Yeon-min's POV
Mag-isa na akong nagcommute para sa school ngayong araw. Hindi ko na siya dinaanan gaya ng dati kong ginagawa. Nagtatampo pa rin ako sa kanya. Mas pinipili niya yung lalaking iyon kaysa sa 'kin na matagal na niyang naging best friend.
Tahimik lang akong nakasakay sa bus nang imahe niya ang nakikita ko sa tabi ko. Lagi siyang may kwento every time na magkasama kami. Pero hays, umiling ako ng mariin para matanggal kung ano man ang iniisip ko.
Hanggang sa tumigil na nga ang bus at bumaba na rin ako. Nagtungo na rin ako agad sa gate ng school. Naglakad pa ako papunta sa first subject namin ngayong araw. Pagkarating ko sa klase ay wala pa si Seol-hee, lagi naman din niya akong hinihintay sa umaga bago kami pumasok ng school. At dumating na nga ang prof namin at wala pa rin si Seol-hee. Aabsent nanaman ba siya?
Nagroll call na rin muna siya bago magstart ang klase.
"Choi Yeon-min?"
"Present," sagot ko.
"Shin Seol-hee?" Nang walang sumagot ay napatingin na rin siya sa amin. "Where's miss Shin Seol-hee?" tanong pa niya at napatingin kami sa may pinto nang may kakarating lang doon.
"Present," sagot naman niya at pumasok na rin sa loob.
Tumabi siya sa 'kin kasi yun lang din naman ang available seat dito.
"Next time come to class early okay?" tanong ng prof.
Hindi ko siya pinansin, ni hindi nga ako makatingin sa kanya. Nagfocus nalang ako sa libro na binabasa ko. Ramdam ko namang nakatingin siya sa 'kin. At nabigla ako nang may letter na pinatong niya sa librong binabasa ko. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin na siya sa prof namin na nagdidiscuss.
Binuksan ko naman iyon at may sulat na 'sorry na kasi bff, pano ba ako makakabawi sa 'yo.' Eh kung hindi ka sana pumayag na maging girlfriend ni Kyung-so wala sana tayong away ngayon. Pero syempre hindi ko iyon sinabi ng malakas at linukot ko lang ang papel saka ko tinapon sa basurahan na katabi ko lang at pinagpatuloy na rin muli ang pagbabasa.
Ramdam kong nalungkot siya dahil sa ginawa ko. Pero hindi naman din siya makikinig sa 'kin eh, para san pa at magiging best friend muli niya ako.
"Class dismiss," sabi ng prof kaya kinuha ko na rin muna ang mga libro ko bago umalis sa klase. Nilagay ko na rin muna iyon sa locker ko bago naglakad-lakad. Actually hindi ko nga rin alam kung saan ako pupunta basta naglalakad-lakad lang ako. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa garden nitong school.
May nakita akong upuan sa gitna kaya nagpunta na rin ako roon. Para maupo. Madami akong iniisip sa mga oras na iyon.
Ilang sandali pa nga ng pagtatambay ko roon ay may naramdaman akong presensya kaya tinignan ko kung sino iyon at nakita kong paalis na sana siya nang tawagin ko pa siya dahilan ng pagtigil niya sa pag-alis.
"Kai tama?" tanong ko at tumingin siya sa 'kin.
"Ah oo," matipid lang na sagot niya.
"Pwede ka namang tumabi sa 'kin," pag-alok ko.
"I want to be alone," cold niyang sabi kaya napatawa ako at napatingin lang din naman siya sa 'kin ng confused.
"Medyo stubborn ka rin gaya ni Kyung-so, sabihin mo nga chickboy ka rin ba?" tanong ko. Alam ko namang medyo nakakasakit nga yung tanong kong iyon.
"Don't ever compare me to him," sagot niya dahil dun ay natahimik ako. At ilang sandali pa ay tumingin ako sa kanya at hinila ko paupo sa tabi ko. Kanina pa rin nakatayo eh.
"Alam mo bang matagal na kaming mag best friend ni Seol-hee pero sinira lang ni Kyung-so," pahayag ko.
"I didn't even know kung bakit siya naging ganun, maybe dahil sa namatay niyang mahal sa buhay," kwento niya na ikinatawa ko muli.
Tumingin ulit siya sa akin na nalilito bakit nanaman ako natatawa sa sinabi niya.
"Ang conyo mo pala 'no," saad ko. "Ahm sino nga pala yung namatay na mahal niya sa buhay?" Naging seryoso kong tanong.
"Girlfriend niya," matipid niya lang na sagot.
"Pft," pagpipigil ko muli ng tawa.
"Bakit nanaman?" nagtatakang tanong niya muli.
"Eh andami na kaya niyang naging girlfriend, alin dun?" tanong ko naman na tumigil na sa pagtawa.
