pagpasok mo kasi ay puro bookshelves ang halos lahat ng pader ng mansion. Although iyong third floor talaga ang pinaglalagyan ng napakaraming libro namin, isa iyong malaking kwarto na puro libro.
Dahil doon kaya simula pagkabata I live with so many books, that's our family bonding too. Doon din kilala ang pamilya namin at kaya nga ako natutuwa kay Vanes kasi bibliophile rin sila ng family niya. Author pa ang mga parents nya at binabasa ko rin ang lahat ng librong sinusulat nila.
Dahil naman sa pagka-adik sa libro at pagsusulat ay publishing house ang business ng family namin, kinarir na talaga ng pamilya namin ang ganitong business. But, hindi lang naman iyon ang business namin but that is the main business we have. Nabanggit ko na rin bang nagsusulat din ako ng mga libro? I am also a blogger. Kahit anong related sa profession ko at sa hilig ko ay pinagaaralan at pinapasok ko because I love it.
Naupo na lang din ako sa couch saka ako muling tumanaw sa mga book shelves namin, this is what I really miss about my family. I miss them so much, I'm still wishing na sana nandito pa rin sila. Sana ay may bonggang-bonggang supporter ako, may bibili ng maraming libro, may magbabasa kasama ko.
"Nandito ka pala?"
Agad akong napalingon sa hagdan ng marinig kong may magsalita doon saka ko nakita ang pinsan ko.
"Oo Ate, kararating ko lang noong nakaraang araw kasama ang mga kaibigan ko," I answered.
Agad din naman siyang lumapit sa akin saka niya ako niyakap. She's Eriel Zoldyck, pinsan ko siya sa ama at pareho na kaming ulilang lubos. At ngayon ay siya na ang namamahala sa company namin dito. Siya rin ang nagaalaga sa akin noon dahil mas matanda naman siya sa akin. Naka-destino lang din siya dito sa Japan at kilala naman niya sina Dane.
"Gusto mo bang dumalaw sa company? Huwag ka ng malungkot, okay? Lumabas na lang tayo,” ate Eriel said to me.
Natawa na lang ako saka ako napabuntunghininga bago ako tumayo kasama niya.
"Tara na nga," agad kong sagot sa kanya.
Natawa na lang din siya sa akin saka kami agad na lumakad. Siguro kung wala si ate Eriel baka nabaliw na ako noon. Baka katulad ni Shinix at ng iba pa ay mahirapan ako dahil wala akong kasama. Hindi rin naman lihim kay Ate ang lahat ng nangyayari, nasa bloodline na rin naman namin ang pagiging assassin. Ang pamilya naming goddesses ay mga assassin na kabilang sa clan ng mga Kagami and our parents was friends since then.
(Gail's POV)
Sa bahay na lang din ang tuloy ko gaya ng iba pa, at gaya ni Shinix ay mag-isa lang din ako dito unlike sa iba na kahit paano ay may kamag-anak pa. Maids na lang din ang mga kasama ko dito sa mansion, and just like the others may mga trusted na tao lang din kaming pinagagalaw para sa ibang bagay like managing our businesses habang wala kami.
Pagpasok ko sa mansion ay sinalubong lang din naman ako ng mga maids and butlers namin pero hindi na ako nagtagal sa baba. Umakyat agad ako sa ikalawang palapag ng mansion at una akong pumasok sa kwarto ni Kuya.
Nabanggit ko na ba na may kuya ako? May kapatid ako na sobrang mahal na mahal ko at namimiss ko na. Sobrang close kami ni Kuya, sobra kasi niyang bait, maalaga at lahat-lahat na ng magagandang katangian ay nasa kanya na. He died with our parents, doon sa Mc'bells mansion.
Ang swerte ko kaya sa kanya, hindi na ako humihiling pa ng kahit anong bagay noon dahil sa kanya, pero sa isang iglap ay nagbago bigla ang lahat. Isinuot ko na lang ang cap niya na nakasabit sa sabitan nito matapos kong madako sa mga cap collections niya. Sa sobrang close namin ay ang tagal rin bago ko natanggap na wala na siya, close naman ako kila Mom and Dad pero ewan maka-Kuya ako.
