Nang makarating sa condo unit ay agad akong dumiretso sa kwarto at nakasunod pa rin si Vin sa akin. Nagsimula akong maghubad at walang pakialam sa kanya kung makita man niya ang katawan ko.
Nahiga ako sa kama at itinaklob ang kumot sa katawan. Kinuha ko ang cellphone at ipinunta iyon sa social media apps. Habang nagi-scroll ay nakita kong naglakad papunta si Vin sa kabilang parte ng kama at naupo doon.
Tumalikod ako sa kanya at pinagpatulo ang pagi-scoll.
"Yara, I'm sorry. Promise hindi na ako gagawa o magsasalita ng ikakasakit mo." sabi niya. Imbes na pakinggan at maawa sa kanya ay pinabayaan ko lang siya.
Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan dahil hindi na siya nagsalita pa habang ako naman ay tutok lang sa cellphone. Nang maka-receive ako ng text kay Paul ay bumangon na ako at dumiretso sa CR.
Mula pagpasok ko sa CR, pagligo at pagbihis ay nakasunod lang si Vin sa akin at pinapanood ako. Kung kahapon ay para siyang tigre ngayon naman ay parang pusa na sobrang amo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Vin nang mapansing naka ayusan ko na damit.
Inirapan ko siya. "Wala ka na dun." sabi ko sabay lagay ng pulang lipstick.
"Sasama ako." sabi niya at nagmamadaling lumabas ng ko. Sama niya mukha niya.
Paglabas ko ng kwarto ay nakaayusan na rin si Vin kahit walang aprubdo ko ang sinabi niyang sasama siya. "Hindi ka pwedeng sumama sa akin dahil dinner date namin iyon ni Paul." nahahagas kong aabi.
Napayuko si Vin sa sinabi ko at base sa ekspresyon ng mukha niya ay nasaktan siya. Siguro ay hindi siya sanay na ni-rereject ng kahit sino.
Tumalikod si Vin at naglakad papuntang sofa at naupo doon. Oh my boobsicles! Ako pa talaga ang nakonsensya ngayon sa nangyayari. Dapat naiinis at naggagalit ako pero heto at mukhang may balak pa akong makipagbati sa kanya.
Tumabi ako sa kanya at kinalabit siya. "Tatanungin ko si Paul kung pwede kang isama." sabi ko at nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.
Kinuha ko ang cellphone at itinext si Paul na kung pwedeng may isama ako sa dinner date namin. Ilang sandali pa ay nagreply si Paul at sinabing okay lang.
"Pumayag si Paul." sabi ko kay Vin at umangat siya ng tingin na siyang dahilan para magtama ang mga mata namin.
"I'm sorry Yara sa naggawa ko and I promise na hindi na kita sasaktan." sabi ni Vin.
"Wag kang mangako gawin mo tounge-a." mataray kong sabi. Inayos ko ang boobs ko at nakita ko ang pagtingin niya doon. "Ihampas sa iyo itong boobsicles ko eh."
...
Parang batang kapatid ko si Vin ngayon dahil bawat sinasabi ko ay sinusunod niya. Nandito na kami ngayon sa lobby at hinihintay na lang si Paul.
Noong una ay nagsuggest si Vin sa akin na wag na hindi na kami kailangan sunduin ni Paul at siya na lang daw magdadrive pero hindi ako pumayag dahil hindi naman niya ito dinner date. Saling pusa lang siya.
"You're so Gorgeous baby girl." bungad sa akin ni Paul. Hinalikan niya ako at tinugon ko naman ito. Ilang sandlai pa ay naramdaman ko ang pagpisil niya sa boobsicles ko.
"Ehem!" tikhim ni Vin sa likran namin at tsaka lang kami naglayo ni Paul sa isa't isa.
Nagtatakang tumingin sa akin si Paul at nagtatanong ang mga mata niya sa akin kung paano nakilala si Vin. "I'll explain it later." bulong ko.
Habang hinihintay ang order namin tahimik lang si Vin sa tabi habang kami ni Paul ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan.
"Thank you for this Paul." sabi ko.
Sa pangmayaman na restaurant niya kasi ako ay estse kami dinala. May kaya naman kami para makapasok sa mga mamahalin na restaurant pero itong restaurant na kinaroroonan namin ngayon ay sa tingin ko ay triple ang mahal.
Tubig pa nga lang ay mabubulunan ka na sa presyo. Gold ba yung tubig at ganun na lang siya kamahal. Sa totoo nga lang ay hindi ko alam kung paano kong naggawang umorder gayung kanina ay nakakalula at nakaktakot tingnan ang mga presyo.
Nang dumating na ang pagkain namin ay tahimik pa rin si Vin pero ngayon ko lang napansin ang kakaibang tingin niya kay Paul. Para niyang susuntukin si Paul nang wala sa oras.
Inapakan ko ang paa ni Vin at naputol ang masamang pagtingin niya kay Paul.
"Ouch!" daing niya at binulungan ko siya wag tingnan ng masama si Paul.
"Ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Paul sa kanya.
"Ok lang siya." ako na sumagot para kay Vin dahil baka kung ano pang isagot niya.
Nagpatuloy kami sa pagkakain matapos ang nangyari.
"Alam mo Paul, ang pagmamahal ko sa'yo parang water." sabi ko at nagtatakang tumingin siya sa akin at ganun din si Vin.
"Bakit?" tanong ni Paul.
"Kais it's TOO-BIG." sagot ko at kasabay ng pagngiti namin pareho ni Paul ay ang malakas na pagkalabog ng utensils ni Vin.
"Vin, what ate you doing? You're making a scene!" naiinis kong bulong sa kanya dahil napatingin sa amin ang ilang kumakain at maging ang mga waiter.
"You're making me jealous." kalmado niyang sabi pero alam ko na galit siya base sa ekspresyon ng mukha niya.
"Of course not." sagot ko sa kanya. "Bakit ko naman kita paseselosin? At bakit ka magseselos?" tanong ko pero wala siyang naisagot.
Nagkatinginan kami ni Paul at napakibit balikat na lang sa sinabi ni Vin. Minsan talaga ay may sapak siya. Sa susunod nga ay pauusukan ko siya.
Tahimik namin na tinapos ang pagkain. Maging sa loob ng sasakyan ay walang nagsasalita dahil alam kong pare-parehas kaming nakikiramdam sa isa't isa.
"Salamat Paul." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Your welcome, baby girl." sagot niya.
"Ingat ka sa pagdrive. Goodnight."
"Goodnight din Yara." sabi niya pa at sumakay na sa sasakyan. Inihatid ko muna ng tingin si Paul bago tuluyang pumasok sa building at naroon si Vin na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
Pagpasok namin sa loob ng elevator ay nagtaasan ang balahibo ko ng hinapit ako ni Vin papalapit sa kanya. Damang dama ko ang kanyang kanay sa beywang na siyang nagbibigay ng kakaibang kuryente sa katawan ko.
"You're mine Yara." may diin niyang sabi at umirap ako. "I know you are mad to me but you don't need to make me jealous."
"I'm sorry to say this to you Vin. I'M NOT YOURS."
Sa huli ay napairap na lang ako ng tinginan si Vin dahil mukhang nakasinghot ata siya ng rugby. Pinaggangpilit kasi na pinapaselos ko siya kahit hindi naman.
Ano kayang pumasok sa kokote niya na pinapaselos ko siya? At isa pa ay walang nagmamay ari sa akin kundi ang sarili ko lang.