"Yung greatest love niya," sagot niya.
"Alam pala niyang magmahal," komento ko naman.
"Siya lang ang tanging babaeng minahal niya ng totoo pero ganun pa ang nangyari tsk tsk," sabi niya saka tumayo na mula sa kanyang inuupuan tabi ko.
"Wait, ano bang nangyari?" nagtataka ko naman tanong.
"Tsk, nagpunta ako sa eskwelahan para matuto hindi para magstory telling," inis na yata niyang sabi.
"Eh bakit ka wala sa klase mo ngayon," napaisip naman siya sa sinabi ko. "Dali na sabihin mo na, ano ngang nangyari," tanong ko pa.
"May naghahabol kay Kyung-so at gusto siyang ipapatay at nung nagkaharap na sila ay imbes na si Kyung-so tatama yung arow ay kay Yeon-min tumama," sagot niya naman na ikinagulat ko.
"Y-Yeon-min? Pangalan ko yun ahh," sabi ko na nalilito pa rin.
"Yeon-min ang pangalan mo?" gulat niya rin namang tanong. At napatango na lang ako sa tanong niya. "Akala ko ba Amaya? Yun kasi tinatawag ni Seol-hee sa 'yo," tanong niya pa.
"Ahh yun kasi yung pangalan ni lola, nung namatay siya, yun na tinawag nila sa 'kin," sagot ko.
"Ahh," sabi niya lang at ilang minuto lang kaming naging tahimik hanggang sa nagsalita ako ulit.
"At arow? Ano yun makalumang panahon?" tanong ko pa.
"Ganun na nga," sagot niya.
"Ha?" Gulat at nalilito na rin ako sa pinagkwekwento niya.
"Wala, sabi ko balik na ako sa klase ko," sabi niya at hindi ako sumagot sa kanya. "Ikaw ba't wala ka sa klase mo?" tanong niya pa.
"Madaming vacant time ang kinuha kong course," sagot ko na nakatingin sa malayo.
Nang napatingin kami sa isang direction nang may sumigaw mula rito.
"Amaya," sabi nito at tumakbo sa direksyon namin. "Sorry na kasi," paghingi niya ng tawad pero naglakad lang ako palayo.
At habang lumalayo ako ay pansin kong hindi na siya nakasunod kaya hinayaan ko nalang din siya. Nagpunta nalang din ako agad sa klase namin dahil ilang minuto na rin naman ay mag-iistart na. Gaya ng mga usual kong ginagawa ay nagbabasa nalang muna ako ng libro para na rin pampalipas ng oras ko sa paghihintay ng prof.
Ilang minuto na nga ay dumating na si Seol-hee sa room at tumabi siya sa 'kin. Nag-iiwas pa rin ako ng tingin sa kanya. Hindi na rin niya ako kinukulit gaya dati. At ilang minuto lang makalipas ng pagdating ni Seol-hee sa room ay sunod namang pumasok ang prof namin.
Nilesson lang namin about biology, plants and animals. Totoo nga namang paulit-ulit lang din ang nilelesson mula grade school hanggang college. Nakinig nalang ako sa prof namin dahil ano pa nga bang gagawin ko, saka lumipas pa ang oras hanggang sa dinismiss na nga niya ulit kami.
Una na ring umalis sa room si Seol-hee. Nakatingin lang din ako sa likuran niya. Totoo namang namimiss ko na siya pero ano nga bang magagawa ko. Sinuway niya ako, hindi ba dapat sundin natin ang isip kasi ito ang mas mataas kaysa puso. Wala ring saysay ang kasiyahan mo sa taong mahal mo kung masasaktan ka lang naman sa bandang huli. Sinusubukan ko lang namang iligtas si Seol-hee mula sa heartbreak kasi kilala ko siya at mas malala pa siya sa malala kapag nabrobroken.
Lumabas na rin ako at nagdecide na pumunta sa cafeteria para maglunch. Mag-isa lang akong kumakain. Nang dahil sa wala nang maupuan ay may lumapit sa 'kin na grupo ng mga babae mula sa 2nd year.
"Hey freshmen, pwede kaming makiupo you know ubos na rin kasi upuan dito and wala ka namang kasama right?"
"Sure oo naman," sabi ko at umusog sa gilid para paupuin sila.
Sila ay kabilang sa mga sosyal na grupo ng estudyante rito. Colorful ang damit nila at hindi nga sila sumusunod sa rules na dapat magsuot ng uniform. May highlights din ang mga buhok nila at nakasuot din sila ng heavy make up.
Tahimik nalang din akong kumakain sa isang gilid at sila naman ay panay kwentuhan lang din. Nagpipicture-picture lang din sila para raw iupload sa socials nila. At hula ko meron pa nga akong stolen sa mga kinuhanan nilang selfies nila. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pilit kong hindi sila pinapansin hanggang sa yung katabi kong babae na leader yata nila ay natabig yung juice na iniinom niya.
