Chapter 30: Uncontrolled destiny

1663 Words
Yeon-min's POV Ngayon ay prelims na namin. May part sa 'kin na kinakabahan pero alam ko naman ding nakapagreview ako kaya imposible ring mababagsak ako nito. "Kumusta na si Kai?" tanong ko dahil nabalitaan ko rin ang nangyari sa kanya kahapon. "Ah okay na rin naman na siya pero hindi nga lang siya papasok ngayon para na rin talagang makarecover siya ng maayos," sagot niya. "Ah mabuti naman kung ganun," sabi ko naman habang naglalakad na kami papuntang first class namin. "Nakapaghanda na ba lahat?" tanong ng prof nang nakarating na nga siya sa room namin. Madaming nakaopen notes pa habang naghahabol na magreview habang kami ni Seol-hee ay kampante na dahil matagal na rin naman kaming nakareview. "Wait lang ma'am," sabi ng iba. "Close notes na tayo, magsisimula na ang exam," sabi niya at ayaw man ng iba pero kailangan na rin nilang magclose notes dahil hindi lang naman sila ang hihintayin namin. Dinistribute na nga ng prof ang mga test papers hanggang sa umabot na ito sa 'min ni Seol-hee. Napatingin naman siya sa 'kin nang nakita niya siguro na madali lang ang mga questions. "Magstart na kayo agad para mas mabilis tayong makatapos," sabi ni prof kaya sinulat ko na nga muna ang pangalan ko saka nagsimula na ring sagutan ang mga questions na nakasulat doon. Nilagay ko na nga ang mga test papers sa table ng prof nang tapos na ako. Medyo nahuli pa si Seol-hee kaya sinabi ko sa kanya na imeet nalang niya ako sa dati naming tambayan, kung saan ito ay sa open field. Ewan, may part yata roon na nahihirapan siya. Tumingin-tingin nalang din ako sa paligid habang hinihintay pa si Seol-hee. Wala rin akong nakitang nagprapractice ng soccer ngayon, siguro abala na rin sila sa pagrereview para sa prelims. Wait hinahanap ka ba si Yoo-bin? Umiling-iling lang ako dahil sa kaisipang iyon. Siguro abala rin yun sa prelims ngayon. Mine-maintain din kasi niya ang pagkahonor student at pagkavarcity player niya para manatili pa siya rito sa school. Madami na nga siyang nakwento sa 'kin about sa buhay niya. Nang ilang minuto lang ako roon hanggang sa makarating na nga si Seol-hee sa kinaroroonan ko. "Musta ang exam?" nagtatakang tanong ko. "Ayos naman din kahit papano," sagot niya nang nakahinga ng maluwang. Ilang oras lang din naman bago ang susunod naming subject kaya nagdesisyon muna kaming tumambay roon ng ilang sandali pa. "Amaya, Seol-hee?" Napatingin kami sa nagsalita. "Oh ate Stacy," sabi naman ni Seol-hee. "Pwede akong makitabi sa inyo?" tanong niya at sumang-ayon naman din kami kaya tumabi na rin siya sa 'min sa damuhan. "Medyo nahirapan ako sa physics," sabi niya na binaba muna ang mga dala niyang libro. "Ah nakakapanibago pa rin talaga pag nagsasalita ka ng tagalog ate," sabi ni Seol-hee sa kanya. "Oo nga," pagsang-ayon ko naman kay Seol-hee. "Ahh I'm sorry kung nilihim ko ang bagay na 'to sa inyo," sabi pa niya na may accent pa rin. Ang cute lang. "Okay lang naman ate," sagot ni Seol-hee. "Hmm bakit nga pala 'di mo kasama si Dan-oh ngayon 'te?" tanong ko naman sa kanya nang mapansing ngayon lang hindi nakabuntot si Dan-oh sa kanya. "Ah magrereview rin sa next subject nila eh," sagot naman niya. "Ah ganun