Ang bilis kong mahulog kay Vin ...ay este sem break. Parang natulog lang ako ng 3 seconds pagmulat ko may pasok na. Nakakaloka, nahahagas ang boobsicles ko.
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at binuksan. Bigla naman akong napangiti ng wala sa oras ng bumungad sa akin ang isang message na galing kay Vin.
Namiss agad ako ng loko.
VIN:
Kumain ka na?
Oh My Boobsicles! Pa-fall si Fafa Vin. Pag ito minahal ko baka pumuti na ang uwak.
ME:
Hindi pa.
Kakasend ko pa lang ng reply ko nang biglang tumunog ang cellphone ko at nagtatawag si Vin.
"Hello!" sagot ko sa tawag niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" galit niyang tanong at napanguso ako ng wala sa oras.
"May ginagawa pa ako. Tinatapos ko pa yung thesis namin." narinig ko ang pagbuntong hininga niya at halatang nagpipigil lang ng galit.
"Kumain ka muna. Wag kang magpalipas ng gutom." may pagaalala niyang sabi.
'Vin, tama na yan. Rehearsal na.' rinig ko sa linya niya.
"Sige na, kakain na po ako." maamo kong sabi.
"Bye, take care." sagot niya at pinatay ko na ang tawag.
Sandali kong inihinto ang paggawa ko ng thesis at sinunod si Vin. Kumain ako tulad ng sinabi niya. Mahirap na, lalo na't may nagagalit na sa akin kapag hindi ako kumakain sa tamang oras.
Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Vin dahil busy siya sa darating na comeback song niya. Kaya naman medyo nalulungkot ako sa condo unit niya dahil mag-isa lang ako pero ganun pa man ay napapalitan din iyon ng galak at saya sa tuwing nagtetext o nagca-call si Vin.
Simula nung magbakasyon kami sa Calaguas Island ay doon nagsimula ang lahat. Ang pagiging sweet ni Vin, pagiging maalaga at maaalalahanin sa akin.
Parang kahapon lang ay nagaaway kami, nagtatalo dahil sa ugali niya pero ngayon ay ibang iba na si Vin sa nakilala ko noon. Sadya atang siguro mahirap siyang pakisamahan sa simula dahil maldito.
"Yara, anong maitutulong ko?" biglang sulpot ng isa kong kaklase na kagrupo ko sa theiss.
Noong gawin namin ang thesis at hanggang ngayong patapos na ay wala siya, MIA kumbaga. Missing In Action kasi nagiinom. Sa tuwing nagmemessage ako sa kanya tungkol sa thesis ang sabi niya ay busy siya pero pagtingin ko sa 'myday' tanghaling tapat nagiinom.
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Inabutan ko siya ng 500 pesos at kinuha niya ito. "Anong gagawin ko dito?" tanong niya at plastik akong ngumiti.
"Bumili ka ng alak at uminom ka lang maghapon." maldita kong sabi.
Isinarado ko ang laptop at tumayo na. Isinikid ko iyon sa bag ko at inirapan siya sabay lakad ng nagkekembot.
"Tounge-ina sayang yung 500." bulong ko sa sarili habang naglalakad palabas ng campus.
...
Galing sa university ay dumiretso ako dito sa hospital.
"How are you Yara?" iyon ang bungad sa akin ni Doc Lopez nang makita ang maganda kong mukha.
Naupo ako sa harap niya at ngumiti. Inihampas ko ang buhok ko tulad ng mga nasa commercial bago umayos ng upo. "Heto, pagod."
"Pagod?" nagtatakang tanong ni Doc sa akin.
"Pagod maging maganda duh!" sabi ko sabay irap.
Tumikhim siya at tiningnan ako mismo sa mga mata ko. "How's life? You look good Yara?"
"Walang bago, malaki pa rin ang boobsicles ko." panimula ko. "Maganda pa rin naman ako tsaka maganda at tsaka maganda." natatawa kong sabi.
Magsasalita na sana si Doc Lopez pero pinutol ko siya. "Something's changed." sabi ko at kita ko ang pagbilog nh mata ni Doc na mukhang excited sa ikwekwento ko.
"There is someone that always pop up in my mind whenever I'm trying to have s*x with someone. Yung feeling na ang init ng katawan ko at gusto mong ilabas yun pero sa tuwing makikipagsex na ako, laging humuhupa yung libog ko at sunusulpot na lang sa itak ko yung pangalan at hitsura niya." kwento ko at matamang nakining sa akin si Doc.
"Napapagaan niya yung loob ko, masaya ako kapag kasama siya. I feel contented kapag nagsesex kami. Ewan ko, pero ang hirap ipaliwanag yung nararamdaman ko para sa kanya."
Nagisip pa ako dahil baka may ikwekwento pa ako pero wala na. Pag angat ko ng tingin kay Doc Lopez ay nakita ko siyang nakangiti na parang awan.
"I think you're in love Yara. So who is he?" tanong niya at ngumiwi ako.
"Tss, niloloko mo na ata ko Doc eh. Pero secret muna yung pangalan niya." sabi ko.
"Iniinom mo pa ba yung gamot na nirereseta ko?" tanong niya at uniling ako. Ang tinutukoy niya gamot ay antidepressant.
