TOUNGE-INA. Isang malutong na mura kaagad ang nabanggit ko nang maramdaman ang sakit at hapdi ng puson ko. Ibinaluktot ko ang katawan at niyakap ang dalawang binti para maibsan ang sakit na nararamdaman.
Napairap na lamang ako nang sa paggalaw ko ay nakita ko ang pulang mantsa na nagkalat sa kumot ko. Bwisit naman oh! Bakit ngayon pa ako nagkameron.
Muli kong ipinikit ang mata dahil tinatamad akong bumangon. Hindi muna ako papasok ngayon dahil mukhang hindi ko talaga kakayanin.
"Yara, bakit hindi ka pa— " hindi agad natapos ni Vin ang sasabihin ng makita ang kama ko at agad iyon napalitan ng mura. "The f**k?! Yara!"
Lumapit siya sa akin at chineck ang mukha aat leeg ko. "What happened to you baby Yara? W-where did this blood stain came from? Let's go to hospital." natataranta niyang sabi at mas dumagdag siya sa init ng ulo ko.
Ang sakit na nga ng puson ko, dumagdag pa ang pagkasiraulo nitong si Vin. Dahil sa inis ay hinampas ko siya sa ulo at agad siya napadaing.
"Ang OA mo. May mens lang ako hindi mo ako kailangan dalhin sa hospital. Hindi ako mamamatay." sigaw ko sa kanya at napakamot siya sa ulo.
"How can I help you?"
"Hanapan mo ako ng napkin at tampon dyan sa mga gamit ko pati na rin panty." agad naman siyang pumunta sa cabinet ko at hinanap ang inuutos ko.
Pinanood ko lang siya sa kung paano siya mataranta sa kahahanap ng inuutos ko. Akala mo naman ay may sakit ako at mauubusan ng dugo.
Ang Tounge-A ni Vin.
"Here." aniya sabay pakita ng panty ko at napkin na nahanap niya.
Kinuha ko iyon at pinilit na bumangon pero hindi ko talaga kaya. "Buhatin mo ako." sigaw ko sa kanya.
Inalis ko ang kumot na tumataklob sa katawan ko at nabigla siyang nakahubad ako. " You're such a tease." bulong niya.
Hindi nga pala niya alam na s*x addict ako at nakasanayan ko ng matulog na nakahubad. Sabagay paano nga naman niya yun malalaman eh wala naman siyang pakialam sa akin.
"WAG NANG PURO DALDAL, BUHATIN MO NA AKO." may diin kong sabi.
"ANG SAKIT NG PIPI KO." sabi ko pa ng makarating kaming bathroom.
Tinulingan niya akong linisin ang katawan ko at alisin ang dugong natuyo sa parteng pwet ko. Hindi kasi ako masyadong makatayo ng maayos kaya ayon.
Siya rin ang pinagdikit ko ng napkin sa panty ko habang nakaupo ako sa bowl. Nang tuluyang madikit iyon ay pati sa pagsuot ay tinulungan niya ako.
Buti na lamang ay wala siyang reklamo sa mga inuutos ko. Muli niya akong binuhat pero laking gulat ko ng lumabas kami sa kwarto ko at dumiretso kami sa kwarto niya at doon ako pinahiga.
Nagtataka man at gusto ko man siyang tanungin kung bakit dito niya ako sa kwarto dinala pero itinikom ko na lang ang bibig dahil minsan lang maging mabait si Vin. Baka kapag tinanong ko pa ay limabas muli ang sungay niya.
Kinumutan niya ako at sandali siyang umalis. Pagbalik niya ay may dala na siyang pares ng damit ko at tinulungan niya akong magsuot ng damit.
"Sana palagi ka na lang mabait." biglang nadulas ang bibig ko.
"Shut up." masungit niyang sabi. Nagiga akong muli ay inayos niya ang pagkakakumot sa akin. "Rest." maikli niyang sabi at tumango na lang ako.
...
"Doc. Fuentego, kamusta siya?" naamlimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Vin.
"Ok lang siya Vin. Sadyang nasobrahan ka lang siguro sa rugby." rinig kong sagot ni Doc. Fuentego pero nanatili lang akong nakapikit.
"Doctor ka ba talaga? At tsaka hindi ako nakasingkot ng rugby." naiinis na sabi ni Vin at narinig ko naman ako pagtawa ni Doc at natawa naman ako.
"I caught you." seryosong sabi ni Vin at pinaningkit ko ang mata para alamin kung ako ba ang kausap niya. "I saw you laughing Yara. Stop pretending that you are sleeping." buling niya sa tainga ko at naramdaman ko ang hininga niya.
Pero bilang palusot ay inunat ko ang dalawang kamay ko dahilan para mahanpas siya at malaglag sa kama. "Good Day Philippines, nagising na ang pinakamagandang babae sa mundo." sigaw ko at iminulat ang mata.
"Mukha kayong sira uling dalawa." rinig kong bulong ni Doc. Fuentego. Tama nga si Vin kanina, na sa paraan ng pananalita nito ay hindi mo aakalain na Doctor siya.