ba," sabi ko pero pansin ko talaga ang pagkalungkot sa mukha niya. May problema nanaman ba sila? Parang okay naman sila nung sabado ah. "May problema ba ate?" nagtataka ko namang tanong. "Ah," sabi niya na waring hinahanap pa ang tamang salitang sasabihin sa 'min. "Magagalit ba kayo ng sobra sa isang tao kapag naglihim siya ng madaming bagay sa inyo?" tanong niya na halatang yun ang bumabagabag sa isipan niya ngayon. "Para sa 'kin kapag may sapat naman na rason patatawarin ko rin siya agad," sagot ko. "Oo nga ate, saka magpaliwanag ka lang sa kanya maiintindihan ka naman nun," sabi naman ni Seol-hee at tinap-tap ang balikat ni ate Stacy. "Sana nga," sagot pa niya. Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa nagsalita na rin muli si ate Stacy. "Ah oo nga pala," sabi niya na kumuha ng atensyon namin ni Seol-hee. "May plinano kami ni Dan-oh na outing para sa 'ting lahat," sabi niya na nagpaliwanag ng mga mukha namin ni Seol-hee. "Outing?" 'di makapaniwalang sabi naman ni Seol-hee. "Anong klaseng outing 'te?" tanong naman niya kay ate Stacy at hindi maipinta sa mukha niya ngayon ang pagkagalak. "Camping siya before I will leave," napawi lang din naman ang ngiti namin ni Seol-hee nang malamang parang fairwell outing pala yung magaganap. "Uy huwag kayong malungkot, pati tuloy ako nalulungkot na sa inyo eh," sabi niya kaya niyakap ko nalang siya. "Ate," sabi ko at yumakap din naman siya pabalik. "Mamimiss ka namin," sabi naman ni Seol-hee at sumali din sa yakap namin. "I will miss you guys too," sagot niya at dun na nga rin kami kumalas ng yakap namin. "Parang kailan lang yung pagdating mo dito ate tas ngayon aalis ka na," sabi ni Seol-hee na halatang malungkot sa pag-alis ni ate Stacy. "Okay lang yun, babalik naman ako eh. Bibisitahin ko rin kayo ulit pangako," sabi niya at yumakap lang ulit ako sa kanya. "Ate!" saka sabi ko at napaiyak nalang ako. "Okay lang yun, don't cry na ha?" sabi naman niya at kinapa ang mga pisngi naming dalawa ni Seol-hee. "Basta mag-iingat ka palagi dun 'te ha," sabi ko na pasinghot-singhot na. "Ano ba kayo, hindi pa naman ako aalis ngayon eh, next week pa," sagot niya pero malungkot pa rin talaga ako sa pag-alis niya. Naging part na rin kasi siya sa buhay namin eh. "Oh sige na may klase pa ako," sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa damuhan. "Galingan niyo sa prelims niyo ha," sabi pa niya bago tuluyang makaalis. Naiwan naman kami ni Seol-hee rito na malungkot. "Ang biglaan naman," saad ni Seol-hee sa gitna ng katahimikan. "Oo nga," sabi ko nalang at naglabas nalang ng libro. "Magreview nalang tayo para sa susunod nating subject," sabi ko at binuklat na nga ang libro ko para sa rereview-hin namin. Ganun din naman ang ginawa ni Seol-hee. Natapos na rin ang klase namin buong araw at nakahinga lang kami ng maluwag dahil dun. Nagtaka ako dahil hindi namin nakasalubong buong araw ang F3. "Pumasok kaya sila Kyung-so at Dan-oh ngayon?" tanong ko kay Seol-hee nang pasakay na kami sa bus pauwi sa bahay. "Yieh hinahanap si Kyung-so," sabi naman niya at sinundot-sundot ang tagiliran ko. "Tumigil ka nga, nagtataka lang ako kung ba't hindi natin sila nakasalubong ngayong araw," sabi ko naman. "Ang