Ang paliwanag ni Doc Lopez noong malaman kong s*x addict ako ay, yung s*x daw ang nagiging daan ko para ilabas yung galit at emosyon ko. Na sa tuwing nakakadama ako na mag-isa o walang nagmamahal sa akin ay s*x ang nagiging daan para makalimutan ko ang mga iyon.
Hindi muna ako nitesetahan ng gamot dahil meron pa naman ako. Ang sabi niya lang sa akin bago matapos ang session ay kung sino man daw ang taong tinutukoy ko sa kwento ko ay malaki raw ang naitutulong niya sa kondisyin ko. Pag nagkataon nga daw ay baka tuluyan ko ng makontrol ang libog at init ko sa katawan.
"Thank you Doc Lopez." sabi ko at tumayo at ganun rin siya. "Goodbye" paalam ko at sumunod siya sa paglalakad palabas ng office niya. Ganun palagi ang ginagawa niya, inihahatid ako palabas ng hospital.
Nasa may exit kaming dalawa ni Doc nang bigla siyang magsalita. "You didn't touch my boobs today." nakangiting sabi ni Doc at inirapan ko siya. Iyon din kasi ang nakasanayan ko noon, na sa tuwing aalis na ako ay hinahawakan ko ang boobs niya.
"Did you miss my touch Doc?" makahulugan kong sabi at tumawa siya.
"No, its just that you changed already."
"I know." proud kong sabi sabay kindat sa kanya. Bago lumabas ay hinalikan ko siya sa pisngi at kumaway na bilang paalam.
I LOVE MY BOOBS ay este I LOVE MY LIFE.
...
Paguwi ko sa condo unit ay laking pagtataka ko ng bukas ang mga ilaw. Hindi lang iyon dahil nakarinig ako ng tunog sa kusina kasabay ng mabangong luto.
Naglakad ako papuntang kusina at doon ko naabutan si Vin na nakatopless at suot ang apron niya. Nang makita ako ay ngumiti siya at sinenyasan ako na lumapit sa kanya.
"Favorite mo." sabi niya at kumuha ako kutsara para tikman ang sisig. Iyon kasi ang paborito kong ulam.
Pagtikim ko ay nakasunod lang siya ng tingin sa akin. "Masarap." sabi ko. "Masarap ka."
"I know sweetie, masarap talaga ako." sabi niya at mahina ko siyang hinampas sa braso dahil sa kayabanagan.
"Hindi ba't dapat bukas pa ang uwi mo?" tanong ko habang pinagpatuloy niya ang pagluluto.
"Yeah, pero tumakas ako."
"Tumakas ka? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Hhmmm..." iyon lang ang nakuha kong sagot sa kanaya.
Inihanda niya ang pagkain namin at sabay kaming kumain. Habang kumakain kami ay napagusapan namin ang comeback niya. Ang sabi niya ay ire-release daw iyon next week.
Kinamusta niya rin ako tungkol sa mga naging araw ko. At ang sabi ko ay medyo stress lang ako sa thesis dahil may isa akong kagrupo na hindi nagiintindi. Nabigla naman ako ng sabihin niyang tutulungan niya ako.
Tutulungan daw niya ako sa thesis. Nagdalawang isip ako sa sinabi niyang iyon dahil baka makaabala lang ako sa kanta pero ang sabi niya ay hindi naman daw. Sa huli ay wala akong naggawa kundi sumang ayon na lang.
Matapos kumain ay nagpaalam ako sa kanya na dederetso na ako sa kwrato at matutulog na. Naligo ako at matapos nun ay nahiga na rin. Kung noong nakaraan ay nasanay akong makatulog nang nakaunderwear ngayon naman ay nakapajama na ako at nakadamit.
Isa iyon sa mga malaking pagbabago sa akin. Noon kasi ay hindi ako makatulog ng nakadamit kaya naghuhubad talaga ako.
Nahiga ako sa kama at nagcellphone muna. Nagscroll scroll muna ako sa i********:. Sa pagi-scroll ko ay hindi nakalagpas ang picture ni Paul na may kasamang babae, panigurong isa na naman iyon sa mga nilandi niya.
Pagtingin ko naman sa story ni Lia ay nakita ko ang picture ng isang lalaki na nakatalikod at nasisiguro kong si Jeric iyon.
Wala daw gusto kay Jeric pero ni-story. Galawan ata yan ni Lia.
Sandali akong natigilan ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Bumungad sa akin si Vin na nakapantulog at yakap yakap ang unan.
"Can I sleep here?" tanong niya at tumango ako.
Nahiga siya sa tabi habang ako naman ay pinatay na ang cellphone. Ang pwesto ko ngayon ay nakatagilid patalikod kay Vin dahil nakaramdam ako ng 'awkward' sa pagitan namin.
Ipinikit ko ang mata at nagtulog tulugan.
"Yara?" mahinang tawag ni Vin pero hindi ako nagmulat at nagkunwaring natutulog lang.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Bumilis ang t***k ng puso ko ng pumulupot ang kamay ni Vin sa beywang ko.
Yakap ako ngayon ni Vin at hindi ko alam ang gagawin ko. Napakagat na lang ako sa labi ng maramdaman ko kanyang baba sa balikat.
"Goodnight Sexstar." bulong niya.
Goodnight Sexstar. Iyon ang naging lamang ng isip ko hanggang sa tuluyan akong makatulog at nanatili pa rin ang yakap ni Vin sa akin.