"Omg! I'm sorry," sabi niya pero tumayo nalang ako sa upuan ko at umalis na dun kahit hindi ko pa tapos ang lunch ko.
Nagpipigil ako ng luha habang papunta na ako sa cr. I miss my best friend, yung ipagtatanggol ako kahit na maliit na bagay lang, yung lagi kong kasa-kasama sa lahat ng ganap sa buhay ko pero nawala yun ng isang iglap. Hanggang sa may nabangga akong tao dahilan para matumba ako sa sahig. Hindi ko pa rin naman nakita kung sino iyon dahil nakatingin ako sa ibaba. At dun na nga hindi ko na napigilan ang luha ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa may kamay na nag-offer sa 'kin. Tinignan ko ang kamay saka ako tumayo mag-isa na hindi tinatanggap ang kamay niya at nagwalk out na rin ako.
Hinabol niya naman ako at nag-offer din ng panyo, pagtingin ko kung sino yun ay agad na nagform ang kamay ko into fist.
"Hindi ko kailangan ng panyo mo," sabi ko at nilagpasan na siya muli pero humabol nanaman siya sa 'kin.
"Just take it," sabi rin niya at kinuha ang kamay ko para ilagay doon ang panyo saka na rin siya umalis.
Nang tuluyan na nga siyang makaalis ay pinagpunas ko na rin ang panyo na bigay niya saka ako nagdesisyon na pumunta sa rooftop. Dito lang kasi ang alam kong tahimik na lugar kung saan walang makakakita sa 'yo.
Humiga ako sa upuan doon at naisipang umidlip na muna. Wala na rin naman akong susunod na subject. Nang nagising ako, tinignan ko agad ang time sa phone ko at 5pm na. Hala lagot ako, ngayon palang ako uuwi ng late. Kaya kinuha ko na ang bag ko at patakbo ng bumaba sa hagdan. Nang tuluyan na nga akong nakababa sa hagdan ay naghintay ako ng ilang minuto sa bus pero mahirap na rin kasi ang bus kapag ganitong oras.
Nang merong kotse na tumigil sa harapan ko. Binaba niya ang bintana ng kotse niya at nakita ko si Kyung-so na nakaupo sa driver's seat.
"Ibababa na kita sa bahay niyo," sabi niya.
"Sinabi ko na, hindi ko kailangan ng tulong mo," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Kita ko siyang bumaba ng kotse niya at papunta sa 'kin. Kinuha niya ang kamay ko at hinila papunta sa shotgun seat. Kahit naman din magpumiglas ako, hindi niya papakawalan kamay ko hangga't hindi ako sasakay ng kotse niya.
"Ano bang kailangan mo, nakuha mo na si Seol-hee 'di ba. Bakit mo pa ako ginugulo," tanong ko nang nakahalukipkip.
Hindi niya ako sinagot at nakafocus lang siya sa pagdridrive. Pansin ko ring nalungkot ang mukha niya. Ano nanaman bang problema nito, nakukuha naman niya lahat pero malungkot pa rin.
"Hindi lahat ng nakukuha mo, ikasasaya mo," napatakip ako ng bibig gamit ang mga kamay ko at napalaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Pano mo alam na 'yan ang iniisip ko?" gulat kong tanong.
"Nabasa ko lang sa facial expression mo," sagot niya na mahirap kong paniwalaan.
Pano niya nabasa sa facial expression ko lang? Busy pa ako sa pag-iisip doon nang tumigil ang sasakyan niya. Napatingin ako sa gilid ko at nagulat ulit ako nang bahay na namin ito pero hindi ko pa naman sinabi sa kanya kung saan ang bahay namin.
"P-panong-" bumaba na siya sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto.
Bumaba na rin naman ako na nalilito pa rin. Lutang akong papasok ng bahay nang tinawag pa niya ang pangalan ko.
"Yeon-min!" pagtawag niya dahilan ng paglingon ko pa.
"T-talaga bang hindi mo ako naaalala?" tanong niya na ikinalito ko pa. Ano nanaman bang sinasabi niya? "Ikaw 'yan 'di ba, bumalik ka dahil sa pangako mo," sabi niya at hinawakan ang magkabila kong kamay. Mapapansin na ngayon ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Yeon-min ako ito yung minahal mo dati," sabi niya pero infairness ha magaling naman siyang umacting kaya pwede na.
"Alam mo, kung mag-aaudition ka para umacting, pwede ka na," sabi ko naman at papasok na sana pero hinila pa niya ang kamay ko dahilan ng paglingon ko muli sa kanya pero nagulat ako nang yinakap niya ako at ang sunod na sinabi niya ang mas ikinagulat ko talaga.
"I miss you."