Siguro ay dahil na rin sa mas madalas siyang nandyan para sa akin kaysa kila Mom. Hotels kasi ang family business namin, madalas ding wala sila Mom and Dad dahil hands on sila sa business namin na may ibat-iba naring branches sa ibat-ibang bansa.
Napabuntunghininga na lang din ako kaagad dahil ayoko ng umiyak pa sa ngayon. Hindi dapat ako umiyak, nandito ako para mag-unwind. Nilapitan ko na lang din ang mga collection ni Kuya ng surf boards. My brother was a surfer like me, bonding na namin ‘yon kahit noon pa man.
He also plays skate boards at iba pa, magkasama rin kami palaging nanonood ng competition o kaya naman ay sumasali. Sports enthusiast din si Kuya, at mahilig din siya sa anime at manga na katulad ko. Kaya boyish din ako ay dahil na-adopt ko na ang mga kilos ni Kuya, ikaw ba naman ang lumaki na halos siya lang ang kasama.
Dati sabi ko I cant live without him, pero ngayon I am living because of him. Gusto ko kasi na maging proud siya sa akin. Ano ba naman yan namimiss ko na naman tuloy siya. I sigh again saka ako lumabas doon, dumiretso na lang din ako sa kwarto ko at saka ko dinampot ang surf board ko at nagpalit ng damit, its playtime.
(Erin's POV)
This time I'm alone, bagay na ngayon ko na lang yata nagawa simula noon. Hindi na tuloy ako sanay na wala ‘yong siyam sa tabi ko. Sila na lang kasi talaga ang meron ako, after my family and relatives died. Kagagaling ko lang din sa bahay kanina, hindi na ako nagtagal doon dahil hindi ko rin naman kaya, so I just decided na magpunta na lang sa isang resort namin.
This is our family business, resorts. We have resorts in and outside the country at sa ibat-ibang bansa. My family loves beach kaya madalas ay beach resorts ang meron kami. Minsan nga ay nagbabakasyon din kami ng goddesses sa mga beach resorts namin.
Iwinaglit ko na lang sa isipan ko ang anumang kalungkutan na nararamdaman ko at inilabas ko na lang din agad ang camera ko habang nasa may dalampasigan ako, the sun is setting already. The most beautiful view for me is sunrise and sunsets, kahit nasaang lugar ako ay hindi ko nakakalimutang kunan ng larawan ang bawat sunrise at sunsets na natatanaw ko.
Nabanggit ko na ba ang tungkol sa hilig at talent ko? Hilig kong gumuhit at kumuha ng larawan, photographer ako and at the same time ay painter. Minsan nga ay ako ang kinukuhang photographer ni Dane, pine-paint ko rin siya minsan suki ko ‘yon e. Para sa akin taking a picture and painting was an art of saying those things you cant say directly, this was my passion na iilan lang ang nakakaalam.
Noon ang madalas kong kuhanan ng litrato ay sunrise, pero ngayon ay sunset na. Hanggang ngayon kasi ay nagbabakasali pa rin ako na baka bukas paggising ko ay buhay pa naman talaga sila. Malamang lahat kami ay ganoon. Alam kong hindi lang ako ang umaasa, sunsets for me represents a new beginning, panibagong simula mula sa pagkakalugmok sa mga bagay na hindi mo pa rin lubusang natatanggap.
I love sunsets because I knew whatever it takes, kaylangan ko pa ring tanggapin ang katotohanan na wala na sila. I should be happy right? Sunset is also a reminder that every ends has it own beauty na hindi lang natin nakikita dahil nabubulag tayo ng sakit at pighati.
I smile at kumuha na lang ulit ako ng mga litrato gaya noon, I knew changes should start with me. Unti-unti na naming naaayos ang lahat, siguro naman ay dapat na akong humakbang papunta sa step ng pagmo-move on na noon ko pa naman talaga dapat na ginawa.