Yeon-min's POV Nakatingin ako sa madilim na kalangitan ngayon sa bintana ng kwarto ko. Masyadong gabi na rin at nakatulog na rin si Zoa sa kama ko. Dahil nga sa kulang lang kami ng kwarto rito sa bahay ay natutulog kami ng magkatabi ni Zoa sa kwarto ko. Ang ganda ng kalangitan ngayon, tahimik lang at walang prinoproblema. Bumuntong hininga ako sa kaisipang iyon. Namiss ko bigla si Kyung-so, sana nandito siya. Nang napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito, senyales na may tumatawag. Tinignan ko ang screen at napangiti ako nang makita ko ang pangalan niya. Iniisip ko palang siya eh. Sinagot ko naman din iyon agad. "Bakit ka napatawag ng ganito kalate ng gabi?" tanong ko na pangiti-ngiti pa rin. "Tingin ka sa baba," nagtaka naman ako sa sinabi niya. At sinunod ko nalang din n