sabihin mo namimiss mo lang talaga siya," sabi naman niya na ikinaface palm ko. "Ang kulit mo eh 'no?" saad ko nalang para hindi na niya ako asarin pa. "Pero namimiss mo nga siya?" tanong pa ni Seol-hee na ikinaasar ko. Inaasar niya talaga ako eh, grr. "Hindi nga!" sabi ko pero natatawa lang siya. "Oo na," sabi niya na natatawa pa rin. Psh, ewan ko sa 'yo Seol-hee. Tumigil na nga rin ang bus at bumaba na rin kami mula roon. "Buti tapos na ang prelims natin," sabi ni Seol-hee habang naglalakad palang kami pauwi ng bahay namin. "Oo nga," sang-ayon ko naman. Malaking part din yun ng grade namin kaya kelangan talaga mataas makuha namin dun. Saka rin kami nagpaalam sa isa't-isa nang nakarating na ako sa bahay. Una kasing madadaanan bahay namin. "Kumusta 'nak?" tanong ni mama, pagkapasok ko palang ng bahay. "Maayos naman ma," sagot ko lang at umakyat na rin ng kwarto ko. Nahiga na rin ako sa kama ko dahil sa pagod ngayong araw at hindi ko namamalayang nakatulog pala ako. "Kain na tayo apo," nagising ako dahil sa naramdaman kong may yumuyugyog sa 'kin. "Lo?" tanong ko. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko, titignan ko lang kung totoo ba 'tong nakikita ko o naghahallucinate lang ako. Mukhang ngayon lang yata ako inabalang tawagin ni lolo. Kita ko siyang umupo sa tabi ko kaya bumangon na rin ako sa higaan ko at umupo na rin. "Alam mo bang kagaya niyo rin kami ng lola mo?" panimula nanaman niya sa pagkwekwento tungkol sa kanila ni lola. Pero nagtaka ako dahil sa sinabi niya na kagaya rin nila kami? Sinong kami? At anong ibig sabihin ni lolo sa sinabi niyang iyon. "Hindi rin sang-ayon sa amin ang tadhana pero ano nga ba ang magagawa natin kapag mahal natin ang isang tao, 'di ba gagawin din natin ang lahat so iyon ang ginawa namin ng lola mo," sabi niya. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga sinasabi ni lolo ngayon. "Pinaglaban namin ang pagmamahalan namin ng lola mo kaya nawala rin siya sa 'kin sa bandang huli," malungkot niyang kwento. "Kaya apo huwag mong subukang kotrahin ang tadhana dahil mahirap itong kalabanin," nalilito pa rin nga ako sa mga pinagsasabi ni lolo nang kita kong dumungaw naman si mama sa pinto ng kwarto ko. "Halina kayo," sabi niya pa. "Ano nanaman bang kwinekwento mo kay Amaya tay?" tanong naman din ni mama kay lolo at napatayo na rin si lolo mula sa kanyang pagkakaupo at ganun din ako. "Wala naman, kain na tayo apo," pag-aya naman ni lolo sa 'kin kaya nagpunta na rin kaming lahat sa baba para kumain ng hapunan. Tahimik lang kaming kumakain habang nalilito pa rin ako sa sinabi ni lolo sa 'kin kanina. Anong ibig niyang sabihin dun. Umakyat na nga rin muli ako sa kwarto ko nang tapos na kaming kumain at chineck na rin ang socials ko. Kita kong marami na silang chats sa gc about sa gaganaping camping para sa pag-alis ni ate Stacy, pero hindi ko inabalang tignan. Sasabihin naman din sa 'kin ni Seol-hee kung anong sinabi nila na idadala or gagawin dun. Masyado lang akong occupied sa kwinento sa 'kin ni lolo. Ano nga bang ibig niyang sabihin dun? At pinilit ko nalang alisin ang kaisipang iyon at gumawa ng mga iba pang school activities namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD