Tinapos ni Vin ang thesis na ikinabigla ko. Kahapon ginanap ang oral defense at kahit papaano ay nakasurive naman yung group namin. Sa ngayon ay chill lang muna dahil matagal pa naman ang exam.
Pag oras ng aral, mag-aral. Pag oras ng landi, lumandi.
Oras ngayon landi kaya makikipaglandian muna ako kay Vin.
Kanina ay mag-isa lang ako dito sa kwarto ngayon ay kasama ko na si Vin na ngayon ay hawak ang gitara at nakasandal sa headboard ng kama. Habang ako naman ay nakadapa at pinapanood siya.
Napangiti naman ako nang nagsimula na siyang kumanta.
You're the reason there's no whiskey anywhere inside this house
You're the reason all my friends know I don't go downtown
Napakagat ako sa labi dahil mas lalong gumagwapi si Vin sa paningin ko. Apaka talented talaga niya. Magaling na nga sa kama, magaling pang maggitara at kumanta.
You're the reason I hate champagne, never used to turn it down
You're the only thing I want when one drop hits my mouth
Natuliro naman ako nang bigla akong tingnan ni Vin. Tiningnan ko na lang din siya dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay mabilis ang t***k ng puso ko.
But baby, you're the reason
I quit drinking
"Did you like it?" tanong ni Vin matapos niyang kumanta at itinabi ang gitara sa gilid ng kama.
"Yeah, sobrang ganda. Sino ang original?" tanong ko at ngumisi siya sabay tawa.
"I wrote it, it's my comeback song that will be released tomorrow."
Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Hindi ko akalain na ipaparinig niya sa akin ang comeback song niya. Hindi ako fan ni Vin pero sa tuwing nagpapakanta ako sa kanya ay parang gusto ko ng maging fan at manood sa mga concert niya o kung ano man.
"Come here." aniya at sinenyasan ako na lumapit sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong niyakap. Nakapatong ako sa ibabaw niga habang magkayakap kami.
"Let's cuddle."
"Okay." iyon lang ang naging sagot ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Sobrang bango ni Vin at parang gusto ko na lang siyang amuyin buong maghapon at magdamag. Ramdam ko naman ang bawat paghagod niya sa buhok ko at hindi rin nakalagpas ang paghalik niya sa akin.
"Baby Yara, baby Yara..." pakantang bigkas ni Vin.
Please! Wag naman ganito! Nahihirapan na akong pigilan yung damdamin ko. Natatakot ako pati na rin yung boobsicles ko.
"Can you be my date?" biglang tanong ni Vin na ikinalaki ng mata ko.
"Saan? Bakit?"
"Sa Awarding Ceremony."
"Bakit ako?"
"Bakit hindi." sagot ni Vin sabay taas ng isang kilay.
"Bakit nga ako?" mataray kong tanong.
"I just want you to be my date, Yara. Thats it." pinal niyang sabi at inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Ok" sagot ko at pinipigilan ang kilig kahit palakas ng palakas na ang tambol ng puso ko.
Tinanong ko siya kung kailan at saan gaganapin para malaman ko kung may importanteng gagawin sa school. Sinabi rin niya na wag daw akong magalala dahil siya raw ang bahala sa susuotin ko.
Kalamahan ko lang daw dahil wala naman daw akong dapat ikakaba. Napansin niya at na kinakabahan ako dahil ang dami kong tanong.
Sino ba kasing hindi kakabahan kapag isang sikat na katulad ni Vin ang nagaya na maging date sa isang event na for sure maraming media.
...
"You're so beautiful Yara." iyon ang unang lumabas sa labi ni Vin nang makita ako.
Suot ang kulay gold na gown na hapit na hapit sa katawan ko kung kaya kitang kita ang kurba ng katawan ko. Mataas rin ang slit niyo kaya kita ang mahaba at makinis kong legs, isama pa natin ang pa-clevage ko.
Ako mismo ang nagpili nitong gown na suot ko ngayon. May pinakita kasing mga design sa akin si Vin at doon ako namili at heto na siyax suot na ng pinakamaganda.
Nahiya naman akong ngumiti habang ang make up artist ni Vin ay napapalakpak na lang at todo asikaso sa akin.
"Girlfriend mo Vin?" tanong ng make up artist na si Trisha, isang transwoman.
Agad naman akong napatalikod sa kanilang dalawa dahil natatakot akong makita ang reaksyon ni Vin.
"No, she's not. She's just my date." rinig kong sagot ni Vin sa kalmadong tono.
Sa sagot niyang iyon ay biglang parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko. Bigla akong ginising at binalik sa katotohanan na no strings attached nga pala.
Ang tanga ko talaga para bigyan ng kahulugan ang bawat kilos ni Vin. Sobra akong umasa na baka meeong something sa aming dalawa pero ako lang pala.
Sa hindi inaasahan ay agad akong tumingala para hindi tumulo ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko.
"Anong tinitingnan mo dyan, girl?" tanong ni Trisha at tumingala rin para tingnan ang tinitingnan ko.
"Kalmahan mo. One, Two, Three." bulong ko sa sarili.
Matapos nun ay umayos na ako. "Wala, akala ko may butiki." palusot ko sa kanya sabay ngiti.
Sa hindi inaasahan ay nagtama ang tingin namin ni Vin pero agad akong umiwas at naupo. Magfa-finalized na daw kasi ng make up si Trisha.
Nang masigurong ayos na ang make up at damit ko ay kinuha ko na ang maskara na susuotin ko. Ako mismo ang nagrequest nun kay Vin sa magsusuot dahil ayokong maging tampulan ng bash at hate sa social media ng mga fans niya.
Mabuti na itong nagiingat at wala akong gulong pinapasukan dahil mahirap na.
"Are you ready?" tanong ni Vin at plastik akong ngumiti at tumango.
Inilahad niya ang kamay niya at braso para doon sana ko kumapit pero hindi ko iyon tinaggap at nagsimula nang maglakad. Mabilis ang lakad ko at mas nauuna sa kanya dahil wala ako sa mood.
Nang makarating sa baba ay hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng driver o ni Vin ng pintuan ng sasakyan. Ako na mismo ang nagbukas nun at pumasok agad.
"Is there a problem?" tanong ni Vin habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.
"Wala noh." sarkasmo kong sagot at inirapan siya.
Naramdaman ko ang pagkuha niya sa kamay ko pero agad ko iyong binawi at hinila.
"Yara!" may riin niyang tawag at alam kong galit na siya pero wala akong pakialam. Wala rin naman siyang pakialam sa feelings ko.
Wala nang naggawa si Vin nang hindi ako lumingon at sumagot sa kanya dahil dumating na kami sa destinasykn namin.
Unang bumukas ang pintuan niya at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tulad kanina ay inilahad niya ang kamay at braso niya pero hindi ko iyon tinggap.
Napasinghap naman ako ng biglang pumulupot ang braso niya sa beywang ko at mas inilapit ako sa kanya. "I'm sorry if I did something. Please, Yara." malambing niyang bulong.
Bumuntong hininga ako at pilit kong isasantabi ang galit ko sa kanya.
Pagtapak namin sa red carpet ay halos mabulag ako sa dami ng flash ng camera ang sumalubong sa amin. Wala akong ibang makita kundi ang flash.
Sa kabila nun ay ngumiti ako at naglakad na kami ni Vin. Bago makapasok sa main entrance ng hall ay may media na nagiinterview sa bawat celebrity.
"Our one and only Vincent Lopez. How are you tonight?" tanong ng babae kay Vin.
"I'm excited." maikling sgaot ni Vin at tumingin sa akin kaya naman biglang napunta sa akin ang spot ng camera at maging atensyon ng mga taong naririto.
"So who's your lovely date here?"
Kumalma ako sa naging tanong ng babae. Inasahan ko na ito na itataning nila kung sino ang date ni Vin pero nagpagusapan din namin na hindi niya babanggitin ang pangalan ko.
Imbes na sagutin ni Vin ang tanong ay ngumiti lang siya kaya naman binago niya ang tanong kay Vin.
"So, Is this true? Are you dating someone?"
Sa tanong na iyon ay hindi ko alam kung sasagoy si Vin o hindi pero hiling ko ay wag dahil baka masaktan lang ako sa maririnig.
"Yeah." nakangiting sagot ni Vin. At biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sunod na sinabi niya.
"I'm Dating A Sexstar." masayang sabi ni Vin at biglang kumunot ang noo ng nagiinterview.
"Sexstar?" patanong at mahinang banggit ng babaeng nagiinterview at tila naguluhan sa sinabi ni Vin.
Naglakad na kami ni Vin papasok ng hall pero hindi ko maalis sa isipan yung binaggit ni Vin.
I'm Dating A Sexstar? Sino ang tinutukoy niya doon? Ako ba? At ano ba ang meaning nun?
Anong meron sa salitang iyon dahil ultimk magulang ko ay iyon ang tawag sa akin.