"Alamin mo na lang kung saan siya nagke-crave." habilin pa ni Doc. Fuentego at tinapik si Vin sa balikat. Matapos nun ay umalis na rin ito.
Nang makaalis si Doc. Fuentego ay ininterview ko si Vin tungkol dun sa Doctor. Kung magkaibigan ba sila? Paano sila nagkakilala? at marami pang iba.
"May gusto ka ba sa Doctor na pangit na yun, mas gwapo pa nga ako dun." naiinis na sabi ni Vin. Marahil ay naiinis na siya dahil ang dami kong tanong.
"Shut up Vin." sigaw ko at inirapan ako ng hamag. "Ang sakit ng puson ko." pagaarte ko sabay hawak sa puson at patakbo siyang lumapit. "Gusto ko pizza, chocolate, milktea tapos strawberry." sabi ko.
"Sige, bibilhan kita." agad niyang sagot at kinuha ang wallet.
"Fries at shawarma pa pala." pahabol ko at timango lang siya at nagmamadaling umalis.
Ang bait talaga ngayon ni Vin. Parang ang sarap niyang tirisin hehehe. Hindi naman talaga ako nagke-crave sa mga pagkain na binganggit ko. Sadyang trip ko lang yun at sinusubukan siya.
Lumipas ang ilang minuto ay humupa ang sakit ng puson ko, siguro dahil na rin sa gamot na pinainom sa akin kanina. Kinuha ko ang laptop ko para manood ng netflix habang hinihintay si Vin.
"Red Flag Alert!" sambit ko habang nanonood ng k-drama na Nevertheless.
Sandali akong natigilan sa panonood nang marinig ang katok sa pintuan at mayamaya ay bumukas ito. Bumungad sa akin si Vin na mukhang pagod at bitbit ang napakaraming paper bags.
Inilapag ni Vin ang mga paper bags na dala niya sa may bakanteng table na malapit lang din dito sa kama at lumabas ng kwarto nang hindi man lang nagsalita. Isinarado ko ang laptop at itinabi iyon. Matapos nun ay tiningnan ko isa-isa ang mga lamang ng paper bags.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil lahat ng binanggit ko ay binili pala talaga ni Vin. Napaanagt ako ng tinigin nang muling bumakas ang pintuan at may bitbit na plato at utensils.
"Ok ka na ba?" may pagaalala sa boses ni Vin at tumango ako. Tinulungan ko siya na ilagay ang mga pagkain sa plato at kung minsan ay bumabawas ako.
"Eat."
Agad kong nilantakan ang nga pagkain sa harap ko dahil nagutom ako. Ang tagal rin kasi ni Vin bago nakabalik. Nangangalahati na ako sa mga pagkain na nasa harap ko nang maalala ko si Vin.
Natigilan ako at nakanganga nang mapatingin kay Vin na nasa harapan ko. Na pinapanood pala ako kanina pa. "Gowstor mowr?" tanong ko habang puno ng pagkain ang bibig ko.
"Ang pangit mo." imbes na sagutin ni Vin ang tanong ko ay inasar pa ako.
Dumikit kaagad ang kilay ko at inirapan siya pero sandali pa ay bigkang may nagflash sa mukha ko at narinig ko ang isang click mula sa cellphone niya. Huli na ng matakpan ko ang mukha dahil nakuhaan na niya agad ako ng litrato at tunatawa siya nang tingnan ito.
Nakita ko ang cake sa isang tabi at wala pa iyong bawas. Dumakot ako gamit ang kamay ko at ibinato sa mukha ni Vin dahilan para matawa ako. Saktong sakto kasi ang icing ng cake sa mukha niya at nakakatawa talaga a g histura niya.
"Baby Yara." tawag ni Vin sa akin at paglingon ko ay tumana sa akin ang icing ng cake na binato niya sa akin.
Halos isang oras kaming nagbatuhan, naghabulan at naggantihan sa pagtapon ng icing ng cake. Tumigil na lamang kami nang mapagtantonh wala ng icing. Matapos nun ay parehas kaming pumasok sa bathroom niya at nilinis ang mukha na nanglalagkit na sa icing.
"Vin." saway ko sa kanya sa tuwing pinuputok ang bulang hinihipan ko.
"Its so childish." aniya pa at umirap ako. "By the way, nakausap ko yung kaibigan mo. Ang sabi niya ay nagquiz at test kayo sa dalawang subject.
"Sinong kaibigan?" tanong ko.
"Si Julia, yung Lia." sagot niya pa na ikinabigla ko.
Napatigil ako sa pagpunas ng mukha at tiningnan siya. Nakita ko siyang nakangiti habang naglilinis pa rin ng mukha.
Pero natigilan ako sa sunod sa sinabi niya.
"I like her." nakangiting sabi ni Vin at lumabas na ng bathroom habang ako naman ay naiwang nakanganga habang nagpaulit ulit sa utak ko ang huli niyang sinabi.
I like her. Like niya mukha niya.